INTRODUCTION:

18.2K 591 54
                                    

BROOKLYN
"Brooklyn... Brooklyn. Buksan mo na 'tong pintuan. Gutom na kami."

Hindi. Hindi ko bubuksan ang pintuan na iyan.

"Alam namin takot ka.. huwag kang mag alala. Makuha lang namin ang katawan mo? Titigilan ka na namin."

Boses ng mga demonyo at mga engkanto ang aking naririnig. Pinag papawisan na ako ng malamig. Ayoko sila makita. Ayoko na. Ayoko na. Natatakot na ako.

Halos walang tigil ang mga pag kalampag nila sa aking pintuan. Tila ba gigibain ng mga ito ang pintuan ko. Tanging ako lang ang nakakarinig sa kanila. Uhaw ang mga ligaw na kaluluwa sa katawan ko.

They wanted to take over mu body. Sinasamantala nila ang pagiging mahina ko. These lost souls are hungry.

Nag tago ako sa ilalim ng aking kumot. Nag talukbong at nag dadasal.  Tuwing linggo kasi mahina ang aking katawan. Hindi ko rin alam kung bakit ganoon. Pinag papawisan na ako ng malalimig dahil ramdam kong may naka pasok na sa aking kwarto. Napalunok ako at ayokong mag palinga-linga ng tingin.

I can feel their presence.. ang lakas nila.

Namatay ang natatanging pinagagalingan ng ilaw dito sa aking kwarto. Sumabog ang bulb ng lampshade ko. Lumakas lalo ang kabog dito sa dibdib ko.

"Brooklyn.. Kalma." Paulit-ulit kong sinasabi iyon sa aking sarili. Pero pag ganitong mahina ang aking katawan hindi ko maiwasan ang matakot at mangamba.

Tumigil ang mga sigawan at pag kalampag sa aking pintuan. Tinanggal ko ang kumot na pinangtalukbong ko sa aking katawan.

"Wala na siguro sila..." napalunok ako sa kaba. Kinapa ko ang aking cellphone.. isa lang ang naiisip ko sa mga oras iyon.

Ang tumakas at tumakbo at isalba ang aking sarili. Ngunit ng pag bukas ko ng flash light sa aking cellphone. Bumungad sa akin ang mga kaluluwang nag hihintay sa katawan ko. Nakatayo sila na parang mga kulto. Nakapalibot ang mga ito sa akin. Nanlilisik sa ang kanilang mga pulang mata..

They're wearing white gowns at kung anu-ano pa.  Yung iba walang mukha. Pero kitang kita mong nakangiti. Pinatay ko ang flash light ng cellphone ko.. at muling nag talukbong.

Hinahatak nila ang kumot ko. Hinahatak nila!!!!

I keep on praying... Lord, save me. Save me. Im in the middle of nowhere. Lord, save me.

Malayo ako sa mga tao. Ayoko ng may mapahamak ng dahil sa akin.

"R-riyukiiiiiiiiii!!!!!! T-tulungaaaaan mo ako!!!!" Papalapit na sila ng papalapit sa akin. Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba? May ilang buwan pa ako para mabuhay.. hindi pa naman ito ang wakas, o baka..

Ito na siguro iyon.

Isang nakakasilaw na liwanag ang biglang lumabas sa kung saan. "Si Riyuki.."

Hindi ko na alam kung anong sumunod na ginawa nito. Dahil nawalan na ako ng malay pag katapos.

Gumising sa akin ang sinag ng araw na nag mumula sa aking bintana. Kinusot ko ang aking mga mata at pinag masdan ko ang aking repleksyon sa salamin.

"I'm getting weaker and weaker." Matamlay na sabi ko sa aking sarili. Hindi ako papasok ngayong araw na ito dahil na kick out na naman ako sa former school ko.

Everyone is avoiding me. Lahat sila tinuturing akong malas. I get it, para naman talagang sinumpa ang buhay ko. All I have is myself.

**Flash back**
"Talaga gusto mo akong maging kaibigan?"

"Simula ng kinausap mo siya kung anu-ano na ang mga bagay na nakikita niya! Tama nga sila! May sa demonyo ka!" Lahat sila nakatingin sa akin. Parang gusto kong mag palamon sa lupa ng mga oras na iyon.

Wala akong kaibigan. Takot lahat sa akin. Sa tuwing may lumalapit sa akin o nag tatangkang pumasok sa buhay ko.. tinatakot sila ng mga ligaw na kaluluwa.

Nasanay na akong mag isa. Napagod na rin ang mata ko sa kakaiyak. Ito na kasi talaga ang naka laan sa akin.

"WE HATE YOU! BROOKLYN DEE! MAMATAY KA NA!"
-END OF FLASH BACK-

Napungaw ang atensyon ko nang makita ko ang mensahe sa akin ng aking ina.

"May bago ka ng school bukas."

Tumayo na ako.. at inayos ang aking sarili.

"Mag paganda ka at madaming gwapo doon. Anak kahit yung di na gwapo basta mabait okay na 'yon." Napangisi na lang ako sa message ng nanay ko.

Nag hilamos na ako... at muling tinignan ang aking repleksyon sa salamin.

Bukas, makakahanap ako ng susi sa mga suliranin ko.

Mabubuhay ako.. mabubuhay.

Kaso kailangan ko mag ayos. Mukha akong patatas.

My Heart Was Sold to a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon