PBAP 1

10.7K 140 2


"Oh? Busangot yang mukha mo?" Tanong agad sa akin ng Bestfriend ko na si Grace.

"Hirap makausap ni Mama ngayon" Sagot ko.

Nga pala bago ko makalimutan, Ako si France Miller isang Half Italian and half pinay. Mama ko ang pinay at ang papa ko ang italiano pero ang Papa ko ay hindi ko kilala kasi isinilang ako na walang ama, Ang mama ko ay nasa Italy nagtratrabaho bilang isang empleyado sa isang Hotel at hinahanap niya dun si Papa, I'm using my Papa's Surname kahit na hindi kasal sina Mama.

Mahirap lamang kami, nagpapart time job ako sa isang coffee shop at scholar ako sa University namin gragraduate narin ako sa April at kandidato ako bilang magna cum laude, Ako lang ang mag-isa dito sa Penthouse ko na iniregalo sa akin ng ninang sherimar ko nung birthday ko.

"Grace" Tawag ko sa kaibigan ko "Nahihirapan na ako"

"Bakit naman?" Kita ko sa kanya yung pagtataka sa mukha niya "Sabihin mo lang sa akin nandito ako para sayo"

"Nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon, stress na lang ako lagi" Kwento ko.

"Mag resign ka na kasi sa Coffee Shop" Sabi nito.

"Hindi pwede. paano na lang ang mga kailangan ko? Hays kung sana mayaman na lang kami katulad ninyo" Sabi ko at hindi na ako nagulat ng yakapin ako nito.

"Wag kang mag alala, kahit anong problema mo andito kami ni Shane" Sabi niya.

Si Grace siya ang Bestfriend ko since grade 3 andito siya lagi sa tabi ko hindi niya ako iniiwan lagi i'm very happy to have her.

Si Shane naman ay ang pangalawa niyang kapatid second year college na iyon akala mo maarteng babae si Shane pero hindi makulit at mabait iyon.

"By the way oh" Sabi ni Grace at kumalas sa yakap at may iniabot na paper bag.

"Ano yan?" Taka ko naman like hello.

"Open it" Utos nito na sinunod ko naman at laking gulat ko at Cellphone iyon isang Samsung Galaxy Note II "Yan sayo yan Gift ko sayo kasi ang panget ng cellphone mo na isa eh! Samsung Y"

"Ehh, hindi ba sobra na ang pagbibigay mo ng regalo?" Nahihiya na nga ako sa Pamilya McKinley.

Si Grace at Shane ay isang half Australian yang mag kapatid na yan ay magkamukha para silang pinagbiyak na bato Kamukha nila si Tita Sheryl ang nakuha nila kay Tito Gerald ay yung pagka-mestiza nila at yung blue eyes, syempre silang lahat ay matangos ang ilong haha! Pero sa pamilya nila walang panget lahat may itsura.

Ako kamukha ko Mama ko nakuha ko sa Papa ko yun Berde kong mata at kutis ko din na maputi lahat ng iyon ay kwento ni Mama.

"Shane!......Ang kulit mo!.....Huh? Wait?....ano ba ang nangyare?....putnam ka alam mo yun ang sabihin mo gusto mo lang ako mapagalitan.... Hay nako pasalamat ka mahal kita" Sabi ni Grace at humarap sa akin "France, i better go, ang kulit ni Shane may nagawang kalokohan at ako si Panakip butas niya... Sige una na ako kita na lang tayo bukas"

Saka na ito umalis ng unit ko.

Sobra na si Grace sa pagbibigay sa akin ng mamahaling gamit.

Pregnant By A PlayboyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!