"Mag-ingat ka. Baka maunahan pa kita." di natitinag nitong tugon bago inakay si Lia papalayo

Nakatingin lang si Pain sa dalawa habang naglalakad ang mga ito papuntang hallway. Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi.

"Kuya Pain?" napalingon sya sa kanyang likod at nakita si Lav.

"Oh here comes my good-for-nothing second cousin? how's Thailand?" bati nito at mas lalong napalapad ang kanyang mga ngiti

Nakita naman nya si Yuto na syang nilagpasan lang sya, kasunod sila Thyme at Maicey. Mukhang susundan ng mga ito ang dalawa.

"I'm still having a full blast of my life" sagot ni Lav kaya muli itong humarap sa kanya. "And you? how's the life of being a dick head? balita ko mula Greece pinalayas ka na naman papuntang Germany? baka maubos mo na lahat ng mga bansa sa buong mundo eh ulol ka pa din?"

"And you? balita ko may sinunog ka na namang bahay?" saka ito nagsmirk. "Isn't it a cowardice?"

Si Lav naman ngayon ang napangisi. "Kasalanan ko bang marami kaming bahay?" ganti nito bago prenteng namulsa. "Sabagay, ikaw nga jan eh, wala ng bahay haha! well, sabihan mo lang ako next time kapag wala ka ng mapupuntahan at ibibigay ko sa iyo yung napagsunugan ko." hirit pa nito.

Bakas sa mukha ni Pain ang inis kaya humakbang ito papalapit sa kanyang pangalawang pinsan. "Balita ko bodyguard na naman ni Tito ang lalaki ng mommy mo?" na-alarma naman si Lav kaya hindi agad ito nakareact sa kanyang sinabi. "Wow. Ayan pa rin pala ang pantapat sayo." saka ito mahinang tumawa. "Sabagay, ang kati naman talaga ng nanay mo. Kahit naman siguro sino mahihiya sa kalandiang taglay nya." pahabol pa nya bago masayang tinaasan ng dalawang kilay at tuluyan ng naglakad palayo.

Naiwang mag-isa si Lav. And this time, hindi na sya nakangiti.


Valen's POV

"Okay ka na ba?" tanong ko kay Lia saka kinuha ang mineral bottle na hawak nya

Tumango naman ito. "Salamat"

Nandito kaming apat sa dressing room ni Hiro. Ito kasi ang pinakamalapit sa event area. Dito ko nalang dinala si Lia, pero sumunod pala itong dalawa. Tsk. Panira talaga sila. Jjajeungna.

Magkatabi kami ni Lia sa sofa habang nakaupo naman sa vanity table si Yuto at nasa tabi naman ng pintuan si Maicey.

Bakit ba sila nandito?

"Anong ginagawa nyo dito?" baling ko sa kanila.

"Ah naghanap si Thyme ng first aid kit kaya---"

"Kaya anong relate at sumunod ka dito?" balik kong tanong kay Maicey. Hindi naman ito sumagot pa kaya lumipat ang tingin ko sa lalaking nasa harap namin.

"Si Lia ang pinunta ko dito at hindi ikaw." sagot nito sa akin bago tumingin sa katabi ko. "So don't be a hinder."

Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Sasabat pa sana ako ng magsalita si Lia kaya napatingin kami sa kanya

"Pasensya na kayo at kinailangan nyo pa akong dalhin dito. Pasensya na talaga"

Hindi kasi namin namalayan na wala pala sya dun. Ilang minuto na kaming naghahanap sa kanya saka naman naalala ni Maicey na nagbanyo pala. Sumakto namang nakita namin sya pero kasama nya si Pain.

Teka? matanong nga tong babaeng ito. "How did you know that crappy ass man, Pain?" tanong ni Yuto sa kanya. Ang chismoso naman nitong lalaking 'to.

Hart with Lav and ValentineDonde viven las historias. Descúbrelo ahora