CHAPTER 19

10.4K 322 13
                                    

Nakangiting pinagmamasdan lamang ng binatang si Drake ang taong nasa kanyang harapan. Hindi nya mapigilang pasadahan ng tingin ang magandang mukha ng binibining kanyang kinababaliwan.

Hindi maipaliwanag ang saya, para syang nanalo sa lotto. Sya ang unang nakahanap sa dalaga, his two siblings failed.

Sa kabilang banda ay hindi man lang napansin ng dalagang si Amara ang tinging ipinupukol sa kanya ni Drake. She's busy enjoying the blessings at her front.

Punong puno ng pagkain ang kanilang lamesa, hindi mo aakalaing dalawang tao lamang ang kakain non. Syempre libre iyon, kaya sino nga ba sya upang tumanggi sa biyaya? Hindi nya sinayang ang pagkakataon kaya inorder nya ang lahat ng pagkaing nasa menu ng restaurant.

Wala namang angal si Drake sapagkat mayaman naman ito, he can pay kahit ilang gintong barya pa iyan.

"Balita ko, tumakas ka raw?" Ngising wika ni Drake.

"Scratch that, hindi ako tumakas. Divorce na kami ng kuya mo, so what's the point of staying still in the palace?" Sagot ni Amara na hindi pa rin nilulubayan ang mga pagkain.

Drake looked at Amara, amused. "My brother didn't mentioned that divorce thing."

Nakipagtitigan sa kanya ang babae, unti-unting kumurba ang ngisi sa labi ni Amara. "Balita ko rin, pinapatugis ka raw ng kapatid mo? I never expected it, sarili mo pa namang kadugo." Nang-uuyam na sabi ni Amara, akala ng babae na maiinis si Drake ngunit nagulat na lamang sya nang mapatawa ito ng malakas.

Hindi na ako magtataka kapag malaman kong baliw pala ang prinsipeng ito.

"I don't know what in the world happened, nagising na lang ako sa kaalamang idineklara na ng aking kapatid ang execution naming dalawa ni Rhea. I and Rhea escaped, wala naman kaming planong mamatay." Iling-iling na saad nya, hindi pa rin napapawi ang ngisi sa labi.

Hindi na sumagot pa si Amara, nang mabusog ay uminom sya ng tubig. Pagkatapos ay eleganteng pinunasan ang bibig ng table napkin.

Drake stopped, bumilis ang pagtibok ng puso. Napatitig sya sa malarosas na labi ni Amara, nablangko ang kanyang utak. He wants to savor her.

How can someone be this perfect? Parang simpleng galaw lang ng babaeng si Amara ay napapahanga sya. He just can't get enough of her. He fall.. really hard.

"Done, pa'no ba, aalis na ako. Salamat pala." Natauhan lamang ang binata nang tumayo na si Amara.

Mabilis din syang tumayo. "Wait, I'll invite you at my house. I'll be glad if you agree." He really wished that Amara will come. Ikinurap nya pa ang mata, he didn't failed because he saw how Amara's face softened.

Ang hindi nya inaasahan ay kung paano inabot ni Amara ang kanyang pisnge, marahan nya iyong kinurot. Ang dati na nyang mapupulang mga pisnge ay mas pumula pa. He didn't saw it coming, namula ang kanyang magkabilang tenga. Amara's hands are so soft, to the point na gusto nyang sya lang ang humawak nito.

"Then let's go. Ngunit kailangan ko lang magmadali, may pupuntahan pa akong pagdiriwang mamayang gabi." Nakangiting pagsang-ayon ni Amara, the smile on Drake's face never faded.

Naguguluhan akong napatingin sa mansyong nasa harapan ko ngayon. Nagtataka kong nilingon si Drake na nanatiling nakatingin sa akin, still wearing his heart melting smile.

"It's Concubine Elena's house." Hindi ko namalayang nasabi ko na pala ng malakas ang aking isip-isip.

Drake's reaction never changed, tiningnan nya rin ang bahay. "Not really, it's mine. Pinilit lang ako ni Luther na dito patirahin si Concubine Elena kasama ang kanyang kapatid."

Another Life As The Emperor's ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon