Namamangha ako as in sobra. Biruin mo, napakatagal na nitong puno na 'to pero napakaganda pa rin niya tapos yung mga dahon ay malago pa rin.

"Gusto mong umakyat?" tanong naman nitong Amo ko.

"Pwede ba?" tumango lang sila pareho. Dali-dali ko namang tinanggal yung helmet ko at inabot kay Kiel yung phone ko.

Alangan namang sa boss ko iabot diba? Sinama na nga ako dito gagawin ko lang photographer. "Tour guide slash Photographer kita ngayon." sabi ko sa kaniya. Tatawa tawa naman niyang tinanggap.

"You can climb at at least 3 meters high and that's the limit." paalala nitong boss ko habang inaalalayan ako.

Nakakaramdam na ako ng hiya sa totoo lang. Jusko! Para naman kasing hindi ako employee.

Nakaramimg shots din si Kiel sa akin at lahat napaganda ng kuha.

"Magaling ka palang kumuha ng litrato." nakangiting papuri ko.

"Hmm... Depende kapag maganda ang model HAHAHAHA" loko talaga 'to kahit kailan.

Picture dito, picture doon. Naglibot pa kasi kami. May mga picture akong kasama si Sir Kell, may picture din na kasama si Kiel pero syempre may picture kaming tatlo.

Ako pa nga nagtatawag ng ibang tao para makuhanan lang kami HAHAHA ayaw pa ngang magpakuha nitong Amo ko nahihiya daw siya pero hindi ako pumayag.

May picture nga din kami sa cellphone niya. Bigla niya kasi akong tinawag tapos edi lumapit naman ako kasi akala ko may iuutos. Nagulat na lang ako ng bigla siyang dumikit sa akin - as in yung sobrang lapit tapos sabay sabing "say cheese" hindi pa nga pinipick up ng buong kalamnan ko yung nangyari e pinindot niya na agad.

Tawang-tawa pa nga siya dahil sa naging reaction ko. "Prim, look! Seems like you see a ghost in front of you!" tumatawa pa rin niyang sabi.

Bago pa nga umalis yun hindi pa tumitigil sa pagtawa pero in fairness ha ang ganda niyang tumawa. Bagay sa kaniya HAHAHA mas lalo siyang nagiging gwapo.

"I need to go." sabi ni Kelleon sa amin at sumakay na sa bike. "Take care." nakatingin siya sa akin bago umalis.

Tinanaw muna namin siya bago namin napagdesisyunan na umalis halos 7 kilometers pa ang papadyakin namin para makapunta sa falls na sinasabi niya.

Kakain pa nga dapat kami kaso parehas kaming walang dalang pera. Balak pa nga ni Mokong na isangla itong camera para makakain lang.

Sabi ko sa kaniya kanina. "Ano ka sinuswerte? Neknek mo! Regalo 'to sa akin ni Mama nung graduation tapos isasangla mo lang para makakain ka." pagsusungit ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag at tatawa-tawa na lang.

Napakamasiyahin nito tapos humble and very down to the earth pa. Naalala ko tuloy yung tanong ko sa kaniya kagabi.

Napakaswerte nung babaeng gusto niya ngayon, No- scratch that word. Both of them are lucky to have each other.

Bigla naman niyang binilisan ang pagpedal dahilan para lumayo ang agwat namin. Ang sakit na ng tuhod at binti ko sa totoo lang.

Gusto ko ng bawiin yung pagmamayabang ko sa kaniya kagabi.

Kapag binibilisan ko yung pagpadyak ko para mahabol siya e mas lalo rin niyang binibilisan! Kaya ayun! Ang ending namin e karerahan.

Both of us panting ng makarating kami sa sinasabi niya. Napalingon ako kung saan yung ba yung falls yun pala kailangan pa naming akyatin.

Nangangatog na tuhod ko! Paano ba naman kasi sinabayan pa ng gutom. Hindi pala ako nakakain kagabi masyado akong naaliw sa tabi ng dagat.

"Akyat na tayo or mamaya-maya?" pagtatanong niya pa sa akin. "Kaya mo pa ba?"

Umiinom ako ng tubig ngayon kasi sobra ring natuyo ang lalamunan ko. "Pft! Wala ka pala e ang yabang yabang mo pa kagabi."

"At least nakasurvive ako sa pagpunta dito." I rolled my eyes.

"Pagpunta pa lang dito yun, uuwi pa tayo." nginisian niya naman ako. "Mahigit isang oras pa ho ang papadyakin natin mamaya."

"Alam mo halika na, akyat na tayo." pag-aaya ko sa kaniya.

Nauna siyang umakyat para daw maalalayan niya ako. Pagdating namin doon e nagpahinga lang siya saglit.

Magbabasa daw kasi siya sakto pa nga ang pagpunta namin kasi walang masyadong tao ngayon.

Kinuhanan ko siya ng litrato nang patago HAHAHA kaso medyo tanga ako sa part na aksidente kong nabuksan yung flash nitong smartphone camera.

"Alam mo Prim pwede mo namang sabihin na gusto mo akong picturan." sabi pa niya at nagpapapogi.

"Asa ka! Binuksan ko lang flash light ko dzuh!" pagpapalusot ko.

"Ayaw mo ba talaga? Ang sarap sa pakiramdam, subukan mo." umiling lang ako. Sa susunod na lang kapag may pagkakataon.

Halos inabot ng 30 minutes ang pagbabad niya sa talon. Ayaw pa nga atang umahon nakaalala lang siguro na may kasama siyang naghihintay sa kaniya.

"Dapat kasi nagdala ka ng pera." sabi niya nung makababa kami.

Ay wow! Parang kasalanan ko pa. Atsaka may patago ba siya sakin?

"Nagugutom na nga ako sinabayan pa ng pagka-uhaw." bumubuntong hininga pa siya. Yung totoo? Nagpaparinig at nagpapaawa na lang ata 'to e.

"Kawawa naman ako." confirmed! Daming arte sa katawan jusko.

Inabot ko na sa kaniya yung tumbler ko. May laman pa namang tubig yun. Nakakarindi puro parinig HAHAHA.

"Hulog ka talaga ng langit, Prim! Napakabait mo!" agad naman niyang nilagok yung tubig.

"Napakabolero mo!"

String AttachedМесто, где живут истории. Откройте их для себя