Palapit na ko sa kanila pero napansin ko na nagtatawanan silang tatlo.

"Hahaha. Grabe ha! Sino namang nakaisip na ikasal ka kay Lance?" Tawa ng tawang sabi ni Mon

"Aba Ewan ko ba, basta hinuli na lang ako. Nasa SSC office pa ko nun ha." Sagot naman ni Justine.

"Hey, Craye tara dito. Upo ka." Alok naman sakin ni Sandy kaya naki upo na lang din ako.

Napansin kong tumingin sakin si Mon at Justine.

"Ayan si Craye, alam ko kinasal din yan kasi may kumuha din jan kanina." Kwento ni Mon which is totoo naman pero hindi natuloy ang kasal.

"Yieeee, to whom?" Kinikilig pang komento ni Sandy

"Talaga ba? Anung oras ka andun sa booth?" Tanong naman ni Justine

"Ang totoo ay hindi naman natuloy, actually nakita ko pa nga si Justine na kinasal kay Lance." Pag amin ko na

Kahit masakit ay ngumiti ako kay Justine kasi feeling ko masaya sya kanina, anong karapatan kong hindi maging masaya para sa kanya?

"Aiii ligwak ka naman pala, akala ko kikiligin na ko. Hindi ba si Kylie ang kinasal sayo?" Tanong ni Mon sa akin

"Yieeee! Seryoso ba talaga si Kylie sayo Craye? Yung totoo? Baka naman nagkakatext or call na kayo hindi mo pa sinasabi o hindi kaya nag dadate na kayo." Pagbubuyo pa ni Sandy sakin

Napansin kong hindi nakikisali si Justine sa usapan namin, nakikinig lang sya sa isasagot ko or I must say, inaantay nya ang sagot ko.

"After nang sa canteen ay wala nang nangyari, tyaka kacrush crush ba ko? Parang hindi naman diba?" Sinabi ko lang yan dahil ayokong pagusapan si Kylie.

"Mabait naman si Kylie tyaka kacrush crush ka kaya." Sabat naman ni Justine "ang totoo ay matagal na syang may crush sayo." Dagdag nya pa.

Matagal nya nang alam na crush ako ni Kylie?

"Wait, what?" Gulat na tanong ni Sandy

"Yeah! Palagi syang nangungulit sakin na hingin ang number mo, syempre hindi ko binibigay kasi wala namang permiso mo." Paliwanag ni Justine

"Bakit hindi mo sinabi na matagal na pala.?" Tanong ko kay Justine

May gusto akong malaman sa kanya, eto na yung pagkakataon ko. May iba akong nafi-feel kung bakit antagal nyang tinago yun, sige oo na. Umaasa na naman ako sa kanya, na baka nga naman kasi ayaw nyang sabihin sakin ay baka maging kaclose ko si Kylie, bakit ang kutob ko ay pinagdamot nya ko.

Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko.

"Craye, napaka pangit naman na sakin unang manggagaling ang bagay na yon, sya lang ang may karapan na mag sabi sayo ng ganong bagay." Justine countered me

"Pero sana sinabi mo na, para sana may naisagot ako sa kanya nung magkakasama tayo sa canteen." Sagot ko naman, nakita ko na umayos sya nang upo at humarap sakin

Nakakainis yung mga paliwanag nya, hindi yon ang gusto kong marinig galing sa kanya.

Ehh ano ba ang gusto mo? -inner self

"Wala namang problema kung sasabihin mong gusto mo din sya or papayag ka na ligawan ka nya, anung karapatan ko para pigilin ko kayong dalawa?" Naiinis na Justine ang nasilayan ko

"Pero matagal mo na palang alam, kung sinabi mo sana manlang naging aware ako dun." Pagpupumilit ko

"Craye! Anong pakialam ko sa inyong dalawa? Kung gusto nyo ang isa't isa edi gow! Susupport pa ko." Bwiset na sabi ni Justine at tatayo na sana sya pero

"Oppssss! Teka nga, chill lang tayo guys." Pagawat ni Mon sa amin at iginitna pa ang kamay nya para magtigil kami kaya bumalik sa upo si Justine

"Oo nga, usap lang tayo nang mahinahon." Pakalma naman ni Sandy

Naiinis ako dahil hindi ko makuha ang gusto kong sagot na mag mula kay Justine, ayoko na nag aaway kami at itong nangyayari ngayon. Unang beses ito, kung kailan na parang close na kami.

Wala akong naisagot sa huling sinabi ni Justine, masyado yung painful para sa akin.

Nakita kong nag inhale exhale si Justine to lower her temper.

"Okay, ganito Craye. Ka-ssc ko sya at kaibigan kita kaya sinabi nya sakin ang bagay na yon, ngayong alam mo na nasasayo naman ang disisyon. Labas na ako doon, isa pa baka ikagalit mo din sakin kung ibigay ko number mo sa kanya." Paliwanag ni Justine sa akin

"Alam mo Justine, pasensya kana kay Craye ha ewan ko ba sa taong to kung anung gustong palabasin, Ikaw Craye kung gusto mo si Kylie at nanghihinayang ka sa mga araw na dapat matagal mo nang alam edi mag date kayo mamaya, wala namang problema hindi yung parang kasalanan pa ni Justine ehh tama lang naman ang desisyon nya." Mahabang paliwanag ni Mon sa akin

"Isa pa Craye, walang kasalanan si Justine kaya bakit sa kanya iinit ang ulo mo? Gusto mo ba patawagan o ipatext natin kay Justine na mag date kayong dalawa ni Kylie, kasi parang yun yung gusto mo." Singit naman ni Sandy at tumingin ito kay Justine

"Itetext or call ko ba Craye?" Sa tanong na yun ni Justine ako parang natauhan like, bakit ko ba naisip na ipagdadamot ako nang taong to? Kaibigan lang talaga tingin nito sa akin, hindi gaya nang pagtingin ko sa kanya.

Higit pa sa kaibigan.

"Sorry, no need. Meet ko na lang siguro sya after magsara ng school." Sabi ko na lang para matapos na yung argument namin ni Justine

"Much better na puntahan mo na sa dedication booth, baka andun sya. Nakita ko kanina sya nagbabasa ng mga letters." Suggestion naman ni Sandy

"Leche ka Craye! Andami mong sinasabi crush mo din pala si Kylie, parang tanga to. Aawayin mo pa si Justine." Komento naman ni Mon

Wait! Sinabi ko bang crush ko si Kylie? Kailan?

"Teka! Sinabi ko bang crush ko si Kylie?" Kahit ako ay nalito na din

"Hindi ka magagalit sakin kung hindi mo din sya gusto, para ngang manghinayang ka pa sa mga araw na hindi ko agad nasabi sayo na crush ka nya." Paliwanag ni Justine sa akin

Seryoso? Ganon ang naging dating sa kanila ng mga sinabi ko? Ang tanging gusto ko lang naman maintindihan ay baka kaya ganon si Justine ay pinagdadamot nya ko kay Kylie.




Ps. What's going on? Hahaha. Kung ikaw si Mon or Sandy, tama ba pov nila about Craye to Kylie? Jk! Please vote. ☺️

Once in a lifetimeWhere stories live. Discover now