Kabanata 4

379 22 5
                                    


****BARTOLOME****

Kararating ko lang galing sa condo ni Grace, ngayon lang ako nagkaroon ulit ng interest sa babae, pero alam kong malabo. Masyadong malayo ang age gap namen. Kahit na type ko siya hindi na ako gagawa ng dahilan para mailang siya sa akin. Napangiti ako ng makitang nakatanggap message mula sa kaniya.

Grace
"Hi Bart thanks ulit sa pag-aalaga, see you next time medyo busy lang schedule sa work."

"Goodnight Bart"

Naalala ko si Charina co-teacher ko,
we have twenty seven years gap,
she's a P. E teacher sakto lang ang itsura pero maganda ang pangangatawan. Last five years ago ay niligawan ko siya pero matinding panghihiya ang inabot ko sa kaniya.

Akala ko ay okay lang sa kaniya yung panliligaw ko, sa bahay mismo ako nanliligaw at nagpakilala ng pormal sa pamilya niya. Lahat ng binibigay ko sa kaniya ay tinatanggap niya at madalas mag request ng kung anu-ano ang mga kapatid niyang lalaki, ganun din ang tatay nya, kaya lang ako tumigil sa panliligaw ng malaman kong na may boyfriend na pala siya.

Mabuti naawa sa akin yung kapitbahay nilang marites at sinabi niya sa akin ang totoo, kahit alam kung hindi naman bukal sa loob niya ang ginawang pagbibigay ng info. Gusto lang sumagap ng bagong topic sa lugar nila. Pinagmukha akong gago ni Charina, pati pala pamilya niya alam na may boyfriend na pero hindi nila sa akin sinabi dahil nakikinabang pa.

Okay lang magka-boyfriend siya karapatan niya yun, yung sa akin lang dapat sinabihan ako para tumigil na ako.

Kinausap ko siya pero siya pa ang galit at talagang ipinamukha niya na hinding hindi siya magkakagusto sa akin. Mukha pa raw akong mas matanda kaysa sa tatay niya at hindi  siya desperada para pumatol sa akin.

Kahit naiinis at galit ako sa kaniya nanahimik ako, ayoko siyang mapahiya. Gustong gusto kong sabihin sa kaniya na ang tatay niya amoy lupa kahit matanda ako ng tatlong taon. Tamad kasi maligo ang balasubas na yun, ako kayang kong magbayad ng bill sa Maynilad kaya dalawang beses ako maligo sa loob ng isang araw.

Nalaman ko yung boyfriend pala niya ay anak ng principal namen si Timothy yung I. T. Teacher, kaya pala pakiramdam ko noon na hindi nya ako gusto, may dahilan pala ang bugok. Well bagay sila hindi nagkakalayo ang age nila at parehong masama ugali. Ang hindi ko inaasahan ay yung ipagkalat ni Charina na ginugulo ko daw ang relasyon nila. Madaming maniwala sa pinaagsasabi nito, ngayon ko lang napagtanto na nuknukan sa galing gumawa ng kasinungalingan at yung ibang napaniwala niyang apektado pinayuhan ako na huwag maging bitter sa masayang relasyon. Hindi na ako umimik dahil wala kasi akong close sa mga co-teacher ko kaya ako yung masama, sila din ang madalas ka bonding kaya ang side nila ang paniniwala. Akala ko okay na tapos na pero sa araw-araw na magtatagpo ang landas namen sa school hindi pa rin nagbabago ang pagpaparinig niya saken.  Sinabihan akong ambisyoso at dapat si Evelyn na lang ligawan ko total bagay naman kami, parehong loser na hindi makakatagpo ng forever.
Kaya ang madalas na i-partner sa akin si Evelyn yung mataray na Librarian, ginagawang katatawanan nila kami, hindi kasi nagsusungit kapag tinutukso sa akin.

****

Mahigit isang linggo na ang lumipas, pero madalas kaming mag-usap ni Grace, messager sa umaga kapag gabi vedio call. Napapansin at tinukso din ako ng ilang mga co-teacher ko kapag napapangiti habang may katext.
Hindi ko na lang sila pinapansin lalo lang hahaba ang issue kapag nagsalita pa ako.

Nasanay na din akong naglalambingan ang dalawang bitter lovers sa harapan ko. Akala nila hindi ako nakapag move-on sa nangyari. Ngayon mas focus ako sa magandang nangyayari sa buhay at kahit sa simpleng palitan ng message nmen ni Grace.

Napagkasunduan namen ni Grace magkita kami this coming Saturday.
Libre sila until Tuesday wala siyang schedule at nagpapasama siya sa akin may importanteng lakad. Oo agad ang sagot ko kahit may gagawin ako. Nag file ako ng leave ang nilagay kong reason:
Over all check up para wala ng magtanong at tiyak na hindi ako pagdududahan.

Mantherजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें