9.44k Wahhh thanks */miyak ༎ຶ‿༎ຶ
••••••
Bumigat ang aking hininga, pinipilit na pakalmahin ang sarili. Nangunot ang aking noo, kinakain ng inis ang buo kong sistema."My lady, may I escort you?" Kanina ko pa binibigyan ng nakakamatay na tingin ang grupo ng kalalakihang nasa harapan ko ngayon.
Pa'no ba naman, pagkaalis ko kanina sa bahay ni Drake ay mas pinili kong maglakad na lamang papunta sa lugar kung saan ginanap ang pagdiriwang. Wala kasing kalesang dumadaan at wala rin akong dalang pera.
Malapit na ako sa destinasyon ko dahil rinig na rinig ko na ang mga tunog ng musika mula sa Ball. Nasira agad ang maganda kong mood nang may sumabay sa aking tatlong mga kalalakihan. Halatang mayayaman dahil sa magagarbong suot ng mga ito, hindi rin maipagkakailang may maipagmamalaking mukha sila.
Inalok nila akong sumabay sa kanila kasi sa pagdiriwang rin ang kanilang punta. Gusto kong mapag-isa kaya magalang ko silang tinanggihan. Aba't sinasagad ba naman ang pasensya ko, masyadong makulit.
"I just said no, alin ba doon ang hindi nyo maintindihan?" I maintained my posture, kahit may mahihimigang galit sa aking tono ay kinokontrol ko pa rin ang sarili.
Ayaw kong mapaaway, madudumihan ang suot ko.
Nagtawanan ang dalawa, kinakantsyawan ang kasama nilang nag-aya sa akin. Mukhang napahiya naman ito dahil namula ang buong mukha. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang malulutong nyang mura sa mga kasamahan.
Tiningnan ako nito, naniningkit ang mga mata. "Wala namang masama pag pumayag ka, my lady. Nag-aalala lamang ako sapagkat baka may mga masasamang tao dyan sa gilid at malagay ka sa panganib."
I crossed my hands then rolled my eyes.
"And you're one of them." Walang habas kong wika.
His fist clenched. "Nakakalalaki ka na ah." Akmang itatas nito ang mga kamay, mabuti na lang at madaling nakaawat sa kanya ang kanyang kasama.
"Gago, babae yan ulol."
"Kalmahan mo tol, pfft."
Napatingin ako sa kanila. They're not concerned, they're enjoying this. Toxic frienship, tangina.
I resort my best card. I'll gain their pity.
Mahina akong napaatras bago niyakap ang sarili, pinilit ko ding lumuha ang mga mata. I sniffed a little, making it look like I'm a petite and fragile girl crying.
Naramdaman ko kung paano matigilan ang tatlo, patago akong ngumisi.
"I.. I just want to go to the ball. I'm not used having s-someone around. I-it's my first time going out, because I'm not good at interacting with o-ther people. I'm sorry if I made you all mad." Humihikbing saad ko.
"I.. I want to go home. I'm sorry." Akmang tatalikod na ako nang magsalita ang isa sa kanila.
"N-no, and we're sorry. Hindi ka na namin gagambalain, maari ka nang magpatuloy sa pagdiriwang, binibini." Naiilang nitong saad.
Tiningnan ko silang tatlo gamit ang naluluhang mata, I never failed because I saw how their face softened. May pagsisisi rin sa mga mukha nito.
Mahinhin kong pinahid ang mga luha, bago yumuko sa kanila at naunang naglakad. The smirk on my face then grew when I heard the other people's whispers.
"Ang gagaspang ng mga ugali, porket mayayaman."
"Paano nila nakayanang magpaiyak ng isang magandang binibini, nawa'y patawarin sana sila ng diyos."
![](https://img.wattpad.com/cover/299863228-288-k338839.jpg)
BINABASA MO ANG
Another Life As The Emperor's Concubine
RandomAmara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue, the world's most known and wanted assasin died while trying to kill a FLY, and guess what? She got...