STBFL: Chapter 33

120K 2.6K 210
                                    

STBFL: Chapter 33

Vanalein Rhyme R. Santos

Isang buwan at kalahati na ang lumipas magmula nang maayos namin ni Andres ang tungkol sa aming dalawa, pero matapos ang isang linggo ay ako naman ang tumulak sa Singapore para sa isang business meeting sa dating mga business partner ni Dad. Hindi ko na sinubukan pang mabawi ang ilang ari-arian na nakuha ni Mr.Evanco.

Hahayaan ko na lamang na ang karma ang gumawa ng paraan para magkaroon ng hustisya ang pagkawala ni Dad.

"Pababa na ang eroplano!" Humahagikhik na sambit ni Jenny sa tabi ko ngayong pa-landing na ang eroplanong sinasakyan namin dito sa NAIA, kanina pa siya hindi mapakali dahil miss na miss na daw niya ang hangin sa Pinas.

Ngumiti ako dahil maging ako ay namimiss ko na ang Pinas, dalawang linggo rin ang inalagi ko sa Singapore.

Namimiss ko na ang dalawang Kuya ko.

At namimiss ko na rin siya.

Hindi pa ulit kami nakakapag usap dahil sa biglaang pagtulak ko sa Singapore ay hindi na ulit kami nagkahingian pa ng number ng bawat isa. Saka isa pa ay pareho kaming abala sa trabaho. Pero ipinangako niya sa akin na siya mismo ang sasalubong sa akin sa airport.

Hila hila ko na ang maleta ko ngayong nag lalakad na ako patungo sa arrival area, ibinaba ko ang suot kong shades para hanapin siya pero hindi siya makita ng dalawang mata ko.

"Rhyme!" Sigaw ni Jenny sa likod ko, pero hindi ko siya pinansin. Nagwawala na ang puso ko dahil sa kabang baka hindi ko nanaman makita ni anino niya, namamawis na rin ang kamay ko.

May mga sumasalubong na sa ilang paparating pero sa akin ay wala pa ring sumasalubong.

"Ano? Akala ko ba susunduin ka?" Natatawang panunuya sa akin ni Jenny, tinignan ko siya ng masama pero hindi manlang siya natinag.

"Baka busy lang." Mataray ang pagkakasabi ko non sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

Madalas akong asarin ni Jenny dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa gaanong tanggap ang pag kakaayos namin ni Andres. Maging ang dalawang kapatid ko ay hindi na pabor sa pakikipag ayos ko sa kanya. Pero mapipigilan ba ang puso? Sa palagay ko ay hindi, dahil baka ikabaliw ko lang kapag pinigilan ko pa.

Everybody deserves a second chance. At sa tingin ko ay karapat dapat na pagbigyan ng pagkakataon ang sa aming dalawa, kay tagal kong hinintay na dumating yung panahon na masasabi kong may isang lalaki na hindi ko lang basta matatawag na boyfriend o asawa.

Kundi matatawag kong partner in life, yung tipong alam kong pang matagalan. Ramdam kong siya yon, pakakawalan ko pa ba?

"Huy, isang oras na tayo dito. Hihintayin mo pa ba siya? Bakit hindi nalang tayo mag taxi, kanina pa nag aabang yung taxi na yan sayo oh." Natatawang mungkahi ni Jenny, bumaling ako doon sa taxi na kanina pa nakahinto sa harapan namin at walang sumasakay na pareho.

Sandali kong tinignan ang wrist watch ko at huminga ako ng malalim.

"Let's go." Wala sa sariling sambit ko at hinila ko ang maleta ko sa likod para ilagay sa compartment ng taxi.

Sumakay na kami sa back seat ng taxi at si Jenny na ang nagsabi kung saan kami ibababa.

Tumingin nalang ako sa kalsada at para akong binagsakan ng langit at lupa dahil nabigo ako patukol sa pagsundo sa akin ni Andres ngayong araw na ito. Ngayon ko na nga lang siya ulit makikita at ngayon nalang din ulit kami makakapag usap ng masinsinan ulit, gusto kong malaman kung magsasama na ba ulit kaming dalawa sa iisang bubong?

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon