Chapter 39: Text

611 31 2
                                                  

×MIRAE×

"W-warren, ikaw pala."

"Oo ako nga, may duda ka ba?" tanong nya sakin habang nakapamulsa at palapit sakin. Napayakap lang ako sa phone ko, parang may kakaiba sa kanya.

"Wala." sabay tungo ko.

Kailangan ko pa bang alamin kung sino ang kasabwat ng killer? Pero, para saan pa kung makakaharap ko rin naman ang killer? Papahirapan ko lang sarili ko. Pagod na ako, mas mapapagod pa ba kung hahanapin ko ang pa yung kasabwat na pwede ko rin namang makita sa harap ng killer?

"May problema ba, Mirae? Gusto mo...samahan kita?" sabi nya habang inaangat ulo ko sa pamamagitan ng paghawak nya sa baba ko.

His eyes...

His look...

His facial expression...

His aura...

"Warren, b-ba't parang... May iba sayo?" napabitaw naman sya sa pagkakahawak sa baba ko.

Hindi kaya... Pero imposible, napaka mabuting kaibigan ni Warren para traydorin ako. Pero, sabi nga nila... 'Looks can be deceiving' ibig ba nung sabihin?

"Lahat ng tao sa paligid, hindi natin alam ang totoo nilang mukha. Kasi natatakpan ng peke nilang mukha kasama ng peke nilang ugali ang kanilang totoong pagkatao."

Hindi imposibleng maging sya.. Pero, sa mga sinasabi niya noong nagkakilala kami sa 2nd day of school, pakiramdam ko kasi... Aish!

"kasi hindi natin sila LUBOS na kilala. Kahit pa matagal ng nakakasama... hindi parin naman natin alam kung totoo ba sila o hindi. Kung totoo ba na sila ang kaibigan natin.. kung totoo ba ang pagkatao nila.."

Hindi ko kayang kalabanin si Warren! Hindi ko kayang saktan sya, kasi sya lang ang nagiisang guy bestfriend ko na hindi nagiba ang tingin sakin. Na hindi nagdududa sakin.

"Lahat tayo.. nagkukunwaring mababait.. lahat tayo may tinatagong masamang ugali.."

Pero... What if? Sa lahat ng sinabi nyang iyon, nakaramdam ako ng duda sa kanya. Tulad ng pagdududa ko kay Pat nuon.

"Sakin? May iba? Tss. Ako lang naman tong si Warren na walang tigil sa pagtatanggol sayo ah?"

Tama sya. Pero...

"Naaalala ko... Nung nakilala kita, natakot ako sa bawat salitang binibitaw mo. 'Lahat tayo.. nagkukunwaring mababait.. lahat tayo may tinatagong masamang ugali..' at ngayon, posibleng isa sa mga kaibigan natin ang ganon.."

"Buti naaalala mo pa." nakangisi nyang sabi.

Bakit ngayon lang yata sya ngumisi? May iba sa kanya! At ano yon?!

Ano ba yan! Dalawang tao na ngayon ang pinadududahan ko. si Pat at si Warren. Nuong napagusapan namin ang tungkol dun sa kasabwat nung killer, parang pinagtatanggol pa nya yung kasabwat..yung nangtatraydor samin.

Naisip ko din nuon na baka sya, pero imposible rin. Nung namatay si Lucy, naramdaman ko ng konti na posibleng hindi sya.. Pero posible ring sya dahil maaaring may time na hindi sinasabi nung killer ang plano nya sa kasunod niyang papatayin.

What if si Betty? Pero.. Sa kalagayan nya sa pamilya nya, imposible yun. Imposibleng gumawa sya ng mali.. Pero, ilang araw n rin namin sya hindi nakikita at nakakausap. Naisip ko na posibleng binabantayan nya kami ng hindi namin nakikita...

Pero, sapat na na pagdudahan sya nuon at wag na ngayon.. Dahil alam ko naman na SIGURO ay hindi sya.

"Imposible."

Imposible talaga.. Imposibleng imposible..

"Imposibleng ano, Mirae?" nabalik ako sa realidad at napatingin kay Warren. Nandito pa nga pala sya, bigla ko na lang nakalimutan.

"A-ah wala, naisip ko lang y-yung gamit kong matagal ng na-nawawala. Naisip ko na b-baka nasa pa-parents ko.. Pero imposible.. Pero, i-itatanong k-ko na rin, alis lang ako. " nadaanan ko sya at mukhang hindi naman--

"Mirae." napahinto ako ng hindi lumilingon. Akala ko, dere-deretso na akong aalis. "Minsan, Hindi nababase sa pagkakaibang mukha at aura ang pagkakaduda. Nasa pananalita."

Ayan na naman sya, ang dating Warren nung una kong nakilala na kung magsalita.. Geez.

Tumango lang ako saka na uli naglakad palayo.. Ayaw kong pagdudahan si Warren at Pat at Betty. Pero silang tatlo lang naman ang kakaiba e. Ang nagiging kakaiba. Na hindi ko maintindihan pero, parang isa lang sa kanila ang dapat paghinalaan.

SINO NGA BA NAMAN KASI ANG DAPAT KONG PAGDUDAHAN AT PAGHINALAAN?!

Tss. Pero diba dapat, wag ko na lang isipin yun? Aish!

***

Sabi ni Kuya, dun na lang daw dadaan sa madaling singitan e mas lalong nagtraffic e! Tss. Andito nga pala ako sa tricycle, nakasakay at hinihintay na umandar ang mga kotse.

*BZZT BZZZT*

To: Mirae

I'm giving you 2days, Mirae. To find out who is the traitor.

From: 09985304354

Hindi ko pinangalanan yung number nya dahil hindi naman kailangan at importante. At ano? 2days?! Hindi sapat sakin ang 2days para alamin kung sino ang traydor! Dahil magaling silang magpanggap. Daig pa ang magkarelasyong nagpapanggap.

To: 09985304354

2days is not yet enough! But right now, I need Clues.

-Sent-

Ilang minuto pa bago sya ulit nagreply.

To: Mirae

He/She is always beside you.. He/She is always there to comfort you.. But there is one thing that He/She never told you.. But will be told when the RIGHT time, comes. Words that could kill you from fear.

From: 09985304354

Tss. Anong klaseng clue yun? E lahat naman sila, nandyan sa tabi ko at para i-comfort ako. Masyadong mahirap! Ugh!

To: 09985304354

Make it simple.

-Sent-

Segundo saka sya nagreply.

To: Mirae

The truth.

From: 09985304354

Truth?

*BZZT BZZT*

May kasunod pa pala, ba't di nalang inisang send? Tsk.

To: Mirae

After this plan, you'll know everything..

You killed my sister. And I'll kill yours. *evil laugh*

From: 09985304354

Teka, may kapatid ba ako?

Hallway (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon