Monster ♂ Chapter 37

Third Person's POV

"Pare, tama na ‘yan." awat ni Jonas kay Saturn na patuloy pa rin sa paglaklak ng alak.

Nakakarami na siya ng inom at hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong tumigil. Napansin nilang nitong mga nakaraang araw ay bumalik na naman ito sa kanyang mga bisyo, ang paninigarilyo at pag-iinom. Isama na din ang madalas na pakikipag-away. Natutuwa sila noon dahil nawala na ang mga bisyo niyang ito simula nung makilala niya si Chloe pero ngayon ay bumabalik na naman siya sa dati.

Sobrang laki ng pinagbago ni Saturn noong nakilala niya si Chloe kaya ngayong sobrang komplikado na ng lahat ay ito na lang ang ginagawa niya para maibsan ang labis labis na sakit na nararamdaman niya. Ito lang kasi ang paraan na alam niya para makatakas sa sakit kahit na panandalian lang.

"’Wag niyo nga akong pigilan!" sigaw nito sa kanya.

Dumating naman si Wesley at tumulong sa pag-awat kay Saturn. Sobrang dami na talaga niyang nainom na halos hindi na siya makabuo ng salitang sasabihin niya at parang konti na lang ay pipikit na ang mga mata niya. Buong araw na itong nag-iinom at wala pa ring pahinga. Hindi na sila magtataka kung isang araw ay magkasakit na lang si Saturn.

Naaawa sila sa kaibigan. Hindi naman ito ganito noong iniwan siya ni Kath, sobra niya talagang mahal si Chloe para magkaganito siya.

Muli na namang kumuha ng panibagong bote si Saturn at sa pagkakataong ito ay inagaw na ito ni Wesley.

"Tama na ‘yan, Saturn. Itigil mo na ang ginagawa mo dahil hindi ito makakatulong sa lahat ng pinagdadaanan mo!" 

Tumayo si Saturn at nilapitan niya sa Wesley. "Wala kang alam sa nararamdaman ko. Hindi mo alam kung gaano k-kasakit" pumiyok na sya sa huli dahil nagpapaunahang tumulo ang luha nito at kitang-kita mo sa kanyang mata na sobra siyang nasasaktan. Gusto nilang tulungan si Saturn pero hindi nila alam kung papaano.  “M-Mahal ko siya. K-Kaya kong balewalain ang fact na kapatid ko siya, ‘wag niya lang akong iwan.”

Bago sa kanilang paningin ang ganitong sitwasyon ni Saturn. He’s so wasted. Halos hindi na nga nila makilala ang kaibigan. Maitim ang ilalim ng kanyang mga mata, tumutubo na din ang bigote at balbas niya dahil hindi na siya nakakapag-shave, pumapayat na din ang kanyang pangangatawan at gulo-gulo ang kanyang buhok na para bang hindi na niya inaabalang suklayan pa

Pinanood lamang nilang dalawa si Saturn at hinayaang magpatuloy sa pagsasalita.

“A-Ang sabi ko sa kanya, mahal ko siya p-pero hindi daw pwede. Tangina, sa palagay niya ba ay may pakealam ako kung kapatid ko siya o hindi? Gusto ko siyang makasama! Siya lang ang gusto ko! Mahal na mahal ko siya!”

Napapikit nang mariin si Wesley at huminga siya nang malalim.

"Umuwi na muna tayo, Saturn. Magpahinga ka na muna." ito na lamang ang nasabi niya.

Mahirap din para sa kanila na makita si Saturn na nasasaktan at nahihirapan. Noon pa lang ay magkakasama na sila kaya kapag nasasaktan ang isa, makakaramdam din sila ng sakit para sa isang nahihirapan. Parang magkakapatid na ang turingan nila kaya hindi nila kayang palampasin na lang ito.

Buti na lamang ay pumayag agad si Saturn. Iniuwi na muna nila ito sa condo niya at hinintay nila itong mahimasmasan.

Nag-antay na lamang sina Wesley at Jonas sa may living room habang tulog na tulog si Saturn sa kanyang kwarto.

"Naaawa ako kay Saturn." sabi ni Jonas.

Nagpakawala na naman si Wesley ng malalim na hinga. "Hindi dapat natin ipakita sa kanya na naaawa tayo dahil pinakaayaw niya ‘yun sa lahat. Alam nating sobra siyang nasasaktan pero anong magagawa pa natin?"

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!