Season 1 |23| >>#MagTiwalaKaSaAkin

104K 1.3K 153
  • Dedicated kay Lovely Grace Betco
                                    



Jesse's POV

"Labs, galit ka pa rin ba?"

Ilang ulit akong tinatanong ni Leo, kaso tinitiis ko talaga na hindi siya pansinin. Feeling ko kasi talaga na may babae siya eh.

Nandito kami ngayon sa bahay ko, wala lahat ng tao, ewan ko kung saan sila lahat nag tago at wala akong paki . Nag-aayos na ako para pumunta sa university. Since galit ako sa kanya ngayon, balak ko sanang mag taxi muna kasi ayoko pa makasama siya sa isang sasakyan.

"Labs naman, ano ba namang klaseng tanong 'yan? Trust me, hindi kita niloloko. Wag ka magpapaniwala sa iba, nag sisinungaling sila."

Eh, kasi naman after nang mini breakdown ko sa park kahapon, pagkauwi ko sa bahay agad akong nakatanggap ng message tungkol sa pambabae ni Leo from an unknown number and mind you! May picture pa sa aking ipinadala!

Nakakainit ng dugo! Grabe!

Ang nasa picture ay isang lalaking ina-assume kong si Leo since suot nito ang paboritong shirt niya at parehong-pareho din yung stilo niya ng buhok. Tapos nakikipag halikan ang lalaki sa isang babaeng may mahaba at medyo wavy na buhok.

Alam kong hindi matibay itong proof since madami ang pwedeng manloko sa amin at duh?! Uso kaya ang photoshop...kaso sabi nga ng iba, kung wala talagang nangyari dapat walang kakalat na chismis katulad nito hindi ba?

Sht lang, nakakainis!

"Labs naman! Pansinin mo na ako. Uy sorry na."

Tiningnan ko ang orasan ko, past 9 na nang umaga at konting minuto na lang ay malalate na ako sa first class ko. Kahit gusto kong bumigay sa kanya, ay tiniis kong hindi siya tingnan. Ni sulyap hindi ko ginawa. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at inaayos ang mini skirt ko.

Naglakad na ako papalabas ng bahay kaso hinatak ako ni Leo.

"Ano ba? Bitawan mo na ako!" Sinigawan ko siya kahit na pinipilit kong hindi tumingin sa mukha niya. Mahirap na, masyadong malambot ang puso ko sa lalaking ito baka mapatawad ko siya kahit hindi pa saiya nag so-sorry sa akin.

"Labs, tumingin ka nga sa akin,"

Hindi ko na siya pinansin, nagpumiglas na lang ako sa hawak niya para makaalis na. Kaso wala eh, tulad ng inaasahan ayaw niya akong bitawan.

Sana lagi na lang siyang ganyan...sana kahit anong mangyari hindi niya ako bibitawan...

"Jesse..."

"Ano ba? Ma-late na ako."

"Love, please listen to me,"

"Ayoko."

"Sorry na. Kahit wala akong ginawang kasalanan sorry na."

"Tumahimik ka!"

Hindi niya ako pinansin at nagpatulot pa din siya sa pagsasalita. Ngayon naman pati ang isa ko pang kamay ay hinawakan niya.

"I am faithful to you. Ni kahit anino ng babae hindi ko tinitingnan dahil mahal kita."

This time, I looked at him. I can see the sincerity in his eyes.

Alam ko hindi mawawala ang mga doubts dito sa puso ko pero sa ngayon siguro naman pwede ko i-accept ang sorry niya hindi ba?

"Totoo ba yan?"

"Alam ko kung paano mapapatunayan sa'yo na ikaw lang ang para sa akin,"

Hindi niya na ako pinatapos magsalita dahil bigla na lang niya akong hinalikan at dinala sa kwarto ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon