Prologue

731 34 178
                                    

Tumingala ako sa kalangitan na ngayon ay makulimlim, hindi na ako magugulat kung maya-maya ay bubuhos na ang malakas na ulan. Madalas pabago-bago ang klima nitong mga nakaraang linggo, may mga araw na sobrang maaraw at may mga araw na maulan naman. Senyales ng unti-unting pagbabago ng mundong kinalakhan natin.

I stared at some people passing by wondering what their plans for today are. Mayroong mga nagmamdali at mayroon ding parang naglalakad sa buwan. Habang pinapanood ang mga taong ito, natanto kong iba-iba pala talaga tayo ng mga layunin sa buhay. Napangiti ako, masarap ang mabuhay, mapalad tayo na mabiyayaan ng buhay at pinagpala tayo ng lubos dahil nagigising pa rin tayo kinabukasan pagka't may mga taong kahit gaano man nila ipaglaban ang buhay nila ay hanggang doon na lang talaga. Still, they hoped and kept their faith to live.

Nagmamadali kong kinuha ang tumutunog kong cellphone sa aking bulsa. Umupo muna ako sa bench ng waiting area para sa mga sasakyan tulad ng jeep, taxi, grab at iba pa. Ay naku! Pa-deadbatt na ako!

"Hello Aina? Nandito na ako sa may waiting area ng mga sasakyan, malapit sa convenience store. Anong kulay nung kotse? Pa-deadbatt na kasi talaga ako. 2% na lang." Medyo natataranta na dahil kanina pa ako minamadali ng bestfriend ko sa sunod-sunod niyang messages sa akin mula nang makarating ako rito. If only I wasn't paid for this. I wouldn't go with her. Sana pala ay nagpasundo na lang ako sa kanya kung alam ko lang na hindi papasok ang professor ko para sa nag-iisang subject ko ngayong araw.

"Color black na Toyota. Ito yung plate number Shi—"

"Hello? Hello? Aina? Hello? Anong plate number?" Deadbatt na ang phone ko! Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Wala pa naman akong dalang powerbank. Inalala ko ang nag-iisang detalye na sinabi ni Aina. Kulay black daw na Toyota. Wala akong kotse kaya hindi rin ako pamilyar sa mga logo nito. Siguro naman may letter "T" 'yun sa logo? Common sense lang naman.

Tinutok ko na lamang ang buong atensiyon ko sa mga kotseng paparating. Hanggang sa wakas ay may nakita akong itim na kotse na tumigil sa tapat ko. Siguro ay sinabi ni Aina sa grab driver na deadbatt ako. Maybe she described my physical appearance too. Hindi na ako nag-abalang i-check pa ang logo dahil kanina pa ako nagmamasid sa mga kotseng dumadaan, wala akong nakitang may letter "T" sa logo.

Mukhang ito nga talaga ang kotse dahil bukas ang pinto ng passenger's seat. Ngayon lang ako makakasakay ng grab dahil hindi pa naman ito uso noon at hindi ko rin afford. Madalas ay ang kotse nila Aina ang nasasakyan ko, kung saan sa passenger's seat ako nauupo kapag pinapasundo ako ni Aina sa kanilang driver.

"Good afternoon po." Bati ko sa driver. He is wearing denim jacket over a plain white shirt. Ang gwapo naman nito. Nag-iwas ako ng tingin baka kasi isipin niya na nagwapuhan ako sa kanya kahit iyon naman ang totoo.

"How did you know Ate Ainah?" Tanong niya habang paliko na kami patungo sa mall na pupuntahan namin. "And how did she convinced you?" Napakunot ako ng noo. Ate Aina raw? Eh mukhang magkasing-edad lang kami nito, kung hindi ay baka mas matanda siya sa amin ng ilang taon, kaya bakit Ate Aina ang tawag niya sa bestfriend ko?

"Ah, kailangan ko kasi ng pera. Pandagdag allowance." Aina paid me for this. Hindi talaga ako dapat sasama sa kanya at hindi rin naman talaga ako nagpapabayad kapag siya. But she insisted on paying me because it will surely take much of my time. Kasi may mga bagay na dapat akong i-prioritize ngayong araw pero inuna ko muna siya. Ibang raket sana ang pupuntahan ko ngayon kaya naki-usap siya na siya na lang ang samahan ko at babayaran niya ako ng kaparehong halaga ng dapat sana ay kikitain ko ngayong araw. Nahihiya ako na tumanggap ng pera mula sa kanya dahil bestfriend ko siya pero dahil sa pamimilit niya ay napapayag na rin niya ako.

Closer Into You [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon