Hindi ko na malaman kung matutuwa pa ako sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko eh.

Una yung peste na Kenneth na yun. Tapos yung stalker na si Jasper. Tapos ngayon... Ngayon! Etong Kent na to! Nakakainis silang lahat! Napaka-presko! Well, si Jasper naman medyo kakaiba. Pero kahit na! Ang wiweird nila! Nawiweirdohan na ako sa kanila!

Nasa dorm nga pala ako ngayon. Ako lang mag-isa kasi umalis si Recca. Free day namin ngayon kaya petiks lang. Natapos ko na rin yung mga kailangan kong gawin. Kanina pa ako nakatihaya sa kama ko. Dalawa lang kami ni Recca dito sa isang room. Medyo malaki yung espasyo nung kwarto. Pwede nga dito limang tao na matulog e. Naka-short shorts lang ako tapos sando. Ang init kasi e! Pinapapatay yung aircon kapag umaga. Gabi lang talaga nakabukas yung aircon. Kaya kawawa kami pag tanghali. Ang init pa naman ngayon. Bawal ang mga lalaki dito sa dorm na to kaya okay lang na magsuot ng ganito. Wala namang makakakita unless lumabas ka sa kalsada.

Nagbukas na lang ako ng laptop para mag-check ng notifications sa facebook.

Isang tumataginging na 40+ friend requests, 6 messages at 100+ notifications ang bumungad sa'kin. Anong nangyari bigla sa mundo? Hindi naman to ganito dati ah?

Hindi kasi ako pala-facebook. Minsanan lang. 

Nagsimula na akong mag-check ng mga notifications. Una, yung 100+. Puro likes ng pictures. Grabe. Stalker lang? Eh nakakatamad isa-isa-hin kaya hindi ko na tinignan yung iba. Sinunod ko naman yung pag-accept ng friends. Accept lang ako nang accept. Wala namang makukuhang explicit content sa facebook ko eh. Tapos last, yung mga messages. Binasa ko yung mga message sa'kin.

Galing kay Mama, Papa, Racquel, Shannen, Kent at Kenneth. Ah okay. Sakanila lang pala.. The fuck  did I just read?! Si Kent at Kenneth?! How the hell did they find my account? What the fck lang talaga!

Inuna kong buksan yung don sa dalawang kumag. Una yung kay Kent and it says:

Hi Cara ng buhay ko :) I-accept mo na ang friend request ko pati ang sarili ko. Hindi naman kita papabayaan e. Mamahalin kita at masasarapan ka pa! ^_^ If you know what I mean. Joke lang. >:))) Tignan mo pala profile ko may makikita ka baka kiligin ka. :* Sisimulan na pala kitang ligawan sa Monday. See you!

TANGENUH MO PO WITH FEELINGS! Ang landi landi landi talaga! Nakakainis! Ayoko nga i-check yung account niya! Tangina talaga! Next na binasa ko yung message ni Kenneth. And it says:

Hi cutiepie. Hindi ako pala-ganito eh. Pano ba kasi to gamitin? Baka kasi maka-score agad si tropa e. Kailangang unahan. O pano, kitakits sa dating place natin sa Monday ng umaga ah? Ikwento mo naman sakin yung binabasa mo.

TANGENUH TRIPLE TIMES! Nakakainis talaga! Hay susmiyo! Ayoko na! Papatayin ko na lang tong laptop. Puro kabadtripan lang yung nakikita ko e, bwisit!

Pero bago ko pa man pindutin yung log off button, nag-chat sa akin si Anna.

Anna Sodusta : Uy girl ang haba ng hair mo ah!

Cara Gomez : Ha? Pinagsasasabi mo?

Anna Sodusta : Hindi mo pa ba nakikita?

Cara Gomez : Ang alin?

Anna Sodusta : http://www/facebook.com/gawagawalangtoniKent

Cara Gomez : Anong gagawin ko diyan?

Anna Sodusta : Basta! I-click mo, dali! OMG! :">

Cara Gomez : Whatevez.

Kaya ayun, pinindot ko yung link. Dinala ako sa facebook account nung magaling na si Kent. Nagloloading pa nga yung pictures kaya medyo nainis ako lalo. Nag-chat ulit si Anna.

Ang sex addict kong boyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!