"Hindi na mainit" reklamo nito habang nakatitig sa kapeng hawak nya

Kapal, sya na nga binigyan sya pa nagreklamo!

"Late ka kase Sir try mo kayang pumasok ng maaga minsan-I mean hindi kita inoobliga Sir ah suggestion lang " sarkastiko kong wika dito napataas naman ang tingin nito sakin akala ko ay maiinis din ito ngunit bigla itong ngumisi

"You don't need to buy me coffee anymore I know how to order now" may pagmamayabang na sabi nito at lalong lumaki ang ngisi sa mga labi

"Yeah and you won't learn that without me" may pagmamayabang ko ring wika dito hindi ko alam kung ano bang kaflex-flex sa pagiging marunong sa pag-order ng kape pero nakisabay nalang ako sa kayabangan nito

"Are you insulting me, Miss Secretary?" Nawala ang ngisi sa labi nito at biglang naging seryoso ang paligid

"Hindi Sir ah bakit naman kita iinsultuhin e ang talitalino mo kaya" pang-uuto ko dito kahit alam ko namang hindi gagana dahil dragon ang Boss ko

"Hmm stop tel-" natigil ang pagsasalita nito ng bigla nyang narinig ang pagkulo ang tiyan ko

Sh*t Gutom na'ko!

"Its already lunch time, go and eat" Maikling wika lang nito at tumalikod na paalis

Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko at nagmamadaling lumakad pababa papunta sa cafeteria upang kumain

Nang makarating sa cafeteria ay bumungad sa akin ang maraming tao ang iba ay kumakain na ngunit hindi naman ito problema dahil madami parin namang bakanteng lamesa at upuan sa paligid

Pagkatapos kong kuhain ang inorder kong pagkain ay lumingon lingon ako sa paligid upang hanapin si Matt palagi kase kaming sabay na kumakain nito ilang saglit lang ay narinig ko ang matinis nitong boses na tinatawag ang pangalan ko agad naman akong lumapit sa lamesa nito at nagulat ako ng makita ko itong may katabing babae sa upuan

"Uh h-hello po, Ma'am" bigla itong tumayo at nahihiyang bumati sa akin

"Hello! Bago ka lang ba dito?" Mahinahong tanong ko dito ngayon ko lang kase nakita ang mukha nito sa tagal kong nagtatrabaho dito

"Ah opo Ma'am kasisimula ko lang po kahapon" Magalang at nakangiting sagot nito

"Ano ka ba 'wag ka na mag 'po' saka Amelia nalang din ang itawag mo sa akin, goodluck nga pala sayo galingan mo sa trabaho para mapromote ka kaagad!" Magiliw kong pagkausap dito saka naupo dahil nangangawit na ang binti ko

"Salamat, Amelia" maikli ngunit masayang wika nito saka bumalik sa pagkain napansin ko naman si Matt na walang pakialam sa pag-uusap namin at subo lang ng subo

"Gutom na gutom tayo Matt ah?" Pagbibiro ko dito nag-angat naman ito ng tingin sa akin at nagsalita

"Nagutom ako hindi mo man lang kase ako naalalang bilhan ng kape kanina" kunwareng nagtatampong wika nito

"Ang cute mo, Matt" biglaang pagcompliment ng babaeng katabi nito natatawa naman akong napalingon sa kanya, mukha itong nahihiya ngunit nakangiti parin

"Nalimutan 'kong itanong kanina...ano nga palang pangalan mo?" Magiliw kong tanong nito ayoko naman kaseng magmukhang masungit sa harap nya lalo na at mukha syang anghel

"Cecilia Santos po Ma'a- ay Amelia pala" nahihiya itong napakamot sa batok

"Parehas pala tayong may Lia sa dulo siguro Lia din ang tawag sayo ng parents mo" malawak ang ngiting tanong ko dito dahil bigla kong naalala ang palaging tinatawag sa akin ni Mama noong bata ako hanggang ngayon

"Uh ulila na po kase ako e hahaha"

Natigilan ako sa naging sagot nya at napatulala sa mukha nitong nakangiti parin habang nakikipagkwentuhan kay Matt

Paano nya kaya nagagawang maging masaya sa kabila ng kanyang sitwasyon...

Hindi ko nalang ito pinansin at bumalik na sa pagkain ayoko ng magsalita o magtanong pa dahil baka mapunta pa ito sa masama, nakinig nalang ako sa pinagkukwentuhan nila ni Matt

Nang matapos kaming kumain ay napagpasyahan naming magkwentuhan nalang muna dahil hindi pa naman oras para bumalik sa trabaho

"Gigil talaga ako sa babaeng yon kung pwede lang manapak ay ginawa ko na!" Inis na sabi ni Matt na ang tinutukoy ay ang isang bagong empleyado dito na sinabihan sya ng salot kung ako lang ang narinig non ay baka sinapak ko na talaga sya

"Hayaan mo na Matt iwasan mo nalang baka mapaaway ka pa" mabait namang payo ni Cecilia dito anghel nga siguro ang babae na ito

"Pasalamat sya at may celebration next week hindi ako pwede mastress baka pumangit ako!" Maarteng wika ni bakla saka hinawi ang ilusyon nyang hair nagtinginan nalang kami ni cecilia at sabay na tumawa dahil sa kaartehan nito

"Kamusta pala pangalawang araw mo sa kompanya, Cecilia?" Tanong ko dito

"Maayos naman po medyo nahihirapan lang ako sa mga ipinapagawa pero kaya naman!" May kompyansang wika nito ganto ang mga gusto kong nakakatrabaho sa kompanya iyon bang hindi basta basta sumusuko ng dahil sa nahirapan sila sa unang subok marami kase rito ay nagreresign pagkatapos ng ilang araw na pagtatrabaho dahil ayaw daw nila ng mahirap

Wala namang madali sa buhay maging pagtulog at paggising nga ay nahihirapan ako e kaya hindi mo dapat sinusukuan basta basta ang mga bagay dahil lang sa 'mahirap' silang makuha o gawin

"Mabuti pala kung ganon kahit ako din e noong una ay naiihi pa ako sa kaba pero sa una lang naman yan kapag tumagal kana ay mas dadali nalang para sayo ang mga gawain"

"Wow kinabahan ka ba talaga noon e sa pagkakaalala ko inasar mo pa nga si Sir Chase nung ininterview ka" biglang singit ni Matt sa usapan

"Inasar mo si Sir, Amelia? Eh ang alam ko matindi daw syang magalit buti natanggap ka parin" concern pang wika ni Cecilia

"Hehe hindi ko naman sya inasar nakigamit lang naman ako ng Cr tas nagalit na sya kaya kasalanan nya yun 'no" pagpapaliwanag ko dito natawa naman ang dalawang ito sa inasal ko

"Loka loka ka talagang babae ka buti nalang maganda ka" tatawa-tawang sabi ni Matt habang kinakain ang dessert na binili nya kanina, sasagutin ko pa sana ang sinabi nito ng biglang nagring ang cellphone kong nakapatong sa lamesa

Alarm...

"Tapos na pala ang lunch time, Amelia una na kami" Nagmamadaling sabi nito saka tumayo at hinila si Cecilia palabas ng cafeteria

Hindi narin ako nagtagal pa at tumayo na agad para bumalik sa top floor kung nasaan ang opisina ko

Masaya ako dahil mukhang may bago akong naging kaibigan ngayong araw sana lang ay magtagal ang pagkakaibigan namin...

~ Melestial ~


His Bossy SecretaryWhere stories live. Discover now