Chapter Six

326K 4K 568
                                    

Chapter Six

Ugh. Ano'ng nangyari? Binuksan ko ang mga mata ko at nakita na nasa isang madilim akong lugar. WHAT THE AMPALAYA?!! Nakaupo ako sa silya at nakagapos ang mga kamay ko sa likod.

Sinubukan kong balikan ang mga pangyayari. Naglalakad ako patungo sa back gate dahil nakaabang sa front gate ang mga kaklase ko. Inaabangan yata nila si TOP. Desperate pack of hyenas. Iniwan naman ako ng 'Crazy Trios' dahil pupunta sila sa Ice Cream Parlor para maglaro ng 'Truth or Dare' at dahil nga sa nangyari nung sabado ay hindi na ako sumama. Binigyan ko naman sila ng tig-iisang bukol sa ulo dahil sa ginawa nila sa akin sa mall.

And then may nakita akong tatlong lalaki na tumalon at humarang sa daraanan ko. Isa sa kaliwa, isa sa kanan at isa sa harap. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang braso ko at lumapit naman ang isa pang guy. May hawak siyang panyo at itinakip sa mukha ko. Pagkatapos ay nawalan na ako ng malay.

KIDNAPPERS!! Tumingin ako sa paligid, sa tingin ko gabi na.

"Gising ka na pala. Tamang tama!" May biglang lumabas na biik na nag-sasalita sa harapan ko. Isang biik na naka-leather jacket. Kakaiba na talaga ang mundo ngayon. Tsk! Tsk! Tsk!

"Bakit may biik na naka-leather jacket dito?" tanong ko nang wala sa sarili.

"Sino'ng tinatawag mong biik ha?! Gusto mong masaktan?!" nanlalaki ang butas ng ilong na sigaw niya sa akin. Eeeww!! Ang pangit nya, layo layo ng kaunti baka mahawa ako. Gosh.

"Alam mo mukha kang pamilyar. Nagkita na ba tayo dati?" tanong ko.

"Ehem! Mukhang nakalimutan mo na pero oo nagkita na tayo. Ako lang naman ang nagpadala sa hospital sa pangahas na lalaking iyon. Kwakhakhakahak!!" (^(oo)^) tumawa siya nang malakas, isang napaka-weirdong tawa.

"Sino?" tanong ko. Sinubukan kong tanggalin ang tali sa mga kamay ko. Shoot! I broke a nail! Oh no!

"Sino pa ba kung hindi ang leader ng Lucky 13! Kwakahakhakak!!" (^(00)^) <— Piggy Nose, mas lumalaki ang butas ng ilong nya kapag tumatawa. Gross!

"Oh." Malapit nang matanggal ang tali. Malapit na. Malapit na.

"BOSS!! Dumating na sya!!" may sumigaw na lalaki. May dala syang baseball bat.

"Mabuti naman kung ganon. Pwede na tayong mag-umpisa ngayon. Kwakahakhakak!!" ^(oo)^ sabi ni Piggy at tumawa na naman na may kasamang snork.

Piggy? Piggy?! Alam ko na kung sino sya, sya yung piggy na nasa bar! Sya yung naghagis ng bote sa direksyon ko. How dare he?!

"Dalhin nyo na itong babae," utos ni Piggy sa dalawang lalaki.

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso at hinila papunta sa kung saan man. May narinig akong tunog ng motorbike. Maya-maya lang ay may dumating na isang itim na motorbike sakay ang isang lalaking naka-full black outfit. May suot siyang itim na helmet kaya hindi ko makita ang mukha.

VRRROOOOOMMM!!!

Sumunod naman na dumating ang isang red and black na motorbike. Parang pamilyar ang isang iyon ah. Actually pareho silang pamilyar. Saan ko nga ba nakita 'yan?

Huminto sila sa harapan namin ni Piggy at ng mga alipores niya. Sabay nilang tinanggal ang kanilang helmet na parang inutos ng direktor sa isang pelikule at VOILA!!

Ang nakasakay sa red and black motorbike ay walang iba kung hindi si Red at ang nakapure black naman ay walang iba kung hindi ang Lucky 13 leader na si TOP.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon