Kabanata 16

214 7 4
                                        

Kane's POV

Ilang araw na ang nakalipas magmula nang sumama ako kung saan nagte-taping si Sienna. Bigla akong nahiya na pumasok do'n dahil Uncle pala ni Sienna ang direktor nila. Pagagalitan ko pa sana siya sa pagkukusinti sa babaeng 'yon pero parang ako 'yong napagalitan. Nagkakilala na rin kaming dalawa, kaya pala pareho ng kulay ng mga mata si direk Pierce at Sir Phyton.

"Kuya! Andito na si dad!" sigaw ni Gab mula sa pintuan. Binaba ko ang tablet na hawak ko saka lumingon sa kanila.

Nakaangkla ang braso ni Gab sa kaniya. He's wearing a tight bohemian polo and a hat at the top of his head. Dad is a business man pero hindi kami engage sa business na 'yon. Hindi kami pinapapunta do'n ni dad ever dahil daw wala sa 'min ang pagiging businessman. He has a lot of politician friends. Kaya madami rin siyang nakakaaway na hindi namin kilala.

He smiled at me. I just look at him blankly. Ang tagal din niyang nawala dahil sa business trip. Nagkaproblema daw kasi sa mga investment pero naayos naman niya nang ilang buwan. Yumakap si Gab sa kaniya, a daddy's girl.

"Kane, how are you?" he asked. Dad caressed Gab's hair while chuckling.

I crossed my arms and lean my back against the couch, "I'm fine, dad. Ang bilis mo naman bumalik, sana nagtagal ka pa ng konti," I answered him. My side lips rose.

Tinaasan niya ako ng isang kilay. He stared at Gab, "Gab, marami akong dalang pasalubong sa 'yo galing Amerika!" masigla niyang sabi dito. Napatalon naman si Gab saka hinila patungo sa taas ang bagahe niya.

He groaned while sitting on the couch. Napahawak siya sa balakang niya, he's getting old, "Tapos na ang trabaho ko, I deserve a break," sagot niya sa 'kin. He take off his hat and put down his black shades. "Hindi ba ako hinanap ni Vargas?" tanong niya.

Umiling ako sa kaniya, "Wala namang naghanap sa 'yo dito. Hindi ka naman yata gano'n ka importante," matigas kong tugon.

Nagtaas-baba ang balikat niya dahil sa tuwa.

I gritted my teeth.

"Mabuti nga 'yong wala. Gusto kong magpahinga," kalmado niyang sambit. Dahan-dahang bumaba ang kaniyang likuran sa couch. Nagsilbing unan ang armrest.

I rolled my eyes. Tumayo ako mula sa upuan. Hindi ko na siya binigyan ng tingin at hinakbang ang mga paa ko paalis ng living room.

"Binilhan rin kita ng pasalubong do'n, Kane. Sabi ni Gab, may girlfriend ka na daw kaya dinalhan ko na rin siya," he said.

My body froze for a moment. Paglingon ko sa kaniya ay nakapikit na ang mga mata niya at nasa noo ang braso. Napairap ako. Ano naman kaya ang pasalubong niya sa 'kin?

Imbis na pumunta sa labas ay nagtungo ako taas. Siguro nasa kwarto 'yon ni Gab. Pagdating ko sa harapan ng kwarto niya ay kumatok ako. Napapikit ako sa marahang pagsigaw niya. Dumapo ang palad ko sa sikadura ng pintuan, inikot ko ito at tuluyang tinulak.

I stepped in.

Nakita kong nakalatag lahat ng mga gamit sa sahig, nakakalat.

She pouted her lips, "Kuya, ang laki nitong boots sa 'kin. Alam naman ni dad ang size ko ah?" sabi niya. Ang sama ng mukha niya.

Napatingin ako sa suot niyang kulay itim na leather boots hanggang angkle. Lumapit ako sa kaniya. Naningkit ang mga mata ko sa nakabukas na paperbag.

"Kane's girlfriend,"I whispered. Mabilis ko itong hinablot at ipinakita sa kaniya, "Did you just open this? There is a name on it, hubarin mo na nga 'yan," naiinis kong wika.

Napatakip siya ng mga labi, "So, did I just wear a boots that for Sie? Oh my gosh, I'm sorry, kuya! Hindi ko nakita!"she exclaimed. She's fast as flash while she's taking it off. Paglahad niya sa 'kin nito ay hindi siya makatingin.

DS #5: Sienna x KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon