Chapter 26 (His side part 2)

61 1 0

Ganito na ba talaga ako ka-samang tao at ako na lang ang hindi maayos kung kausapin ni Melody?

Bitter parin ba siya?

Ganoon ba ka-sama ang ginawa ko sa kanya?

Nagsisi naman ako ah?

Hindi pa ba sapat yun?

Yan ang mga tanong na gusto kong masagot hanggang ngayon.

Naging sobrang malapit kasi siya kay JP.

Nakakaramdam ako ng selos dahil kung dati ay ako ang lagi niyang kasama, laging katext, kachat at pinagsasabihan ng mga problema.

Samantalang ngayon ay ako na ang dahilan ng problema niya.

Masaya na rin siya kasama ang iba kong mga kaibigan.

Samantalang ako...

Hanggang tingin na lang habang tumatawa siya.

Dati ako ang nagpapatawa sa kanya.

Tapos napansin ko pang parang iba ang tingin ni JP sa kanya.

Kinabahan ako.

Baka may gusto na siya kay JP.

Tinanong ko si JP para alamin ang totoo.

Usapang lalake sa lalake.

Sinabi niyang balak niyang ligawan si Melody.

Nung una ay nagalit ako pero naisip ko ring ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganon si Melody at kung bakit nagustuhan ni JP si Melody.

Ako ang puno't dulo ng mga pangyayari.

Kailangan ko itong pagbayaran.

Pero kailangan kong malaman kung kahit papano ay may pag-asa pa ako kay Melody.

Last day ng pasukan nung maisipan kong gawin iyon.

Kinausap ko siya at sinabi kong nagsisisi ako sa ginawa kong kasalanan sa kanya.

Tumawa siya habang sinabing wala na siyang pakielam sa ginawa ko.

Sabi ko maghihintay ako para sa kanya.

Kaso ayaw na raw niya magpaligaw kahit kanino dahil nakaka-trauma ang nangyari dati.

Sinabi kong sisiguraduhin ko na hindi na mangyayari ulit yun.

Pinigilan niya akong magsalita nang biglang may tumulong luha mula sa mga mata niya pero nagpatuloy parin ako sa pagsasalita at sinabing sa susunod na pagkikita namin ay hindi na ako ang dahilan ng pag-iyak niya.

Ayaw na daw talaga niya at tumakbo palayo.

Nakabangga niya si JP na sumunod pala sa amin.

Niyakap ni Melody si JP at humagulgol.

Simula nung araw na iyon ay sumuko na ako.

Alam kong walang mangyayaring maganda kung ako ang makakasama ni Melody.

Simula nung araw na iyon ay ipinaubaya ko na siya sa bestfriend ko.

Si JP.

Sana lang ay alagaan niyang mabuti si Melody dahil kung hindi ay sapilitan kong kukunin si Melody mula sa kanya.

Sisiguraduhin kong pagsisisihan niya iyon.

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!