Chapter 8: Saving Makki

98 14 8
                                                  

Allyson's POV

I heard a splash after Makki let go of my hand. Nahihirapan at nag-aalalang gumapang ako palapit sa dulo ng bangin. Pagdungaw ko ay nakita kong lumulutang ang katawan ni Makki sa tubig.

Tubig!

But of course! He might be alive.

Ughh. He is alive. He should be. Kakalbuhin ko pa siya!

"Makki..." Hindi ko alam kung naririnig niya ako. The cliff was more than a 20 feet fall. Sa tingin ko masakit pa rin sa katawan kahit na tubig ang binagsakan niya.

Nakita kong gumalaw ang katawan ni Makki pero kinbahan ako bigla ng parang unti-unting lumulubog siya sa tubig.

I started to panic. Tsk. Parang ang tukmol na yun ay walang pakialam sa buhay niya, ah? Gusto na ba talaga niyang mamatay? Hindi ba siya marunong lumangoy?

Lumingon ako sa kaliwa ko. I felt a sudden relief. There was a way to get down there without doing the same thing as Makki did.

There was a sort of stairs-like roots of a tree on my left. Medyo iniangat ko pa ang katawan ko para makita ang baba noon. Walang tubig. I could get down na hindi madadala ng agos ng tubig. Although, the current wasn't that strong.

Tiningnan ko ulit si Makki. Nasa malalim siyang parte malapit sa binabagsakan ng tubig ng talon.

Dahan-dahan akong tumayo. Napaungol ako sa sakit ng katawan ko. Tsk. Nang makatayo na ako ay dahan-dahan kung tinahak ang daan papunta sa parang hagdanang iyon. I slowly get down.

Nang makababa na ako ay tiningnan ko si Makki. May mga pagkakataong lumulubog siya at umaangat.

"Makki!"

Nakita kong parang narinig niya ako kaya luminga-linga siya at nakita niya ako. "Hoy! Ano bang ginagawa mo? Wala ka bang balak na umahon?!" naiinis kong tanong sa kanya habang naglalakad ako papalapit sa tubig.

"Pano ka, hulk, nakababa?"

"Grrr. It doesn't matter."

"Ally..." lumubog siya at muling pilit na umahon. Nagsalubong ang kilay ko. "I can't-"

"What?"

Can't swim?

"Hoy! Hindi ka ba marunong lumangoy? Wag ka na ngang umarte dyan."

"My body... can't," he breathed, "take the current...hulk." lumubog siya ulit.

Shucks.

"I'm too beaten..." sinabi niyang lumubog na naman.

"Naman! Baliw ka ba?"

"Ally, help..." matagal siyang lumubog. Nagmadali na akong lumapit sa tubig. I breathed when I saw his head popped from the water. He drew a heavy breath. "...help me, I'm drowning.

"Wait!" sigaw ko habang pilit na naglalakad sa ilalim ng tubig papunta sa direksyon ni Makki. Ang hirap makalapit sa kanya ng mabilis kasi malalim na, lampas bewang ko na.

"Bakit ka ba kasi nagpahulog!" sermon ko.

"Stop. . .scolding me," sabi niya na nahihirapang iangat ang ulo sa tubig.

Nang nasa dibdib ko na ang tubig ay naghanda na ako para lumangoy. Nakita kong wala na si Makki. Nagkasalubong ng kilay ko.

"Makki!"

I exhaled and I inhaled. I counted in my head. Lumubog ako sa tubig. Ang hirap naman makakita! Ang labo ng tubig dahil sa mga bubbles. Tsk! Umahon ako at nakita ko si Makki na nakakapit sa may bato. Ang layo pa niya. "Stay there!"

No choice. Lumubog ako ulit at lumangoy na ako sa abot ng aking makakaya. Pumaibabaw ako para huminga. Langoy ulit, but this time nasa ibabaw na lang ako, yung hindi na kailangang lumubog pa sa tubig.

"Ally! Di ko na kaya."

"Teka nga lang!" Lumubog na siya at hindi na umahon. Bilis!

