"This mansion only have 3 rooms?!" Umalingawngaw sa buong palasyo ang aking sigaw, nakangiwing nagtakip ng tenga si Elena.
Pinanlakihan nya ako ng mata. "Stop being so loud, magigising mo si Red!" Suway nito sa akin, umakto naman akong zinipper ang bibig.
Sino ba naman ang hindi mabibigla, sa laki ng mansyong ito, tatlo lang ang kwarto? Tinanong ko kasi kanina si Elena kung saan ako matutulog, tapos ang sinagot nya lang ay 'in my room'. Edi nag freak out itong lola nyo. Hindi ako sanay na may katabi. Medyo malikot rin kasi akong matulog.
"Bawal ka namang tumabi kay Red, hindi sya sanay ng may katabi, nahihirapan syang matulog. Yung isa naman naming katulong, nakasarado na rin yung pinto, I don't want to wake her up just because of you." Napanguso ako sa sinabi nito.
Nauna itong pumasok sa kwarto bago naupo sa kama, sumunod naman ako. Nasa kanang parte ako habang sya ay nasa kabila.
Pinilit kong matulog ngunit nagmamatigas ang aking mata, nanatili pa itong nakabukas habang nakatingala sa kisame. Ilang beses na akong naglulumikot at tumagilid upang kumuha ng magandang pwesto ngunit hindi pa rin ako makatulog.
At dahil bored ang lola nyo, sinimulan kong bilangin ang mga butiki. Char, seryoso, wala talagang mga insekto ni-alikamok dito sa kwarto ni Elena, halatang palaging nililinisan. Malayong-malayo don sa kwarto ko sa past life na parang niwrestling ng limang tao. Kalat doon, kalat dito. Kaya nga hindi ako nagpapapasok ng kung sino sa kwarto ko.
45..
46..
47..
Binibilang ko ang mga minutong lumipas sapagkat wala akong ibang magawa. Napatulala na naman ako sa kung saan ng hindi kumukurap.
Why is life so hard?
Wag kayo, gusto ko lang talagang magdrama. Gusto kong maging heartbroken tapos iinom ng beer dahil sawi sa pag-ibig. Wait, may beer ba sila dito?
"Can't sleep?" Napalingon ako kay Elena nang magsalita ito, namumungay pa ang mga mata habang nakatingin sa akin.
Kahit antok, ang ganda pa rin. How to be you po?
"Mmm" maikli kong sagot at tumango-tango pa.
Hindi na sumagot pa si Elena, pumikit ito at idinantay ang ulo sa braso. "Want me to tell you a secret?" Nakapikit pa rin nitong usal.
Sa isip-isip ko ay napasinghap ako. Ito na ba yung time na magcoconfess sya na she's into girls at gusto nya ako? Wag po, I'm straight as a ruler, yung ruler na mala-bakal para hindi mabend. Bakit ba halos baliko lahat ng magaganda rito?
"I'm sorry but I can't accept you feeling-" she cut me off, again. Bakit ba ang hilig sumabat ng babaeng ito?
"Red is not my brother." Pahiya yung lola nyo, assuming much. Ngunit ano daw?
Nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong silid. "So is he your cousin or niece-"
"He's my son." Nganga. Literal na umawang ang aking labi sa kanyang sinabi. Anak? This goddess here already have a son?
Napakurap ako, I awkwardly laugh. "H-how come the palace didn't know about it?" Imposible naman kung hindi mapansin ng ibang tao sa palasyo na lumalaki ang umbok ng tiyan ni Elena.
"Because he found a way to hide it." Wika nito.
My forehead ceased. "He?"
Ibinaling nya ang tingin sa akin bago mapait na ngumiti. "The Emperor impregnated me, nang nalaman nya ang tungkol dito, inutusan nya akong itago ang katotohanan. Pinagawa nya ang mansyong ito para sa akin at ng aking magiging anak, ipinwesto nya ito sa gitna ng gubat upang walang kahit na sino ang makakaalam. Wala akong magawa kundi sundin sya, ayaw ko mang itago ang aking anak mula sa mata ng lahat ngunit natatakot ako, natatakot ako na baka galawin nya ang aking pamilya gaya ng banta nya." Tumigil sya saglit sa pagsalita at pinunasan ang luhang dumadaloy, she then weakly smiled. "Lumaki si Red ng hindi alam kung ano ang tunay na anyo ng mundo, hindi sya maaring lumabas sa mansyon. That's the reason why my son is so happy when he saw you. Masyado syang masaya sa kaalamang may makakasama syang iba dito bukod sa amin ng yaya nya." I felt my heart throb in pain. Para itong pinipiga.
Hindi ko namalayang nanubig na rin pala ang aking mga mata. "W-why.." nangangapa ako ng salitang sasabihin. "Why would the Emperor do that?" Wag mong sabihing..
"Because of you, Amara. Natatakot syang lalayuan mo sya sa oras na malaman mong nagkaroon sya ng anak sa akin. He don't want to disappoint you. Just as I said, he'll sacrifice everything just for you." Wala akong naramdamang galit sa kanyang tinig, it's purely sadness. Ibang iba si Elena sa pagkakakilala ko sa kanya, the Concubine who used to bully Amara is now calm at this situation. Hindi sya nagalit sa kadahilanang si Amara ang dahilan ng lahat.
Bumigat ang aking paghinga. I'm deeply overwhelmed by this feeling conquering my whole being. Hindi ako makapaniwalang may mas isasama pa pala ang Emperor. How could he. He's fucking sick!
I heard Elena chuckled. "You're probably cursing the Emperor right now, am I right? I don't know why, but I feel that you've changed. Malayong-malayo ka na ngayon sa nakasanayan ko, you stopped chasing him in a snap. Pra ngang hindi na ikaw si Amara." Ipinikit nya ang kanyang mata.
I can't stop myself but to smile bitterly. "Guess everyone do change." Mahina kong sambit, sapat lang upang marinig nya.
...I then found myself walking in the forest. Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay nagpaalam na akong umalis, hindi na nagtanong si Elena sa dahilan. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili at mapaiyak sa harapan ni Red. I'm one of the reasons on why he have to experience that kind of life.
"May pulis, may pulis
Sa ilalim ng tulay.
Binabaon sa lupa
Ang hustisyang pinatay~"Hindi ko talaga alam kung ano ang magagawa kung makikita ko ulit ang pagmumukha ni Luther. How could he do that to his own son, may problema ata sa utak.
Malalaking hakbang ang ginagawa ko habang kumakanta. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, napapalibutan ako ng naglalakihang mga puno.
"Pagka't bulok na
Ang sistema
Serbisyo nya'y wala sayo
Kung wala kang pera- Huh?" Napatigil ako sa pagkanta nang makarinig ng mahina kaluskos. Nagmumula ito sa isang bushes ng damo.Nakagat ko ang aking labi, should I continue walking or should I take a look on that thing?
Dahil dakilang chismosa ang lola nyo ay dahan-dahan ko itong nilapitan, hinawi ko ang mga makakapal na damo.
"Woahh!" Namamangha kong pinasadahan ng tingin ang isang malaking leon. Nakaupo ito at parang namimilipit sa sakit. Nang makaramdam ng presensya ay galit ako nitong tiningnan, he growled.
Itinaas ko ang dalawang kamay sa ere. "Easy there, wala akong gagawing masama, I'll just help you with your little problem." Mahinahon kong wika dito, I shaked my head when the lion didn't answer. Bakit ba ako umaasang sasagot ito at kakausapin ako?
Marahan akong lumapit at lumuhod upang mapantayan ito. Mahinhin kong inabot ang kamay sa ulo ng leon, mabuti't hindi na pumalag pa.
"Kyahh" impit akong napatili nang maramdaman ang kalambutan ng kanyang balahibo. Marahan ko itong hinaplos, ipinikit ng leon ang kanyang mata na parang nagustuhan ang aking ginawa.
Napadako ang aking tingin sa isa nyang paa, may nakatusok na isang matulis na kahoy dito. Hindi naman ito masyadong nakabaon ngunit alam kong masakit iyon.
Dahan-dahan ko itong inabot, the leon whimpered a little. "Just bear with it hmm? Mabilis lamang ito. Wag kang mangangagat ha." Tumango ang leon na parang naiintindihan ang aking sinabi. I smiled.
Nang mahawakan ang nakatusok na kahoy ay mabilisan ko itong hinila paalis. The lion growled in pain, napalayo ako ng konti baka dambahin pa ako nito.
Nang mapagtantong kumalma na ito ay mabilisan ko itong hinagkan. "Can I adopt you? I'll call you Zera!" I enthusiastically exclaimed.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad, sumunod naman sa akin ang leon na medyo paika-ika pa. Hanggang bewang ko ang taas nya, he's a big lion.
Oo nga pala, pupuntuhan ko ngayon ang kinaroroonan ng totoong pamilya ni Amara. Makikikain lang sana.
BINABASA MO ANG
Another Life As The Emperor's Concubine
RandomAmara Yvaine Eliazar, the Emperor's 3rd concubine experienced hell inside the palace. While trying to get the Emperor's favor, she died. Farra Monrue, the world's most known and wanted assasin died while trying to kill a FLY, and guess what? She got...