Akira's POV

"Tara dun tayo." sabe ni Candy sabay turo dun sa dagat.

"Teka!" napatigil kaming tatlo at napatingin dun sa tatlong lalake.

"Bakit parang revealing ang mga suot niyo?" napataas naman ang kilay namin sa sinabe ni Rain.

"Bakit nakakita ka na ba na pumunta sa beach na balot na balot?" taas kilay na tanong ni Sully.

"Oo, ayun oh." sabe ni Lucas sabay turo dun sa babaeng naka long sleeves at pants tapos naka boots pa.

"Hello, beach po to. Tanga siya para magsuot ng ganun." mataray na sabe ni Candy.

"Pwede naman mag t-shirt diba?" sabe ni Jiro.

"Ang init init kaya! Ano ba kasi problema niyo? Di lang naman kami ang nakaganito oh." sabe ko.

Napa tsked naman yung tatlo. Nagkatinginan kaming tatlo nila Candy at Sully.

Bigla nalang may umakbay sakin. Pagtingin ko... "Jiro?" takang tawag ko sa pangalan niya.

"Maraming nakatingin sa inyo." bulong niya. Napalibot naman ang mga mata ko sa paligid.

Well... totoo nga yung sinabe niya. Kaso, pati babae? Psh. Syempre, sa kanila naka tingin yung mga babae.

"Hindi lang naman kami ang pinagtitinginan e. Pati kayo." pabulong kong sabe. He sighed.

"Basta, stick with me. Wag kang lalayo, okay?" I rolled my eyes and eventually nodded.

Ano ako, bata? Grabe to. Over protective. I bet yung attention na nakukuha niya sa mga girls e gusto din niya.

"Tara na." sabe ni Jiro at naglakad na kami papunta dun sa may mga upuan.

Pagka-upo namin e agad naman nagapply ng sun block si Candy.

"Penge ako." sabe ko. Pagkatapos kumuha ni Sully e ako naman.

Kumuha na ako ng marami para din kay KJ.

"KJ." tawag ko. Nakapikit siya at nakahiga dun sa upuan. Napamulat siya ng tawagin ko ang pangalan niya.

"Pahiran mo ko sa likod at balikat." sabe ko. Umupo naman siya sa upuan ko at kumuha ng lotion sa kamay ko saka pinahid sa likod ko.

Pagkatapos niya mapahidan ang likod at balikat ko, siya naman ang pinahidan ko.

"Taas mo braso mo." utos ko sa kanya. Agad naman niyang tinaas ang braso siya. Saka ko in-apply yung lotion.

Napatingin ako dun sa apat. Nagpapahidan na din ng lotion. Tuwang tuwa naman yung dalawang ugok.

Matapos kong pahidan ng lotion ang katawan niya e humiga siya sa upuan ko at hinila ako pahiga sa kanya.

"Inaantok ka ba?" tanong ko. He nodded. "Sabe ko naman kasi mamaya na magswimming e." sabe ko.

"Tara, akyat tayo sa taas?" tanong niya. Pinitik ko noo niya.

"Aray!" daing niya. "Di pwede noh. Nandito na tayo." sabe ko.

"Di pa ba kayo magswi-swimming?" tanong ni Candy. I shook my head.

"Maya-maya na. Inaantok kasi to e." sabe ko sabay turo kay KJ. Tumango nalang si Candy.

Nagsi-lakad na sila papunta sa dagat.

Ang dami talagang napapatingin sa kanila. Ano ba meron? Di ba normal sa beach na to ang naka swimming attire? Psh.

Napatingin ako kay KJ na tulog na. I sighed. Sabe na kasi kanina na wag muna e. Ang kuleeeet!

Nilibot ko yung mga mata ko sa paligid. Halos lahat couple at family.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!