His junior I've seen last night suddenly flashed in my head. My face heated up. Umiling ako ng paulit-ulit. Ba't iyon pa ang nakita ko sa aking isipan?

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at inalis sa pagkakahawak sa hiyas ko. "Jetty, puwede ba huwag kang manghahawak na lang. Shutaca." Inirapan ko siya.

"Why?" He grinned and draw closer to my face. "Are you shy?" bulong niya. "Are you shy about our steamy night?" Hinawakan niya ang kumot na nakatakip sa dibdib ko. "Should we do it again?"

Idinikit ko ang aking palad sa kaniyang mukha at itinulak siya palayo.

"Maawa ka, Jetty, manahimik ka! Masakit ang katawan ko kaya huwag kang dumagdag."

Ngumiti si Jetty at tumayo. Kinuha niya ang kaniyang puting damit na nakapatong sa stool. Isinuot niya ito sa akin. May mataas na manggas ang damit na ito kaya natatakpan ang pulang marka sa aking braso. Inalis ko na ang kumot na nakatakip sa aking dibdib.

Nakita kong kinuha ni Jetty ang sandwich at inilapit sa bibig ko. "Open your mouth."

Ngumanga ako at kumagat. "Ba't may pasubo-subo ka ng nalalaman, Jetty? Epekto ba ito dahil sa wakas ay naka-score ka na sa akin?"

Ngumisi siya. "Noon pa kita sinusubuan. Ikaw, Gaily, 'no."

Pinanliliitan ko siya ng mata nang may maalala. "Umamin ka nga sa akin, Jetty."

"Hmm?"

"Did you already experienced having sex with someone else?" nanghihinala kong tanong.

Inipit niya ang ilong ko sa gitna ng kaniyang hintuturo at pinakagitnang daliri. "Sa naalala ko ay kagabi ko lang din naranasan ang bagay na iyan." Inilagay niya ang kaniyang kamay sa tuhod ko. "Why? Are you suspecting me?"

"Are you sure? Ba't gano'n ang mga galawan mo? Ba't parang expert na expert ka, huh?"

Tumawa siya.

Pinalo ko ang kaniyang hita. "Walang nakakatawa, Santillan! May tinatago ka ba sa akin? May nakatalik ka na ba----"

Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla niya akong sunggaban ng halik sa labi. Tumugon ako sa halik niya. Pinutol niya ang halikan namin at paulit-ulit akong dinadampian ng halik sa labi.

"Ikaw lang" Dampi ng halik. "ang babaeng" Dampi ng halik. "naikama ko," Dampi ng halik. "Misis ko."

"Sigurado ka?"

Dinampian niya ulit ako ng halik. "Siguradong-sigurado."

"Ba't parang ang expert mo kagabi?"

Ngumiti siya. "I think natural lang ang gano'ng galaw ng mga lalaki. May experienced man o wala." ngumisi siya. "Does it mean that my performance last night was superb?" taas-baba niyang tanong.

Umismid ako. "Superb na ba ang tawag do'n kung halos hindi na ako makakabangon sa sobrang sakit ng katawan ko?" Kinuha ko ang sandwich at kumagat.

Ngumisi siya. "Kailangan nating sanayin ang katawan mo. Sanay-sanayan lang iyan. Kagaya na lang kung mag-ehersisyo, kapag unang araw ng exercise ay mananakit ang katawan pero kapag patuloy kang mag-ehersisyo ay mawawala." kinindatan niya ako. "Gano'n din ang gagawin natin."

Kinuha ko ang kape at uminom. Gustong-gusto kong uminom ng kape kapag si Jetty ang naghanda. Tama lamang ang pait at tamis.

Hinaplos niya ang tuhod ko at iginapang papunta sa aking hita.

"Subukan mo, Jetty. Huwag mo akong inisin ngayon dahil sasakalin kita." banta ko.

Tumawa siya at pinisil ang hita ko. "Anyway, anong gagawin natin ngayon? Should we just stay here inside or roam around this place?"

After the Sorrow 2 ✓Where stories live. Discover now