Teaser

290K 4K 302
                                    

Halos hindi niya mapansin ang mga pagbating ginawa sa kanya ng mga empleyado sabay tingin din sa akin. Pero hindi ito ang panahon para panghinaan ako ng loob. Mapapatay talaga kita, Odik kapag hindi umepek 'to!

"Ikaw ang future ko, Danzel! Ikaw yun! Hindi ka ba naniniwala sa kapalaran?! Ako ang babae para sa'yo!" Sabi ko ulit sa kanya at dahilan iyon para mapalingon siya sa akin. Salubong na ang kanyang kilay at malayung-malayo sa friendly niyang hitsura nitong nakakaraan. Matalim ang kanyang titig at para bang kaunting pagkakamali lang ay malalagot na talaga ako ngayon.

"What the fck are talking about? Are you nuts?!" Gigil pang sabi niya at mapula pa rin ang kanyang pisngi. Pero wala talaga akong masabi sa kanyang kagwapuhan. Perpekto talaga siya kahit pa sa natural na liwanag lang.

"Nakasulat na sa mga bituin ang kapalaran natin, Danzel. Ikaw ang kapalaran ko. At naniniwala ako dun!"

"You're insane! Stay away from me, Ms. Capikpik." Nakangiwi pang sabi niya na para bang diring-diri.

"C-capekpek po... pero Isay na lang kasi, Sir Danz." Ngumuso ako at nananatiling kunot ang kanyang noo. Sinagad ko yata. Palpak yata ang plano ng baklang yun ah!

"Capitpit whatever! Stay. Away. From. Me!" Nagmamadali pa siyang tumalikod sa akin at agad na pinatunog ang kanyang sasakyan.

"Danzel, wait naman o!" Sumunod pa rin ako kahit na parang gusto ko na siyang lubayan. Hindi pwedeng dito matapos ang lahat! Aish! Ano ba naman kasing plano 'to?! Bakit ba palagi akong nakikinig sa damuhong bakla na yun?!

"Believe me, Isay." Galit pang baling niya sa akin. "I am a nice guy. Pero kapag hindi ka tumigil sa ginagawa mo, permanente kitang ipapa-ban sa building ko! Got that?!" Natigilan ako at ni hindi ko malaman ang sasabihin. Galit siya at ramdam ko 'yun sa tigas ng kanyang boses.



********

Dear Readers (Capekpek at Cabetlog) LOL XD,


Okay, okay, matagal pa po ito. As in matagal pa. Pagkatapos pa ng TAC or next year pa ang post nito! Bwahahahaha! Pasensya na, mahirap kaya magsulat. Try n'yo! Lols! For now, i-enjoy n'yo na lang muna po ang TAC. Salamat sa mga walang sawang sumusuporta. Pagpasensyahan n'yo na if puro My Wrong Kind Of Girl ang post ko sa FB kasi humuhugot ako ng feels para makapagsulat ng maayos at maganda. Kaya may skills sa editing d'yan e wag kayo mahihiya na forward sa akin ang magkasamang pic nina Teresa Palmer at Chris Evans. Sila kasi inspirasyon ko sa story na 'yan. hehehe Maraming salamat! Ingat po sa lahat!


Love,

Ate Mommy Dean

04/24/15


MY WRONG KIND OF GIRL (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon