Narinig ko ang mga tili at hiyawan ng mga tao rito sa loob ng shop.

Tumingin ako sa hawak niyang tab. Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mata at pagkatapos ay nakangiting kinuha sa kamay niya ang tab.

Isinuot ko ito sa palasingsingan ko at nakangiting ipinakita sa kaniya. "Bagay ba sa kamay ko?" tanong ko.

"Ayos lang. Pero mas bagay kung totoong singsing." nakangiti niyang sagot.

Nakangiti kong tiningnan ang tab na nakasuot sa palasingsingan ko. I'm still young and I still have a lot of dreams to achieve, but if Jetty will really ask me a marriage, I will immediately oblige. Si Jetty na iyan eh. Ang lalaking pinangarap kong makasama habang-buhay.

"Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" people chant.

Nagkatinginan kami ni Jetty. Nakangiti siyang umiling.

"Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" ulit nila.

"Kiss daw, Gaily. Pagbibigyan ba natin?"

Humarap ako sa mga tao. Nakatingin silang lahat sa amin.

"Walang halik na magaganap, guys. Tumahimik kayo!" saad ko sa kanila.

Tumawa sila.

"Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!" pagpapatuloy nila.

Nilingon ko si Jetty, pero labi niya ang sumalubong sa labi ko na naging dahilan upang lumakas ang tilian nila.

Napahawak ako sa aking labi pagkatapos niya akong dampian ng halik. He just kissed me in front of many people. Nakangisi lang siya.

"Gago ka." pabulong kong sambit.

Lumaki ang kaniyang ngisi. "I love you too, asawa ko." pang-iinis niya.

Inabot ko ang kaniyang tainga at pinitik nang bahagya. Kaagad siyang napahawak doon.

"Ikaw." tinuro ko siya.

"Bakit?"

"Wala."

Pinaliit niya ang kaniyang mga mata. "Kinikilig ka, 'no?"

Kumuha ako ng isang chocolate chip na nasa tray. "Walang nakakakilig doon, Jetty." pagsisinungaling ko. Actually, para sa akin ay nakakakilig kapag bigla-bigla na lang siyang hahalik o yayakap sa akin. Iyon bang hindi na manghingi ng pahintulot.

Kakagatin ko na sana ang chip nang hawakan niya ang kamay ko. Kinuha niya ang hawak kong chip.

"Ba't mo kinuha? Ayaw mo bang ipakain sa akin iyan?" tanong ko.

"Hindi. You eat rice and veggies for your breakfast. Not this." sagot niya at inilayo sa akin ang tray ng mga cookies.

"I already ate my breakfast." pagsisinungaling ko.

"Really? Then, open your mouth."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit? Anong konek sa bibig ko at sa agahan?" naguguluhan kong tanong.

"I wanna check if there's a signs that you already ate." sagot niya.

"Nag-toothbrush ako."

"I'll call Mommy Chessy."

"Okay. Okay. Hindi ako kumain." pagsuko ko. "Nakalimutan kong kumain dahil sa pagmamadali." pag-amin ko.

"Ba't kailangan pang magsinungaling, huh?"

"Sorry na. Baka pagalitan mo na naman kasi ako eh." mahinang sagot ko.

May inilagay siyang dalawang styrofoam meal box sa harapan ko.

After the Sorrow 2 ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat