CHAPTER 8

14.4K 473 55
                                    

Di makapaniwalang napatawa ako. I look at him seriously. "Then why did you do it?" Kumunot ang kanyang noo sa aking sinabi.

"Emperor Luther Clyde Hawthorn, as your Concubine, I order you to answer me." His expression became dark.

"You can't order m-" Hinawi ko ang kamay mula sa pagkakahawak nya. Mariin ko syang tiningnan.

I felt a strong bloodlust inside me. "Why did you do it?" Ani ko sa mahinang tinig. "Why did you kill Amara?! If you really love her, why did you fucking do it? She trust you pero nagawa mo syang traydurin? What a great Emperor." Napangiti ako ng mapakla.

Hindi ko napigilan ang sarili. Nalaman ko na ang lahat. Luther poisoned Amara's body dahilan upang mamatay ito.

Base sa alaala ni Amara ay may isang katulong na pumasok sa kanyang silid. May dala-dala itong pagkain, she said that the Emperor personally bought the food for her. At dahil nga masyadong malalim ang pagkakagusto ng dating may-ari ng katawang ito ay tinaggap nya ito agad.

Dahil dumaan ako sa training bago maging assasin ay nalaman ko na agad kung anong lason ang inilagay sa pagkain. It's a ricin. Ricin can be found naturally in castor beans, at pag napisa ang castor beans ay magrerelease ito ng isang poisonous substance, that's called Ricin.

Marami ang nakain ni Amara kaya mabilis na humalo sa buong katawan ang lason. Pagkabukas ay unti-unti syang nakakaramdam ng pagkahilo at pag-uubo, hindi nya ito binigyang pansin. Hanggang sa umabot ang ilaw araw at bumigay na ang kanyang katawan. That's the reason why she died and why I ended up here in her body.

Ngunit may pagtataka pa rin ako, bakit sinabi ng katulong na ang Emperor ang nagpadala nito? If the Emperor really wants to kill Amara, he wouldn't risk telling his identity.

Bumuntong hininga ako, masyadong nakakastress. I need to leave this palace as soon as possible.

Parang naguguluhan pa rin ang Emperador sa aking sinabi, as to why am I talking like that na parang hindi ako si Amara.

I'm not her.

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para humakbang papaatras mula sa kanya. "Let's end this here. Divorced or not, aalis ako bukas na bukas sa palasyo." Pagkatapos ay tinalikuran sya.

Wala akong narinig na anuman mula sa kanya, I gracefully closed the door. Napangisi ako nang makarinig ng pagkabasag sa loob.

Paglingon ko sa paligid ay hindi ko na mahanap si Drake kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Asan na naman nagsususuot yung lalaking yun?

Naalarma ang mga gwardya sa ginawa kong pagpasok sa dungeon ngunit mabilis ring napatulala.

Men and their hormones.

Tinungo ko ang seldang nasa pinakasulok na bahagi, malamig kong tiningnan ang nakabantay na gwardya. "Open up."

"Concubine, pinagbabawal nang pangalawang-" Hindi na nya natapos ang sasabihin nang itinutok ko ang nakatagong dagger sa kanya. He gulped.

Ngumisi ako. "Bubuksan mo o makikipagmeet and greet ka kay kamatayan?" Mariin kong sabi.

Nanginginig syang tumango at dali-daling binuksan ang seldo. Inilibot ko ang paningin at nahagip nito ang babaeng nakangangang tumingin sa akin.

Maya, yung dating katulong ni Amara. Sinenyasan ko syang lumapit, sumunod naman sya.

Naiiyak syang yumuko. "C-concubine Eliazar, patawad at hindi kita napagsilbihan." I looked at her boredly.

"Maya, I'll give you a hundreds of gold. Aalis ka sa palasyo at magbagong buhay." Walang preno kong sabi. Her eyes widened.

Ang isang pirasong ginto ay katumbas na ng isang daang pilak. Maari na syang magnegosyo at gumawa ng mansyon gamit ang perang ibibigay ko.

"L-lady, I won't leave you." Naiiyak nitong sabi. Napabuntong-hininga ako, she's really loyal to Amara.

"Aalis din naman ako sa palasyo, wala akong planong magdala ng katulong. Wag mo akong alalahanin, I can fully take care of myself." Nanatili lamang itong tahimik.

Lumabas ako ng dungeon kasama sya, rereklamo pa sana ang gwardya ngunit pinagbantaan ko ito.

Sa paglabas na paglabas namin ay sumalubong sa akin ang isang nakakainis na mukha. "Buhay ka pa pala? And who gave you the permission to free that wench?" Tukoy ng pangalawang Concubine kay Maya. Nakita ko pa ang pagtaas ng kilay at pag-irap nito.

A typical bitch.

"Move." Malamig kong sabi kay Zaya. Her eyes widened.

"What?!"

"I said move, nakaharang ka. You see, nagmamadali ako at wala akong oras upang makipag-usap sa mga katulad mong walang ibang ginawa kundi magpaganda." Nakangiwi kong tiningnan ang makapal nitong make-up at nilampasan ito. Napasinghap rin si Maya sa aking ginawa.

Tumabi sya sa akin. "You're so cool my lady! Halatang napikon si lady Zaya." Masayang sabi nito, proud na proud pa.

Ngayon nya lang kasi nakitang sumagot pabalik ang kanyang amo. The past owner of this body is a tymid and shy girl, malamang hindi ito sanay makipag-trashtalkan.

"My lady!" May mabilis na humablot sa aking braso at sinampal ang kabila kong pisngi. The slap echoed in the hall.

Hinawakan ko ang sumasakit na pisngi at blangkong nilingon si Zaya.

Galit nya akong dinuro. "How dare you talk like that to the future Empress?" Napangiwi ako sa lakas ng kanyang boses.

Future Empress my ass. Sorry dear, wala akong sinasanto.

"Pasalamat ka hindi ako nananampal.." Ngisi kong sabi bago malakas na sinuntok ang kanyang mukha dahilan upang mapaupo at mahimatay ito. "Nanununtok lang." Hinimas ko ang sumasakit na kamao, ang tigas ng pagmumukha ng babaeng ito.

Nilampasan ko ang nakangangang si Maya, pararating na ang kasamahan ni Zaya kaya sila na ang bahala sa kanya.

"Concubine Eliazar, kailan ka pa natutong manuntok?!" Hindi ko namalayang nakasunod na pala si Maya sa akin.

"The day I saw her face." Tukoy ko sa nahimatay na Concubine.

I wonder kung nasaan ang unang Concubine. Base on Amara's memory, madalang lang itong magpakita. Such a mystery.

Hindi ko na pinatagal at ibinigay ko na kay Maya ang gintong pinangako ko, hindi nya pa sana ito tatanggapin ngunit hindi ko sya pinakinggan. Bukas na bukas ay aalis na rin sya sa palasyo.

Same as me.

Pumasok ako sa aking kwarto at natagpuan ang nakasimangot na si Liza. Nang makita ay lumapit ito sa akin at yumuko. "Gusto mo na po bang maligo, Concubine?" I nod dahil naiinitan na rin ako.

"Liza, pack my things. I'll leave the palace tomorrow." Napahinto ito sa ginagawa.

Hindi na lang ito nagsalita at ipinagpatuloy ang ginagawa. I'll also give liza some money sapagkat iiwan ko sya dito at hindi maisasama.

Hindi na kailangang magdivorce kami ni Luther. Wala naman akong planong mag-asawa ulit.

I'll be his runaway Concubine starting tomorrow.





Another Life As The Emperor's ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon