Aswang nga ba ?

1.2K 45 2
                                    

Kiefer's POV

Naikwento ko naman kay Von ang nangyari ng kagabi sa bahay mismo ni Alyssa . Natatawa nga siya dahil dun sa dalawang aleng nagawang nanugod sa bahay ni Alyssa . At nagulat naman ng sinabi ko na may dala pa talaga silang baranggay tanod at pati na rin ang kapitan . Pero minotivate niya naman ako kung paano ba ang dapat kong maramdaman ng tinanggap nanaman muli ni Alyssa ang dala ko sa kanya na Buko Pandan .

Samantala andito nanaman ako papunta sa lugar muli ni Alyssa . At habang nagmamaneho ako ay naiisip ko naman ang tingin niya sa akin ng mata sa mata kahapon . At pati na rin ang pagtingin niya sa akin . Mas lalo naman akong sumaya ng malaman ko na tama nga ang name niya , pero siguro pinatanggal na niya ang apilyido ng patay niyang asawa . So ibig sabihin , single na ulit siya pero handa na nga ba siyang magmahal muli . Sa Akin ?

Nang makarating ako ay nakita ko naman na nakakandado ang gate ng bahay niya. Bumaba ako para intayin siya dito . Pero 3 minutes na ng tumingin ako sa wrist watch ko. At pumunta na lang ako sa may pinakamalapit na tindahan dito dahil nauuhaw na ako.

Nang makita ko ang tindahan ay may nakita akong isang lalaki na sinasaktan ang kakilala kong babae . Kaya pinagtanggol ko siya at sinapak kaagad siya kasi hinawakan siya agad sa braso .

Red Roses For A Blue LadyWhere stories live. Discover now