50

36 3 0
                                    

FREA

"Frey, ano ba yang binabasa mo?" tanong sa'kin ni Lexie habang naglalaro na naman ng Roblox. Ang aga-aga. ><

"Wala, nagrereview lang ako ng i-eexam natin ngayon. May exam tayo. Remember?" tanong ko sa kanya.

By the way, hinahatid na kami ng driver namin sa Gaxtone High. Friday na pala ngayon. Ang bilis naman. Parang kailan lang transferees kami uli ni Lexie dito at ramdam ko ang tagal na naman namin dito.

"Ah, oo. Mamaya nalang ako magrereview. Hehehe." natatawang sambit niya at madali akong napatingin sa phone niya. Napangisi naman ako nung nakita ko yung kasama niyang... robloxian 4lyfer niya daw kuno.

"Yiieee, si Junkyu yan 'no?" tanong ko sa kanya at napatango naman siya.

"Oo. Tsaka sabi niya nasa school na sila ngayon. Ang aga naman yata nila." nakangiting sambit niya at medyo naman ako natigilan dito. Naaalala ko naman yung chat namin ni Jaehyuk kagabi eh.

Nahihiya pa din talaga ako. >< Lalo na sa mga friends niya! Ah basta, ang mahalaga alam na nila kung bakit ko siya na-wallpaper.

"Lex." tawag ko sa kanya habang nagbabasa ako ng libro dito.

"Oh?"

"Nahihiya pa din ako magpakita sa kanila. Alam mo yung gusto ko nalang maging bula?" tanong ko sa kanya at natawa naman siya ng malakas. Nakakatuwa yun? ><

"Nako Frey, okay lang yun. Alam na nila yun 'no. Tsaka wag kang iiwas ha? Sige ka.. mas lalong mag-overthink si Jaehyuk at sila na may ibigsabihin---"

"Oo na, dami mong pinagsasabi eh." pagputol ko sa kanya at natawa lang kaming dalawa dito.

6:37 A.M. na at malapit na kami sa Gaxtone kaya sinara ko na yung libro ko. Si Lexie laro pa din nang laro ng obby. Minsan nalang ako naglalaro ng Roblox. Hindi naman kasi ako katulad ni Lexie na adik diyan.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana dito at huminga ako ng malalim.

Promise Lexie, malapit ko na sasabihin sa'yo na may feelings pa ako sa ex ko.

-

6:56 A.M.

"Akala ko late na tayo. Malapit na pala mag-7." dinig kong sambit ni Lexie at pinatay niya na yung phone niya. Nakapasok na kami sa campus at papunta na kami sa room namin.

"Hindi ah. Maaga pa lang naman." sabi ko.

Kamusta naman kaya pag magkita naman kami? Hindi kaya awkward.

Basta, siya naman nagsasabi sa'kin na huwag ko siyang iwasan at kalimutan nalang yung dare na yun. >< Siya pa nag-eencourage sa akin. Huhuhu. Kaya mahal ko yun eh.

Habang naglalakad kami, may naririnig kaming mga boses ng lalaki malapit mula sa likod namin.

"Ayaw pa kasi sumama ng mga baliw sa'tin! Hindi pa naman tayo late ah!"

"Sayang sila! Hindi sila nakamilktea!"

"Hayaan niyo na yun, mga kj lang sila eh!"

"Bakit parang sina Hyunsuk yun?" tanong sa akin ni Lexie at napatango naman ako. Sila talaga yan!

Kaya tumigil naman kami sa kakalakad at tumingin kami sa likod namin at tama nga kami. Yung Treasure nga. Pero sina Hyunsuk, Jihoon, Jeongwoo, Yoshi, Asahi at Doyoung lang. Nagtama naman ang mga tinginan namin at ningitian naman nila kami. Syempre, we smiled back to them.

ex | jaehyukTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon