Kabanata 16

1.6M 46.1K 20.4K
                                    

Kabanata 16

Ang Pagsali

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay dumating naman si April para sabihin saming pumunta na kami sa classroom dahil malapit ng mag time.

Walang imikan kami ni Jacob hanggang sa classroom.

Hindi pa dumadating ang teacher kaya nag s-strum ulit siya ng guitar at panay naman ang titig ko. May nakatingin din sa kanya. Obviously may iilan din sa kaklase kong nagkakandarapa sa kanya. Hindi lang si April. At sa kanilang lahat... (muntik ko ng maisip na sa 'aming lahat') si April ang pinaka lucky! Paano ba naman kasi ay close na close sila ni Jacob.

Pero uminit ang pisngi ko nang naisip ko ang scene kanina. Almost kissing. Sure ba akong almost kiss yun? Baka ako lang pala yung nag a-assume dito?

"Anong gusto mong kantahin ko?" Lumingon siya sakin, talking for the first time after the scene.

"Uhmm. Kahit ano... lang." Naiilang ako eh.

"Kakanta kami sa Intramurals eh. Kasama yung ibang banda dito. Tsaka mag lalaro din ng basketball. Ikaw? Anong gusto mong salihan?" Tumaas ang kilay niya.

"Wala naman. Cheering lang."

Required naman talaga lahat ng taong sumali sa cheering, well, except sa mga taga basketball team kung saan kasama si Jacob kaya di niya na kailangang sumali.

Buti dumating yung teacher namin at naputol yung nakakailang na pag-uusap namin ni Jacob.

"By the way, hanggang ngayon wala parin tayong nakukuhang dalawang representative ng Ms Intramurals?" Tinignan ako ni Mrs Gonzalo pagkatapos niyang sabihin yun.

Uh-oh! I know this! Sigurado akong iniisip niya kung pwede ba ako ang mag representa?

"Wala ba sa ibang section?" Tanong ni Eunice. "Si Andrea Flores sa 6-Millions? Maganda yun!" Aniya.

"Hindi siya pupwede, Eunice. Sumali na siya noon diba?"

Umirap si Eunice at, "Kung sana pwedeng sumali ang cheer leader eh ako na sana!"

Nagtanguan ang mga kaklase ko. Pero si Mrs Gonzalo ay nakatingin parin sakin. Lumubog ako ng konti sa upuan ko na namalayan naman ni Jacob kaya napatingin siya sakin.

"Anong ginagawa mo?"

Umiling ako, "Wa'g ka ngang maingay." Bulong ko.

"Ma'am si Roseanne Aranjuez kaya!?" Ang kumag ay sumigaw at nakita kong umaliwalas ang mata ni Mrs Gonzalo.

Finally, may nagsabi na rin sa gusto niyang mangyari.

Nagtanguan ulit ang mga kaklase ko, pero syempre yung iba ay biglang may ayaw dahil si Jacob ang nag recomenda. Akala naman nila may something samin ni Jacob. Si Eunice ang nanguna sa pag protesta...

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon