I can't focus on eating. Kanina pa kasi mataman na tumitingin sa akin ang lalaki. Hindi ako naiilang, namomroblema lang ako kasi baka humingi sya sa akin. Kasya lang sa akin ang pagkaing dala ko.
"You're that runaway Concubine." That's not a question though. Napairap ako.
I nod my head a bit, he pursed his lips. Isinandal nya ang ulo sa puno at ipinikit ang mga mata.
Humalukipkip ako at pinaningkitan sya. "So why are you here?" I tried my best to make a conversation with him. Besides, nacucurious rin ako. Why would a gorgeous man like him, chose to stay in a dark and lonely place?
"Parties suffocates me." Napatango din ako sa kanyang sinabi, totoo naman. Going to parties, meeting and talking to strangers, pakikipagplastikan. Gosh, that's really exhausting, mas pipiliin ko pang matulog na lamang.
Kita ko sa dilim kung paano nya tiningnan ang nasugatan kong leeg, I anxiously covered it. "Malayo sa bituka." Wika ko. Gusto ko sanang awayin sya sapagkat sino ba namang matinong tao ang basta bastang manunutok ng espada?
Pero dahil gwapo naman, palalampasin ko muna. Mwehe.
"Still bleeding?" Tanong nito na ikinailing ko. Tumigil na sa pagdurugo ang leeg ko kani-kanina lamang.
I heard him sigh. "I'm sorry." Mahinang saad nito. "I thought you're an assasin, and also, your choice of words creeps me out." Napanguso ako sa sinabi nito.
"Assasin?" Taka kong tanong dito.
"Hindi na bago sa akin na may mga taong gusto akong paslangin." Simple nyang sagot, my eyes widened in amusement.
That's.. just so cool! Imagine mala-action ang buhay mo.
Pagapang lumapit ako sa kanya dahilan upang tingnan nya ako ng masama. I just smiled at umupo sa tabi nya.
Nagkatitigan kaming dalawa, his eyes are tempting me. Ilayo nyo po ako sa tukso, baka marape ko tong gwapong nilalang na ito.
"He's such an asshole for wasting someone like you." Napangisi ako nang marinig ang bulong nya, sa isip-isip nya lang sana sasabihin iyon ngunit medyo napalakas nya.
Alam ko kung sino ang tinutukoy nya, that Emperor. Tama naman, sayang at pinakawalan nya pa si Amara. She's gorgeous, mala-out of the world ang ganda nya. At matalino pa, medyo tatanga tanga nga lang sa pag-ibig.
"I heard he came this way!"
"Sigurado ka ba diyan? Ang dilim sa lugar na ito."
"Oo nga, imposibleng may tutungo dito."
"May napagtanungan akong gwardya, dito raw ang punta nya!"
Nanlaki ang mata ko nang makarinig ng ilang yapak malapit sa kinaroroonan namin. My jaw drop when I saw the man, closing his eyes.
"Paniguradong ikaw ang hinahanap nila, this is the time where we should escape right?" Kabado kong tanong. He boredly stared at me.
Ewan ko ba kung bakit ako ang kinakabahan dito, samantalang ang lalaking pakay nila ay kulang na lang matulog upang sabihing wala syang pake.
"Aish!" Inis kong ginulo ang aking buhok nang maramdamang may papunta dito.
Isa..
Dalawa..
Tatlo..
Apat..
Apat ang paparating, bago pa man makaangal ang lalaki ay hinila ko na sya gamit ang kanyang necktie. Ngunit parang hindi man lang sya natinag, hinawakan nya ang kaliwa kong kamay.
BINABASA MO ANG
Another Life As The Emperor's Concubine
RandomAmara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue, the world's most known and wanted assasin died while trying to kill a FLY, and guess what? She got...