"Makki?!" andito na ako sa pwesto niya kanina. Medyo natatamaan ako ng agos ng talon. I inhaled and I plunged into the water. I saw him.

Umahon muna ako ulit para huminga at lumubog na ako. Inabot ko ang kamay ni Makki at hinila ko siya palapit sa katawan ko. Ipinatong ko ang kaliwang kamay ko sa dibdib niya. I pushed us both upward with all my strength. Mabuti na lang hindi masyadong nakakadala ang tubig. Hinila ko na siya papunta sa mababaw.

"Makki?"

Gamit ang isa kong kamay at paa para ilangoy ay paunti-unti kaming napupunta sa mababaw na parte.

I breathed heavily. Ang sakit na ng kamay ko. I pushed us both in the sand. Lumayo ako ng konti kay Makki. I coughed hard, my face down. Lumignon ako kay Makki. Wala pa rin siyang malay. Kinabahan ako. Umupo ako at kinalog ko ang ulo ko. Baka may nakapasok na tubig.

Tiningnan ko ulit si Makki. "Makki..." niyugyog ko ang balikat niya. "Hoy. Gumising ka nga!"

Kinakabahan na ako. Ang putla ng mga labi niya. Di siya kumikilos o humihinga.

Kailangan ko ba siyang i-mouth-to-mouth resuscitation?!

No way!

"Makki! Hoy!" Nilakasan ko ang pagyugyog sa kanya para magising siya.

"Tsk. Tsk.."

"Lord. Magkakasala po ako nito, eh." Bulong ko na tumingin sa kalangitan.

Umayos ka, Ally!

Haay. Sige na nga!

Pero...teka! Mawawala ang first kiss ko!

Asa ka pang magiging first kiss yan! I-rerevive mo lang siya!
-other side 2

"Okay fine, okay fine..."

Lumunok ako. Pano nga ba kasi yun? Naman, wala pa akong experience sa pagrevive.

No choice, again. Lumapit ako sa mukha niya.

Go Ally, kaya mo 'yan! Aja!
-other side 1

5 inches....

3 inches....

OH no!

Nanlaki ang mata ko ng biglang nagmulat ng mata si Makki.

"You really want that kiss, huh?" his voice was strained but it was also laced with amusement and mischief.

"Tse! Baliw ka talaga!"

Kasabay no'n ang pag-ubo niya sa nainom na tubig.

"I'm glad you're fine..." sabi niya sa nahihirpang tinig.

"I hate you!" angil ko. Lumayo ako sa kanya.

I sighed. Wala ang kiss. Sayang! Lol. Landi mats.

Ano ka ba, Ally? Ikaw ang sira!

"Don't worry...you'll get your kiss," aniyang ngumiti ng nakakaloko. Nanghihina pa rin siya.

"Tse! Ewan ko sa 'yo!" sigaw ko at umusog ako palayo sa kanya.

"Thank you..."

-

A/N: Pangalawang update! 😊

Salamat sa nagbabasa nitong story! Nagtataka ako kung bakit napansin niyo. Haha. I mean, almost 4 years old na kasi 'to. Kung mapapansin niyo, maraming reads agad kapag nagpupublish ako ng isang chapter. Matagal na kasi 'to. Dalawang beses ko ng in-unpublish para irevise. Ito na yung pangatlong pag unpublish ko. 😂 And I'm sure last na. (Hopefully lol). Tatapusin ko 'to kasi mahal ko sina Allyson at Makki. Haha!

Tapos na ang story sa isip ko, tamad lang talaga si otor para magsulat. Naka-45 chapters na 'to. Unsatisfied kasi ako sa mga una kong na-publish. I mean, daming typos and ka ek-ekan sa story na to noong first year college palang ako. Ayun, panay revise ko. Isang taon mahigit ko rin 'tong pinabayaan kasi busy sa school. Pero ito na, itutuloy ulit. Sa mga taong patuloy sa pagsuporta nito, mahal kita! Epic ang patience mo. Mwah!

Sorry, ang ingay ng lola niyo. Huhu. See you sa next chapter, sa Sunday. 😊😘

Help, Nalulunod Ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon