Chapter 35

314K 3.9K 345
                                    

Chapter Thirty Five

"Tanga"

Mishael had to extend his trip and fly to Thailand as well. Kaya hanggang ngayon hindi pa siya nakauwi.

"Huy, Athalia ah.. Ang dami mo nang iniinom." Ani Zara. Kasama ko sa isang bar sina Zara at Rui. It's a Saturday and it was girl's night out.

I couldn't help myself from drinking a lot tonight. Hindi ko maalis sa aking isipan ang halik namin ni Eleven.

"Ath, tama na! Kaloka ka gurl, may problema ka ba? This is so not like you!" Ani Rui.

Umiling ako. I felt light-headed. Everything became a blur after a while.

Sumayaw ako sa dance floor. Party lights... More drinks...

I wanted a night to forget... A night to forget thinking about my decisions and if I regretted anything.

Kailangan kong paninindigan si Mishael dahil siya ang pinili ko.

And I should stop thinking about Eleven and what could have been if I chose him.

Pero bakit ang hirap? Bakit mahirap tumigil sa kaiisip ng mga bagay na nangyari sana kung iba lang ang naging desisyon ko?

I felt my stomach hurt, naalala ko lang na tinulungan ako ng dalawa kong kaibigan na magpunta sa CR at magsuka.

"Zara, tawagin kaya natin sina Jahziel? Ano ba kasing problema nito bigla? Nagpapalasing pa talaga, jusko." narinig ko si Rui kausap si Zara.

Tumayo ako at sinabi, "Teka lang ah... ako na... ako na..."

Nagkatinginan ang dalawa, pero masyado akong mabilis at tumakbo ako't lumabas at nagpunta porch ng bar kung saan hindi masyadong maraming tao.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko sana ang aking kuya... pero nakita ko ang isang pangalan na nakalista sa aking contacts.

Eleven

Tinawagan ko siya.

"Ath?"

Bumungad sakin ang malalim niyang boses.

"Hey there *hik* Anong... gi... ginagawa mo?" tawa ko sa kanya.

"What? You sound drunk--"

"Bakit ang bobo mo??" sigaw ko bigla.

"What the? Ath, where the hell are you right now?"

"Bakit ba kasi ang bobo mo? Ha?? *hik* May pasinungaling-sinungaling ka pang nalalaman! Ang duwag mo kasi! So what if you told your dad that you loved me? Ano namang masamang gawin niya sakin kung sinabi mo sana ang totoo? Dapat naman talaga sana proud ka na mahal mo ko eh! Kinahiya mo pa talaga ako? Hah! Ayan tuloy... *hik...."

Natahimik si Eleven.

"Alam mo ba... kahit... *hik... kahit matagal na panahon nang lumipas... sana kasi nag move on na ako eh. Nag move on naman talaga ako! Pero nakakainis.. Bakit di ko matapon ang necklace na yun? Bakit ayaw ko?" biglang namuo ang mga luha sa aking mga mata.

"Athalia, calm down. Please." Aniya. "Tell me where you are right now."

"Nasa bar ako... yung malapit sa... yung doon..."

"Athalia, come on!"

"Mahal mo pa rin ba talaga ako?" Tanong ko sa kanya.

Napahinto siya.

"Yes. I love you, Athalia..."

Tumulo ang luha sa aking mga mata at bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot. Naalala ko ang nangyari that night when he kissed me once again.

The Devirginizer's Lady (COMPLETED) (TDL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon