Blood+Lust: Chapter 4

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Ay oo nga! Narinig ko rin 'yan! Binalita kagabi! Grabe naman 'yon! Nakita ko sa TV, parang aswang yung may gawa!"


"Anong aswang? Hindi no! May kagat sa leeg! Yung parang kagat ng... ng... ano ba tawag don?"


"Bampira?!"


"Dyos ko! Nakakatakot na tuloy lumabas ngayon! Pero hindi naman yata totoo ang mga bampira! Gawa-gawa lang yan! Sa pelikula lang yan nangyayari!"


"Kunsabagay, tama ka!"


I heard giggles and laughters. I thought I was still dreaming but I realized I'm in our classroom. Nagising ako dahil sa ingay nila. Tuluyan ko nang idinilat ang mga mata. Hindi na tuloy ako makabalik sa pagtulog. Lalo na't narinig ko ang topic nila. Bampira? Tss. Nag inat ako at umayos sa pagkakaupo.


"Hindi ako papayag kung hindi mala Edward Cullens ang kakagat sa'kin!"


"No thanks, kontento na'ko sa boyfriend ko. Masarap humalik at laging may pakagat sa leeg! Hahahaha!"


Tss, hindi parin sila tapos sa pag tsi-tsismisan nila. Ang iingay talaga ng mga babae. The world will be in peace and quiet if they learn to keep their mouth shut all the time. Mukhang kanina pa sila r'yan ah, hindi tuloy ako nakatulog nang maayos.


Humikab ako. Tangina. Gusto ko pang matulog. Sino ba naman kasing hindi mapupuyat sa nangyari kagabi?


Mabilis natapos ang klase. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na kanina pa walang umuupo r'yan. Hindi siya pumasok? Well. That's good. That's why I feel like I'm in a good mood since that girl is not here. I like it better when she's not here. I don't want to see her face. Naiinis ako. Bakit hindi nalang siya bumalik sa Australia? Mom said doon siya galing bago siya pumunta rito. Pero nasa Germany ang parents niya because of work. I don't know the whole story and I don't care so I didn't ask anymore. The problem here is why she have to come and ruin my life? Ginugulo niya ang nanahimik 'kong buhay. Magkasama na nga kami sa iisang bahay, hanggang dito ba naman makikita ko parin siya? I hate her.


"Mukhang good mood ka ata ngayon, ah. Maaliwalas na mukha mo ngayon kumpara kanina." Kiara noticed while we're walking to the gate.


I was holding the strap of my bag, letting it hang on my back while my other hand was in my pocket. I smirked.


"Who wouldn't be? She's absent today. It's a pleasant feeling not to see her face today. At kung ipagpapatuloy niyang umabsent then it's good. I'm not going to see her every day."


Come to think of it, uuwi lang ako para magkulong sa room ko the whole night kaya hindi ko siya makikita... which is good! My lips stretch into a smile but only for a while because the thought of every morning na gigising ako para makasabay siya sa almusal makes me want to spit all the food out of anger.


Huminto si Kiara sa paglalakad at nakakunot-noong tiningnan ako. "What do you mean?"


"What?! She's living in your house?!" bulalas ni Kiara pagkatapos 'kong makwento sa kaniya lahat.


Blood+Lust: Love At First BiteNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