Chapter 40 - Possessive much?

Magsimula sa umpisa

Naningkit naman ang mga mata ko sa nakita ko. Yung grupo ng mga babae kung makatingin kanila Rain e parang gustong lapain.

They look like foreigners. Napatingin naman ako kay KJ ng bigla siyang umungol.

Grabe ah. Sarap na sarap ang tulog. Inalis ko yung buhok na nagtatakip sa mata niya.

"Woooh! Grabe." napatingin naman ako sa kanila na papunta dito.

"Oh? tapos na kayo?" tanong ko.

"Nauuhaw na kami e." sabe ni Candy. Tumayo ako.

"Tayo nalang bumili." sabe ko kanila Candy at Sully. Tumango lang sila.

"Sige, dito lang kami." sabe ni Rain tapos biglang humiga.

"Dee, parehas nalang tayo ng inumin." sabe ni Lucas. Tumango naman si Candy.

"You know na, L." sabe ni Rain kay Sully. Nagroll eyes lang si Sully.

"Tara na." sabe ko. Kaso may mga pahabol pang paalala tong dalawa.

"Behave." sabay na sabe ni Candy at Sully dun sa dalawa. Natawa nalang ako.

Tinulak ko na yung dalawa para makaalis na kami. Baka mamaya magpaiwan pa e. Ayoko nga bumili magisa.

Naghanap kami ng mabibilhan. Shake daw gusto nitong dalawa e.

"Ayun." sabe ni Sully sabay turo kung saan.

Ano na kaya nangyayari dun sa tatlo?

Jiro's POV

"Takte, bro. Panget nun oh." napamulat naman ako sa ingay nitong dalawa.

Hinanap ko si AM pero wala. Napatingin ako dun sa dalawa na nakahiga.

"Hoy, asan na si AM?" tanong ko dun sa dalawa.

"Wala na. Naglayas na. Sumama sa iba." sabe ni Rain. Tinignan ko siya ng masama. Tumawa naman si Lucas.

"Sira ulo ka, Rain. Bumili lang sila ng inumin." sabe ni Lucas. Napaupo naman ako.

"Hinayaan niyo sila?" tanong ko.

"Bakit naman hindi? E si Akira nga nagprisintang bumili." sabe ni Rain.

I tsked. Dapat di nila hinayaan. Baliw talaga tong dalawa na to.

"Excuse me." napatingin ako dun sa grupo ng babae na lumapit samin.

"We just wanna ask if you guys can company us?" sabe nung blonde na may australian accent.

"Sorry, we can't." sabe ni Lucas.

"Oh, why? Please. We're new here and we just want to walk around. And we want you guys to company us." sabe naman nung red ang buhok.

"We can't, sorry. We're waiting for our girlfriends." sabe ni Rain.

"Aww, please? Just for an hour? Please..." medyo nainis ako ah.

"We can't and we don't want to. Just try other guys over there. They might be interested." malamig kong sabe.

"Aww, but please. We ju---"

"Didn't you heard him. He said they don't want to company you. You bitches can't understand english?" napatingin naman kami dun sa nagsalita.

Sila AM. Nakooo... lagot nanaman ako nito.

"We just want them to com---" di na natuloy nung blonde ang sasabihin niya ng lapitan siya ni Akira.

Sobrang lapit niya dun sa babae. "Leave.Now. You don't know what we can do." malamig niyang sabe. Napa-tsk nalang yung mga babae at nagsi-alisan na.

"Oh." kinuha ko yung shake na binigay niya.

Napatingin ako dun sa dalawa. Sama ng tingin nila Candy sa kanila.

Akira's POV

Tsk. Nawala lang kami saglit e may mga babaeng umaligid sa kanila.

Pasalamat sila di ko binuhos sa kanila tong shake na dala ko.

Nakaupo ako ngayon habang si KJ e nakahiga.

Tsk. Bwiset talaga. Panira ng araw yung mga babae na yun.

"AM." di ko siya pinansin at ininom nalang yung shake.

Napasilip naman ako dun sa apat. Mukhang nagbabangayan sila Candy at Lucas. Sila Sully at Rain naman, wala.

Si Sully talaga. Parang di nagselos sa nakita kanina.

Naramdaman ko nalang may pumulupot na braso sa bewang ko. Oh, kilala niyo na kung sino.

"AM. Wag ka na magalit. Narinig mo naman sinabe ko kanina diba? Please, wag ka na magalit sakin." sabe niya sabay halik sa buhok ko.

"Naiinis lang ako. Bakit ba kasi napaka pogi niyo, ha? Aish." inis kong sabe. He chuckled.

"Ano ka ba naman, AM. Wala na tayong magagawa dun. Talagang pinanganak akong pogi." natatawa niyang sabe. Humarap ako sa kanya at piningot ang ilong niya.

"Aray!" daing niya.

"Hay, nako! Basta sa susunod na makita kitang may kausap na ibang babae, di ako magdadalawang isip na makipag break sayo at i-call off ang kasal." banta ko. I heard him gulped.

"AM, naman. Ano ka ba. Sige, promise di na ako makikipag usap sa ibang babae. Pero teka, pano kapag may itatanong ako. O kaya naman kapag may itatanong lang sila?" aba! Nakuha pang magtanong ng ganyan?

Sinamaan ko siya ng tingin. He smiled awkardly. "S-sige. Sabe ko nga." sabe niya.

Niyakap niya ulet ako kaya napatalikod nanaman ako sa kanya. He hugged me tighter.

"Ganun din dapat sayo. Di ka pwede makipag usap sa kahit sinong lalake, except sa mga kilala ko." sabe niya. I rolled my eyes.

"Kapag may tinanong wag mo sasagutin. Dahil kung hindi itatali kita sa tabi ko." aba! Ako pa pinagbantaan ah.

"Sige. Why not we do that?" humarap ako ulet sa kanya. He flinched.

"A-Ano, AM naman." mautal utal niyang sabe. I raised an eyebrow.

"Oh bakit? Di ba yun ang gusto mo?" sabe ko. He sighed.

"Sige, basta di ka makikipag usap sa ibang lalake. Okay ako dun." nakangiti niyang sabe.

I smirked. "Possessive much?"

"Pati naman ikaw diba? Kaya nga bagay tayo e." natawa naman ako sa sinabe niya.

"Oo, parehas tayong possessive." natatawa kong sabe. Natawa nalang din siya.

Masaya ako kasi nakakatawa na ulet kaming dalawa ng ganito. Kahit pa hindi na namin maibalik ang "dati" e masaya parin kami.

Ang importante naman ay ang ngayon, diba?

()()()()()()()()......

HELLO GUYS!
New UD. Hirap ako mag-UD ngayon. Pano ba naman wala kaming net.

Sana magustuhan ninyo tong chapter na to. I'll try to update more chapters. Pero mukhang matatagalan.

Magbabakasyon muna ako. Hehehehe^_^

Japan... Here I come!

Thank you for reading!!

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!