Chapter 10:
Nadeskubrihan ni Juri na nagsisinungaling sa kanya ang kanyang Ina.
May narinig siyang pumasok sa pintuan ng knailang bahay. Agad niyang sinalubong iyon. Tama ang hinala niya. Ang kanyang Ina ang pumasok doon.
“Ma! Why did you did this?!” sigaw niya sa sarili niyang Ina.
“ang alin?” nagtataka ang kanyang Ina sa pinagsasabi niya at nanlalaki rin ang mga nito.
“ You’ve lied to me!” ipinakita ni Juri ang mga diary niya sa kanyang Ina.
“ s-saan mo nakuha iyan?” utal na sabi ni Go.
“ Ba’t mo itinago sa akin ang lahat? Ano bang ginawa ko para gawin mo ‘to sa akin?”
Ipinaliwaanag ni Go kung ano ang tunay na kundesiyon ng anak. Dahil sa kanyang nalaman, nawalan ng lakas si Juri, bigla siyang napaluhod at tumulo ang mga luha.
“i-ibig mong sabihin.. maari akong mamatay pag bumalik sa akin ang lahat-lahat ng mga ala-ala ko?”
Tumango naman ang kanyang Ina at nilapitan siya at niyakap.
“ayoko.. ayoko..” hagulgol ni Juri. Sinubukan ni Juri na tumayo.
“Kung mamatay man ako, gusto ko nasa tabi ko ang lalakeng pinakamamahal ko” tumakbo si Juri papunta sa kanyang kwarto at kumuha ng mga gamit at kanyang passport.
“ anong ginagawa mo?” tanong ng kanyang Ina.
“ babalik ako sa tabi ng taong mahal ko. Hindi niyo ako mapipigilan.” Pagkatapos maayos ang lahat, lumabas na mula sa kanyang bahay si Juri at pumunta na sa airport.
Now she will go back to where she belongs; In the arms of Dave.
Nakababa na nang eroplano si Juri, agad niyang tinawagan si Mila.
“Hello, nasan si Dave ngayon? Ganun ba? salamat. Oo, I’ m here in Philippines.” Agad niyang ibinaba ang telepono at pumunta kung nasaan si Dave.
Habang bumabiyahe ang kanyang sinasakyan na taxi ay naramdaman niyang sumasakit na ang kanya ulo.
Hindi niya ito ininda, ang mahalaga lang kay Juri ngayon ay makita at mayakap si Dave.
Nakarating sa Juri sa harap ng kanilang building, nakita niya si Dave na may pasa sa pisngi at malapit sa mata.
Agad siyang bumaba mula sa sinasakyan.
“DAVE!!” Sigaw niya, agad naming lumingon si Dave sa dereksiyon niya, halatang nagulat ito na nandoon siya.
Agad na tumawid si Juri sa kalye, hindi niya namalayan na may paparating pala na sasakyan. Huli na ang lahat ng lingunin niya ito at makita.
BINABASA MO ANG
Please, Don't Forget
Teen FictionJuri, was a nerdy girl who has a secret identity. Hindi niya alam kung bakit pinapagawa ng kanyang Ina sa kanya ito, but Dave found out about her secret, and stormed Juri’s life. Dahil doon, ipinagbawal ng kanyang Ina ang paglapit sa binata. So Jur...