Naghahanda ako sa lamesa ng biglang may yumakap sa akin patagilid.

"Good morning Kambal" kiniss nya ako sa cheeks pagtapos.

Ang aliwalas ng muka ni kambal parang hindi umiyak kagabi.

"Kambal parang hindi ka umiyak kagabi ha" nasabi ko na pala ang naiisip ko.

Ngumiti sya ng matamis sa akin.

"Yey may pancake kaya kami nagising ni baby dahil gusto nya ng pancake" umupo sya at naglalagay na ng syrup sa pancake nya.

Tuwang tuwa sya baka nga gusto talaga ng baby nya na matikman yon.

Dumating sila mommy and daddy kaya nagpalitan kami ng good morning and kisses sa cheeks.

"Thankyou baby ry sa breakfast , sobrang pagod ko kaya hindi ako nakapag luto." Nag smile na lang ako kay mommy.

Nagsimula na kami kumain pero bigla ko nakita na umiiyak si Kambal.

"What happened anak?"
"What happened Kambal?"

Sabay sabay kami napatingin sa kanya.

"Daddy sumisipa si Baby" napangiti naman kami sa narinig.

Ang tigasin ko na kapatid umiiyak ngayon dahil nagpaparamdam ang baby nya.

Nakaupo kami ngayon sa sofa at hinahawakan ang tyan ni Kambal.
Hindi ko napansin ang umbok nya nung umiinom kami sa Bar.

Siraulo talaga si Kambal uminom sya non , alan nyang buntis sya pero ang rason naman nya nawala sa isip nya kasi nga mas nangibabaw daw ang selos sa kanya.

Umakyat muna ako sa taas para maligo at pagbaba ko wala na sila mommy dahil nag work na.

Nakita ko naman si Kambal na nanood kaya tinabihan ko sya.

"Ry , do you think kakayanin ko?" Out of nowhere she ask that, alam ko na kinakabahan si kambal pero alam ko din na magiging mabuting mommy sya.

"Nandito kami Ky , Kasama mo kami magpapalaki kay Baby" pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko.

"After ko manganak , magsisimula na din ako magtrabaho para sa baby ko"

I wish that magkaroon ng happy ending ang kapatid ko.

___________
_____________

It's been a week at hindi pa kami ulit nagkikita ni Reyzi after nya hingiin yung kamay ko kay Daddy.

Natakot ba sya? or baka nakahanap na sya ng ibang tutulong sa kanya?

Yakap yakap ko si Chawie na natutulog. Sobrang fluffy nya talaga parang marshmallow hahahah.

Ang cute matulog ni Chawie sa dibdib ko kaya nagpicture ako. Naka sando ako kaya sumisilip ng kaunti ang dibdib ko. I decided to post it in my Ig.

I typed my caption 'my baby is sleeping'

Madami agad nag react and nag comment , most of them are foreigners

Raze Lim liked your post.

Active sya sa Ig pero hindi naman nya magawa na tawagan ako. :((

Namimiss ko ba sya???

May nag message sa akin sa Ig kaya doon ko muna ako nag focus.

Official Platon
wazzup riri

it'smerylie
hiii plankton

Gala naman tayo, ayain mo si kyky tomboi

Baliw ka , yari ka kay ky kapag narinig nanaman nya na tinatawag mo syang tomboi

Hahaha
Ano payag ka ba?

Sige kelan ba?

Ngayon sana kasi bored ako dito sa bahay

wait ayain ko si ky

go lang

Nawala na sa isip ko si Reyzi dahil nag aya si Plankton , mabuti nga na gumala para hindi ko lagi maisip si reyzi na hindi nagpaparamdam.

Kumatok ako sa kwarto ni Ky para ayain sya kaso ang kambal ko naghihilik. Kapag buntis talaga laging natutulog.

Ako na lang ang sasama kay Plankton kaya naligo na ako at nagbihis.

Nag jeans ako at croptop na barbie ang design.

Nag lipbalm din ako since pinkish na labi ko , I don't need to use pulbo kasi maputi naman na ako. Kinuha ko lang ang tote bag ko after ko suotin sneakers ko at nagpasya na ako umalis.

Nagpunta na ako sa pinaka malapit na Mall dahil ayun ang sinabi ni Plankton.

Sabi nya sa entrance ko daw sya antayin pero wala naman ako nakikitang payat na plankton. May isang lalaki pero imposibleng sya yon kasi maganda ang pangangatawan ng isang yon. Naka suot na black t-shirt may design na avengers, tumitingin din sya sa akin pero hindi ko na lang pinapansin.

Official Platon
san na u riri
tom jones n ko

It'smerylie
dito na sa entrance
I'm wearing barbie croptop

omg ka weh

ha? why

riri nasa likod mo ako

0__0

Okay shocked written all over my face pagkakita ko sa kanya.

Where is Plankton na payat?

"Huy, ako lang to si natoy na mahal na mahal ka" naka ngiti nyang sabi

Eh?
____________
_______________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now