CHAPTER 12

12.2K 468 84
                                    

Sya pa ang may-ari nitong mansyon? Ito ang kauna-unahang pagkikita namin sapagkat noong napunta ako sa katawang ito ay masyado na talagang mailap ang unang Concubine.

Sabi-sabi pa nga ng mga katulong ay palagi lang daw nagkukulong sa kwarto ang babae. Nakakapagtaka, papaanong napadpad sya dito?

Masasabi kong may taste mamili ang Emperor ng babae nya, pati nga yung bruhang si Zaya ay nagtataglay din ng out of the world na kagandahan.

Elena Heart, the first concubine, is a daughter of a well-known duke. Ipinadala sya ng kanyang pamilya sa emperyo upang gawing Concubine ng Emperador. She has a dark hair, nababagay rin sa kanya ang itim nyang mata na medyo singkit. Morena sya ngunit angat na angat ang kagandahan. Ngunit mas maganda pa rin ako.

Mariin nya akong tinitigan, naniningkit pa ang mga mata. "Red Heart, come here." Malambing nitong sabi sa batang nasa gilid ko.

The boy just shake his head then looked at me while pouting. Hinawakan pa nito ang laylayan ng suot ko.

"Red." Naging malamig ang boses ni Elena, I glared at her. Pa'no ba naman, mas lalong humigpit ang kapit ng batang si Red sa akin.

"Stop that tone of yours, tinatakot mo ang bata." Di makapaniwalang tumingin sa akin si Elena, malakas pa itong napasinghal.

"I'm her sister, I'll do what I want and you have no right to give any side comments." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, napatigil ito na parang may naalala. "Third Concubine Eliazar? What a small world, pa'nong napadpad ka dito, this is tresspasing." Lumapit ito sa akin at mabilis na kinarga si Red.

Aayaw pa sana ang bata ngunit pinanlakihan nya ito ng mata. "Alam mo bang nagkakagulo ang palasyo? Naparusahan pa ang prinsesa dahil sa'yo."

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala para sa prinsesa, I already expected this to happen. Alam kong may mapaparusahan dahil sa ginawa kong pagtakas, masisisi ba nila ako kung gusto kong magpakalayo-layo? Nababahala rin kasi ako kung mananatili pa ako ng matagal sa palasyo sapagkat darating at darating rin ang panahon na malalaman nilang hindi ako si Amara.

The weak Amara then became a warfreak in a snap.

"Why would they waste their time on someone worthless like me?" Nakangisi kong saad, the latter just rolled her eyes.

Tumalikod sya bago eleganteng naglakad hawak-hawak ang kapatid. Masasabi mong may mataas syang posisyon sa postura nya pa lang.

Natataranta akong tumakbo at tumabi sa kanya sa paglalakad. Inis nya akong tinapunan ng tingin. "Why the fuck are you following? Wala ka bang planong umalis sa pamamahay ko?" Diniinan pa nito ang salitang 'pamamahay'.

Napangiwi ako, ilang mura na ang ibinibigay ko sa kanya sa aking isip. Pero dahil kailangan ko ang kanyang tulong ngayon ay magpapakabait muna ako.

Peke ko syang nginitian. "Ang ganda mo ngayon Elena, anong scincare gamit mo?" When she looked at me, I blinked my eyes twice then gave her a puppy look.

"Scincare? And how dare you call me by my first name, did you forget your position?" Malamig nitong saad, napalunok ako. Di mabiro ang ate nyo.

Nagpatuloy sya sa paglalakad at mabilis ko naman syang sinabayan, napangiti ako nang pinabayaan nya lang akong sumunod. "Patawad, Concubine Elena. Ngunit kung di mo mamasamain ang aking tanong, papaanong napadpad ka dito?"

Tiningnan nya ako na parang ako ang pinakabobong tao sa mundo. Ouch. "Kasi bahay ko ito? Ikaw nga ang dapat tanungin ko niyan Concubine Eliazar, bakit ka napadpad dito?" Patuloy pa rin ito sa paglalakad.

Binuksan nya ang isang kwarto at pumasok, pinaupo nya si Red sa kama. "Stay here and go to bed na ha? Mag-uusap lamang kami ni Concubine Eliazar."

"You can just call me Amara." Singit ko.

Another Life As The Emperor's ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon