CHAPTER 22

9.9K 363 60
                                    

"Coordinating with the Emperor's plan to execute his two siblings is the best way to avoid a war between the four Kingdoms." Panimula ng isang Elite, na sa pagkakatanda ko ay Brux ang pangalan. "Besides, wala namang mawawala sa atin."

Nang marinig iyon ng aking ina ay pinandilatan nya ng mata si ama, dahilan upang mataranta ito. "I beg to disagree." He said with menacing voice.
"Eradicating Prince Drake Hawthorn, and the Empire's star, Princess Rhea Hawthorn without any valid reasons will only cause our people's rage and that may result to their outcry. And by that, it'll only make our people's trust to us efface."

At dahil doon, nahati ang bawat opinyon ng mga Elites. Mayroong sumasang-ayon sa plano at mayroon namang hindi.

"Sorry for my boldness your highness but are you suggesting that we should disregard the Emperor's order? Hindi naman siguro lingid sa kaalaman natin na kahit pagsamasamahin ang tatlong kaharian ay hindi pa rin nito matatalo ang Central Empire. Refusing the Emperor's decision is a suicide." Matigas na sabi ng isa pang Elite.

"I believe it's against our principle-" hindi natapos ni ina ang kanyang dapat na sasabihin.

"Principle or your ego? Us vesrus the Emperor is like fighting with just one soldier against thousands! We have no choice but to be Emperor Luther's ally, and with that-"

I let out a deep chuckle, until it became a mocking laugh. Because of that, I gained everyone's attention. Sino ba namang tangang tatawa sa gitna ng isang seryosong pag-uusap?

Nakangisi kong tiningnan ang Elite na babae na kaninang nagsalita, I clicked my tongue, hindi ko nagustuhan ang kanyang tono ng pananalita kay ina.

Even though I'm not her real daughter in the first place, I still feel obliged to protect her at all cost. She's like a fragile and emotional lady, a typical mom.

"And what? Fight the public? Public's opinion is much more powerful that you think, just because of their opinions, a whole thing can be turned upside and down." Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa at bumitaw ng naaawang tingin. "If all of them wants to erase your existence from this world, the higher ups can't do anything but to kill you." Napakurap ang babae sa sinabi ko, nilukob ng takot ang kanyang buong mukha.

Pati rin ang ibang tao sa mesa ay nakatangang tumingin sa akin, I just literaly burned that girl down. Para sa kanila, imposibleng makapagsalita ako ng ganoon, I'm the shy and stupid petite Concubine right?

Ang kapatid kong katabi ko ay diretso lamang ang tingin, hindi kakikitaan ng ekspresyon ngunit kumukuyom ang kamao nito. Nakatingin lamang sya sa unahang direksyon kung saan makikita ang King of South, Sean Spades.

I turned my sight to King Sean's direction and caught him looking at me. Muntik na akong mapanganga nang irapan nya lang ako, the guts of this guy!

Nakanguso lamang akong naghintay kung kailan matatapos ang pag-uusap ni ina at ama sa mga taong nakakasalubong namin. Nakahawak sa bewang ko si Rajveer dahil baka kahit saan na naman daw ako mapadpad. My pout grow more.

Kakatapos lamang ng discussion ng mga Elites kanina, ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala man lang binibigay na reaksyon ang hari ng South. He's just busying himself in eating but most of the time, staring at me.

Dahil nga sa nahati ang desisyon at sa pagsasabat ko ay may nangyaring botohan. Majority voted for making alliance with the Emperor, expected na yon kasi maraming takot sa Emperador. Luther's power is just so strong to be disregard.

Wala naman akong problema doon ngunit naaawa lang ako sa aking ina, halatang ayaw nyang sundin ang plano. Papatayin ang dalawang kapatid ng Emperador kahit na walang sapat na dahilan, sino bang hindi malulungkot doon?

Sinubukan pa ni ama na baguhin ang desisyon ng ilan ngunit hindi sya nagtagumpay. He have no choice but to agree.

I sigh for the ninth time, naramdaman ko ang pagtapik sa akin ni Rajveer. "Something's bothering you, little sis?" Nag-aalalang tanong nito, bumitaw pa sya mula sa pagkakahawak sa aking bewang upang mas mapagmasdan ako ng maayos.

Umiling lang ako bilang sagot. Inilibot ko ang tingin sa buong lugar, may mga nagsasayawan pa rin, hindi mawawala ang ilang taong napapatingin sa akin at sa kay Rajveer. Alam kong may ilang kalalakihang gustong lumapit sa akin ngunit natatakot dahil katabi ko ang aking kapatid, still wearing his deadly stare.

"Uhm, H-hi Prince Rajveer-"

"You can go now, my lady. I'm not interested." Hindi ko alam kung pang-ilan na ba ito sa mga babaeng kanyang nareject. Every girls can be easily attracted to my brother because of his perfect looks. Ang problema lang ay parang wala lang sa kanya ang mga nagpapapansing babae. Lalaki din ata ang gusto, charot.

As expected, he looked at me with a pout. Magdadrama na naman ito. "Can we go home first, I hate it here. Kain tayo sa restaurant, libre kita. " He desperately said, halatang gustong gusto nang umalis.

I playfully rolled my eyes. "No can do, we're still in the middle of the party. And stop pouting, you look like a duck." I said.

"K-kailan ka pa natutong mang-asar ha, Amara? Such a bully!" I laughed at his reaction, halatang nababaguhan ito sa akin. Because I'm not Amara, I'm Farra.

Nagulat ako nang hilain ni ina ang aking kamay, gusto ko syang awatin sapagkat halatang dadalhin nya ako kay King Sean. May atraso pa naman ako dito.

"King Spades, I wanna introduce you to our only daughter and princess, Amara Yvaine Eliazar." Pakilala sa akin ni ama, napipilitan akong yumuko.

I flashed a fake smile to him. "It's a pleasant to finally meet you, your highness." His brow ceased, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"I already met her, King Leo." Saad nito sa aking ama.

"Oh really? Amara never mentioned it to us." Sagot ni Ama.

Sean pursed his lips, before looking at me intently. "Nagkakilala kami, kani-kanina lamang. I can tell that she's a little.. feisty." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Don't you ever mention the garden thing assh-le!

Nag-usap usap pa silang tatlo habang ako ay matamang nakikinig lamang. Pagkatapos ay nagpaalam muna ang aking magulang kay Sean dahil may kakausapin pa sila sa mga Elites. Dahilan ito upang maiwan kaming dalawa ni Sean, asan ba kasi si Rajveer!

"You didn't mention to me that you are the King of South." Panimula ko, I'll try to be on his good side again, kahit na yung unang pagkikita namin ay medyo.. magulo.

He is a King afterall, befriending him is a good thing. Makakabenefit ako kasi mayaman sya. Mwehehe.

Hindi ito sumagot bagkos ay uminom doon sa hawak-hawak nyang wine glass. Napatingin ako doon, it looks delicious. Nilingon ko ang buffet table at doon nakita ang ilang mga wine. Ngumiti ako sa aking isipan, a nice time to be wasted.

"And I'm sorry for uh.. slapping you?" Kabado kong saad, nang mapagtantong walang balak itong sumagot ay tumalikod na ako.

I halted when I hear his deep yet calm voice. Parang may mga anghel na nagkakantahan at nagsisilutangan sa itaas ng aking ulo.

"Panagutan mo ako."

Kunot noo ko syang nilingon. "What?"

His ears reddened, so as his cheeks. Maybe because of the liquor. Inis nyang ginulo ang buhok at uminom ulit.

He's.. weird.

Akmang tatalikod na ako nang magsalita na naman ako.

"Panagutan mo ako."

Another Life As The Emperor's ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon