Chapter 8 - Treyning (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Syur na syur akong misyon akomplis 'tong gagawin natin. May kasama ba naman kayong poging katulad ko, eh. Tiyak na madi-distrak ang lahat ng chiks na madadaanan ko," rinig kong sabi ni Cody habang naka-sheyds sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha iyong sheyds na iyan pero isa lang ang masasabi ko...

Petengene! Kuhang-kuha ng anak ko ang kagandahang lalaki ng erpat niya.

Nagtawanan naman ang iba naming kasama nang marinig ang sinabi ni Cody. Siya kasi ang pumutol sa katahimikan ng mga bata na masama na ang tingin sa kaniya ngayon.

"Manang-mana sa 'yo iyong anak mo, gago," natatawang sabi ni Boul.

"Wel, Sebastian Lerwick yata 'to," nagmamalaking sabi ko sa kaniya. Tinapik ko pa ang dibdib ko habang nakangiti sa kaniya pero dinedma niya lang ako at binalik na ang paningin sa iskrin.

Amp! Biter naman nitong Bouldado na 'to.

"Manahimik ka. Hindi ka pogi." Napakamot naman ng ulo si Cody sa rebat sa kaniya ni Amber. Manang-mana talaga ang batang ito sa mabangis niyang nanay. Ampupu!

"Mas guwapo kasi ako sa 'yo, Cody. 'Di ba, twin sis?" Ngiting-ngiti naman si Azure habang hinihintay ang magiging sagot ng kanyang kakambal.

"Alam kong masuwerte ka dahil meron kang kakambal na dyosa pero hindi ibig sabihin n'on ay automatic ka nang guwapo." Inirapan pa ni Amber ang kakambal pagkasabi n'on kaya nakarinig na naman ako ng kaunting tawanan sa likod ko na nakikinig din sa usapan ng magpipinsan ngayon.

Para kaming nanonood ng sine na nandoon pa lang sa part na tsil tsil pa ang mga bida.

Mamaya ay paniguradong seryoso na ang bawat isa.

"Amber's right. She is really maganda. Did you know ba that I am the one who make bihis kay Amber for her ngayon's outfit, Ame-girl?" tanong niya kay Ms. Amesyl na anumang oras ay makakatulog na dahil walang interes sa pinapanood.

Magkasalikop naman ang dalawang palad ni Miss Caileigh habang nakatingin sa monitor.

"Kaya naman pala nag-iinaso na naman iyang batang iyan." Umirap pa si Ms. Amesyl nang sabihin iyon at sumandal sa sopa. Mukhang wala talaga siyang interes sa pinapanood. Pinatong pa nga niya ang ulo sa asawa niyang gago na parang tangang animo'y kinikilig sa ginawa ng asawa.

Ampupu! Kawawa naman 'tong si Lampe. Hindi man lang nakakatikim ng lambing sa asawa niya.

Sigurado kasing nagpunta lang dito iyang si Ms. Amesyl para makita ang kalagayan ng mga bata. Pero kapag tungkol sa mga aksyon ay wala na siyang pakialam.

"Caileigh! Gusto mo bang bumili tayo ng pompoms para i-cheer sila?" masiglang tanong ni Ms. Aemie. Lumipat pa siya sa tabi nito para mahawakan sa balikat at niyugyog nang bahagya.

Natawa naman si Ms. Caileigh at pinigil ang mga kamay ng pinsan. "I would love to, Aemie-girl. But we don't have enough oras to make bili pa ng other props," sabi nito kaya naging malungkot naman ang mukha ni Ms. Aemie.

"Ms. Aemie, alam ko may plastik na tali pa sa istorej rum na p'wedeng gawing pompoms," sabi ko kaya mabilis na nabaling sa kaguwapuhan ko ang paningin niya.

"Waaa! Talaga, Sebastian?" eksayted na tanong niya.

"Opo, Ms. Aemie."

Pumalakpak pa si Ms. Aemie sa pagkatuwa pagkatapos ay tumayo at hinatak ang kamay ni bossing. "Dong! Tara, kunin natin dali."

"Wife, we don't need those fucking pompoms. The kids couldn't see them anyway, so why bother? Tss," sabi ni bossing at hinila rin ang kamay ni Ms. Aemie para maupo na ulit sa tabi niya.

"Sabagay..." sabi ni Ms. Aemie pagkatapos mag-isip. Umupo na siya sa tabi ni bossing na agad na umakbay sa kanya. Yown! Dumadamubs si bossing, ah.

"Minsan matino ka rin talagang mag-isip, Zeke. He-he," pabulong kunwaring sabi ni Ms. Aemie pero rinig na rinig naman namin.

"What the fuck?"

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon