Kabanata 13

169 9 7
                                        


Sienna's POV

Mom called me to go home. Pagdating ko sa harapan ng bahay namin ay napahinto ako sa labas. Bumaba ako ng kotse.

Napatakip ako ng bibig, "This is Kane's car. Anong ginagawa niya dito?" tanong ko. I roamed my eyes, wala siya. Sinilip ko ang loob ng kotse niya pero wala akong nakitang Kane. I nibbled my lower lip. Napahawak ako sa noo ko at muling hinanap sa paligid. I tried calling his phone, and there I heard it inside his car.

Iniwan ko ang kotse ko sa labas ng bahay at patakbong pumasok sa loob. Sa sobrang hiya ko ay hindi ko kayang harapin siya muli. Kaya siguro siya pumunta dito sa bahay. Gagabihin dapat ako dahil nasa theater ako, nanonood when mom suddenly call that she wanted me to go home right at the moment.

"Sienna!" I heard mom's voice. Napalingon ako sa kaniya, "Engineer Gomez is here," she said strictly. My jaw dropped. Anong ginagawa niya dito sa bahay? "Maghintay ka sa dining, kakain na tayo," utos niya.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng dining at nakita siyang nakaupo sa harapan ng mga kapatid ko.

Kumunot ang noo ko, "Kane, what the hell are you doing here?!" I asked loudly.

Napalingon siya sa 'kin. Napangiti siya nang makita ako paparating.

Parang natunaw naman ang puso ko sa mga ngiti niya kaya nanlambot ako at hindi rin natagalan na mainis. Tumayo siya mula sa kinauupuan at huminto ako sa harapan niya. Napalabi ako, ilang araw kong tiniis na hindi siya makita kaya ngayon nagdiriwang ang dugo na dumadaloy sa ugat ko. Nagha-hype ako.

Biglang humarang sa paningin ko ang isang mabangong bulaklak.

"Your mom told me to come inside, I'm sorry If I am here without telling you," he said sincerely.

Napayuko ako at tinanggap ang bulaklak na binigay niya. I stared at it and smile. I don't like flowers but this is the most special flowers I got.

"Sorry din kung ilang araw kitang hindi pinansin," nahihiya kong sagot. Hinawakan niya ang pulsuhan ko saka hinaplos ang likuran nito gamit ang isang daliri niya.

"It's fine, it doesn't matter to me."

Sa sobrang haba ng pasensya niya sa 'kin. Dapat maging thankful ako.

Rhyker cleared his throat loudly.

Napabitaw si Kane sa 'kin at ipinanghila niya ako ng upuan.

I glared at Rhyker. He rolled his eyes at me. Dumako ang tingin ko kay Phoebe na nakaupo sa wheelchair niya. I gave her a smile but I received a snob.

Umupo na ako sa tabi ni Kane, "Thank you, Kane," I whispered.

Pagkatapos naming kumain ay biglang nagsalita si mom, "I didn't know that you are this close," she said.

Huminga ako ng malalim. Kumuha ako ng lakas ng loob. There's no holding back of feelings anymore. I like him too kaya kailangan ko ring iparamdam sa kaniya 'yon.

"Actual-" I cut him off.

I closed my fist, "Mom, dad, me and Kane are dating," I announced. Napatingin si Kane sa 'kin. May gulat sa ekspresyon niya. I gave him a satisfying smile.

Rhyker pointed dad using his fork, "Dad, I told you! Give me my prize," sabi niya sa harapan naming lahat. I stared at dad. Napangisi siya sa 'min.

"Phyton? Did both of you bet on your daughter's relationship?" mom asked angrily.

Napakamot ng ulo si dad. I laughed secretly.

Napailing na lamang si mom sa kaniya. Dad winked at me.

DS #5: Sienna x KaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon