Chapter 9: First Try

109 9 0
                                                  

Allyson's POV

"Thank you..." usal ni Makki.

Tiningan ko siya at napansin ko na nakangiti siya. This time, walang bahid ng kahit na ano. It was sincere and he looked relieved.

Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Yung bigla-bigla na lang siyang bumitiw sakin na wala man lang pasabi. I was overwhelmed. Parang bumalik ulit ang takot ko at ito siya, ngumingiti!

Argh!

Lumapait ako sa kanya at pinaghahampas ko siya sa dibdib at sa braso niya. "Bwisit ka! Tinakot mo ko kanina..." I felt anger and relief—if it could be felt at the same time; it's what I'm feeling right now.

"Teka lang, Ally..." sabi ni Makki pero hinayaan niya lang ako.

"Walanghiya ka, akala mo ba ayos lang yun? Ha? Bigla-bigla ka na lang bibitiw. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?! Ha!" Pinagpapalo ko siya ng malakas. Wala akong pakialam, tinakot niya ako.

"Pano kung hindi tubig ang nahulugan mo?" sinangga niya ang kamay ko na sa mukha niya sana tatama.

"Wait, Allyson..."

"Eh 'di sana duguan ka na! Baka patay ka na ngayon," I said defiantly. Iwinaksi ko sa isipan ang imahe ni Makki na walang malay at nakabulagta sa batuhan.

"Ally. Hey, stop," malumanay niyang pigil sa 'kin. "Look," pilit niyang hinawakan ang mukha ko at itinuon sa kanya.

"I hate you. Let me go," hikbi ko.

Huminga siya ng malalim at pinahiran niya ang mga luha ko. "Ang brutal mo pa rin sa 'kin kahit na muntik na akong mamatay," aniyang nakangisi.

Lumayo ako sa pagkakahawak niya. "Iyon na nga, eh!" Hinampas ko siya sa braso niya ng malakas, "...mas lalo lang akong nagagalit d'yan sa ginawa mo. Alam mo, pwede ka namang umakyat kanina eh."

I looked down, I bit my lower lip. Naiiyak talaga ako.

"Allyson," ikiniling ni Makki ang ulo niya para tingnan ako. "...please, tumingin ka sa 'kin."

"Ayoko."

Ang arte mo naman, Ally. Tumingin ka na nga! Masyado ka namang OA!

"Alam mo, natakot rin naman ako. But I can't risk your life too. I mean, you know. You have to understand. Kung hindi mo ako binitwan kanina baka kung napano ka pa. Besides," hinawakan niya ang baba ko at itniaas para mapatingin ako sa kanya. "...alam kong hindi ako mamatay, okay? Sampu ag buhay ko."

"Tsk. Puro ka kalokohan. Basta wag ka na ulit gagawa ng mga bagay na gano'n."

"Pangako." Itinaas pa niya ang isang kamay habang nakangiti.

Sinubukan kong ngumiti rin pero nang tiningnan ko siya sa mukha—anak ng pitumpu't-puting pusa! Ngayon ko lang napansin: may dugo sa kaliwang sentido niya.

Nagkasalubong ang mga kilay niya. Maybe he saw my reaction. "Anong problema?"

"May sugat ka, bwisit ka, Makki! Hindi ka ba nakakaramdam?" nag-aalala akong naghanap ng maipapahid sa sugat niya. I looked down at my ripped shirt na nakapaloob sa jacket ni Makki. Pumunit ako at dahan-dahan kong idinampi sa sugat niya.

Nararamadaman ko nanamang tutulo ang luha ko.

***

Makki's POV

"Allyson, wag ka ng mag-alala okay? I'm fine, I promise," sabi ko sa kanya habang idinadampi niya ang pinunit niyang damit sa sugat ko. Kumirot iyon nang pinapahiran niya pero hindi ko na inintindi.

Napansin kong kagat niya ang kanyang ibabang labi at pinipigilang niyang umiyak.

Iyakin pala ang babaeng to. Haist.

"Allyson...I'm fine," I said trying to stop her from what she's doing.

Hindi siya umimik at tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. "Allyson," ulit ko.

"This is my entire fault..." suminghot siya.

"No. Look at me," hinawakan ko ang kamay niya na nasa ulo ko.

"Makki, 1 inch ang haba ng sugat mo. Pa'no kung mapano ka?"

"1 inch? Sus. Malayo yan sa bituka–"

"Anong 1 inch-1 inch? Ugh! Men!" singhal niya. "You're all so pathetic with your egos. Di ba pwedeng aminin ninyong nasasaktan rin kayo?"

"I'm not—"

"Tayo na," she stood. Pero dahil hawak ko ang kamay niya (and I dont know how the heck did that happen. Maybe with all the drama and mischief) hinila ko siya pabalik. She went down with a light thud.

"Aray."

"Sorry. Makinig ka muna sakin. Please."

Kumunot-noo siya. "You've got bruises..." sabi niyang parang wala sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.

"Alam mo, hindi ko alam na may natatago ka pa lang kabutihan sa katawan mo, Ally. Lalo na para sa 'kin—Aray!"

What the hell! Napangiwi ako sa sakit kasi diniinan niya ang sugat ko.

"'Aba't ikaw lang ang bulag!" sinabi niyang bahagya na namang nadiinan ang sugat ko. Di pa siya tapos na punasan ang sugat ko.

"How bad is it?" tanong ko.

"I don't know. Pero sa tingin ko talaga, kailangan 'yang tahiin. Your blood keeps flowing," her eyes were overshadowed with fear and worry.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. I meant, gaano kalala sa tingin mo ang pagkabulag ko? Kasi hindi ko talaga mapans—aray!"

"Baliw ka!"

Lumayo ako sa kanya at hinawakan ko ang ulo ko kung saan ang sugat. "Ang brutal mo talaga!"

"Ikaw sira."

Tinitigan ko siya.

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan?" mataray niyang tanong.

I grinned. I know she's brave; she's got a strong personality. But a while ago, what I saw was a different Allyson.

Makalapis ang ilang segundo ay nagsalita ako.

"I wish...alam mo kasi, Ally," tumingin siya sa 'kin ng diretso. I hesitated. "I'm still into that water..."

She gave me a puzzled what-are-you-talking-about look.

"Sana sagipin mo pa rin ako. Or should I say, sana..." tumingin ulit ako sa kanya. "...masagip mo ako."

"Makki, anong sinasabi mo?" naguguluhan niyang tanong.

"Kahit na ang pagkakakilala mo sa 'kin ay iba. But I think you should know—that I'm still drowning."

"Ha?! Ano ba ang pinagsasabi mo, Makki?"

"Ang hirap, wala akong magawa kasi hindi mo alam. Pero sasabihin ko. Kaya lang hindi ko alam kong matatanggap mo."

Almost there, Makki.

She looked at me as if I was speaking French. "Makki, hindi kita maintindihan, you're talking in riddles..."

"Ally–"

"Allyson! Makki!"

Napaangat ang tingin ko sa pinanggalingan ng pagtawag na iyon pati rin si Allyson ay lumingon.

"Oh, thank God we've found you..."

A/N: Maraming salamat sa pagbabasa nitong chapter. Sana nagustuhan niyo. Mwah!

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon