CHAPTER 18

11.2K 384 33
                                    

Mahinang mga yapak ang aking ginawa papunta sa grupo ng mga tauhan ni Luntik.

His real name is Luis Luntik, the stinkiest name I've ever heard. Luntik? Ang baho. Pangalan pa lang halatang hindi na mapagkakatiwalaan. Sya ang Minister of tax ng buong North Kingdom, trabaho nyang maningil ng buwis sa lahat ng mamamayan ng kahariang ito.

But because of his greediness, he decided to target this small city. He demanded a tax five times the amount of the exact payment. Ito ang naging dahilan ng unti-unting pagbagsak ng lugar na ito.

Walang kaalam-alam ang hari at Reyna sa nangyayari dahil nananatiling tikom ang bibig ng mga mamamayan. Pinagbabantaan sila.

Buong lakas na pinagtatapakan ng mga tauhan ang ilang pananim. Wala kang makikitang pagsisisi sa kanilang mukha, purong nakangisi ang lahat. Tila inienjoy ang kademonyohang ginagawa. Tangina.

"Kalmahan nyo tol, baka mamalayan nyo na lang na kayo na ang nakabaon dyan sa lupang tinatapakan nyo." Maangas kong sambit, hindi mawala-wala ang mapaglarong ngisi sa labi.

Napatigil ang mga tauhan sa kanilang ginagawa, tila nabigla sa aking pagdating. Nang makahulma na ay sabay-sabay nilang itinutok sa akin ang kanilang mga espada.

"Sino ka?" Matigas na sambit ng isang lalaki, hindi ko ito pinansin bagkos ay pinasadahan ng tingin ang ilang taong nakaluhod sa lupa, umiiyak.

Napatiim-bagang ako. "Anong mangyayari sa inyo kapag nalaman ito ng hari? Hindi nyo man lang ba pinag-isipang mabuti bago kayo naghasik ng kadiliman dito? Maaari kayong ipapatay ng hari, or worst, he'll execute also your whole family." Parang nanghihinayang kong sabi, ramdam ko ang takot sa kanilang mga mata. May ilang mahinang napaatras.

"Marami nang nagtangkang magsumbong sa estupidong Haring iyon bata, ngunit walang niisa sa kanilang nagtagumpay. Matagal-tagal ko na ring ginagawa ito, hindi isang paslit na katulad mo ang makakapagpatigil sa akin." Nilingon ko ang lalaking bagong dating, ang Minister of tax. Si Luntik.

Himas-himas nito ang mahahabang balbas habang pinasadahan ako ng tingin, mula ulo hanggang paa. Mabuti't may takip ako sa aking mukha, he can't tell who the hell am I.

"And now you're badmouthing the King, you just commit a gravely sin my lord." Mapaglaro kong saad, ngunit hindi ito nagpatinag. "That's considered a treason. Kapalit nito ay iyong walang kwentang buhay." Dagdag ko.

Tumingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala bago malakas na humagalpak ng tawa. Napapalingon pa sya sa kanyang mga tauhan na nakisabay rin sa kanyang pagtawa. Parang kanina lang ay nababahag ang mga buntot ng mga ito, ngayon bumalik na naman ang pagiging demonyo.

"Sinabi ko na sa iyo bata, hindi pa nabubuhay ang taong makakapagpatumba sa akin. I have a lot of connections, walang kahit anong bagay ang makakarating sa hari. Kaya kung ako sa iyo, umuwi ka na habang nakakapagtimpi pa ako." Tinaasan ko lang sya ng aking kilay bago umismid.

"Ang pangit na nga, ang pangit pa ng ugali." Pabalang kong saad, naiinsultong tiningnan ako ni Luntik.

"May sinasabi ka bata?" Mapaghamong saad nito.

Napasinghal ako sa inaasal nya. "You know what? You're the ugliest fuckin' person I've ever met." Napasinghap ang mga naroroon sa aking sinabi, may ilan ring pinipigilan ang sariling tumawa.

Namula ang buong mukha ng opisyal sa aking sinabi. "You.. patayin nyo ang babaeng ito!" Sabay-sabay na napahawak ang kanyang mga tauhan sa kanilang mga espada.

"Ate Amara!" Rinig kong sigaw, napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napangiti ako nang matanaw ko ang batang si Minda, yakap-yakap ito ng isang babaeng sa paningin ko ay kanyang ina.

Another Life As The Emperor's ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon