Akira's POV

It's our second day here in subic. Sa ngayon kumakain na kami ng breakfast.

Wala naman kami masyadong ginawa kahapon kundi magswimming. Today kasi namin naisipang gawin yung mga activities dito.

"Sully, na ayos niyo na ba ang kasal niyo?" tanong ni Candy kanila Sully. Napatingin naman kami sa kanila.

"Di pa masyado. Pero inuna namin ang reception at venue ng kasal. Invitations, yung parents na namin ang bahala." sabe ni Rain.

Oh diba? Tamad lang magsalita si Sully. Si Rain pa ang sumagot sa tanong na dapat siya ang sumagot.

"So, wala ka pang wedding gown? Bridesmaid kami ni Akira syempre!" sabe ni Candy.

"Wala pa. Isasabay ko na yun sa paghahanap ng gown niyo. Kaya sumama kayong dalawa sakin." sabe ni Sully.

"Kasama kami?" tanong ni Lucas.

"Hindi noh! Bawal kaya makita ng groom ang bride na naka gown bago ang kasal. Atsaka, girls day out namin yun. Date na naming tatlo yun. Kaya kayo mamili na din kayo ng susuotin niyo. Magbarong kayo kung gusto niyo. Samahan niyo pa ng bulak sa ilong." natawa naman kami ni Sully sa sinabe ni Candy.

Yung tatlong lalake, ayun naka poker face lang. Hahahahaha....

"How bout the flower? Anong flower mo?" tanong ko.

"Red roses daw sabe ni Mama. Wala bang green roses?" tanong ni Sully. I rolled my eyes.

"Maghanap ka kung meron." sarcastic kong sabe.

"Sino ring bearer niyo? Flower girl?" tanong ni Candy.

"Bat ba masyado kang excited? Kasal nila yan, di sayo. Gusto mo ikaw na sumunod sa kanila. " sabe ko. Nagpout naman si Candy. Ugh.

"Nagtatanong lang e." sabe niya.

"Wala pa kaming ring bearer at flower girl. Baka kamaganak nalang namin." sabe ni Rain. We nodded.

"Saan ang honeymoon?" napatingin naman ako kay KJ sa tanong niya.

Seriously? Mga lalake talaga.

"Gusto kasi ni Sully dito lang sa Pilipinas. Tinatamad daw siya bumyahe. At bawas gastos na rin daw." sabe ni Rain.

"Ano ka ba naman, Sully. Si Rain naman magbabayad e. Sulitin mo na!" sabe ko.

"Ayoko. Mas okay na kung dito lang sa Pilipinas." sabe niya.

Hay! Kung ako yun, yayayain ko si KJ sa Maldives! OMG!!!

"Ikaw ba, Candy. San mo gusto maghoneymoon?" tanong ni Lucas.

"Hmm... Paris!" sabe niya.

"Geh. Dun nalang tayo maghoneymoon." sabe ni Lucas. Talaga tong dalawa na to.

"Kaw, AM? Saan mo gusto?" tanong ni KJ.

"Maldives." simple kong sagot.

"Waaahhh! Gusto ko din dun." sabe ni Candy.

"L, dun nalang." sabe naman ni Sully.

"Hep, hep hep!!! Madadaya kayo ha! Naka pili na kayo. Wala ng bawian. Akin ang Maldives." sabe ko. Mukha namang nalugi ang mga mukha nila. Binelatan ko nalang sila.

Narinig ko naman natawa si KJ. Tumingin ako sa kanya.

"Sige. Dun tayo." sabe ni KJ sabay akbay sakin. I giggled.

Yes! Maldives!!! Parang gusto ko na magpakasal. Bwahahahaha.

Nang matapos kami kumain, napagisipan naman naming maglakad lakad muna. Naka swimsuit naman na kami e.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!