Kane's POV
Napapakamot ako ng ulo habang nagtitipa ng report tungkol sa progress ng ginagawa naming building dito. Every month we have this meeting and to report the works we are doing. Bumuntong-hininga ako bago pinatay ang computer sa harapan ko.
I groaned loudly, "Stop staring, chairman!" I said. Kanina ko pa siya napapansin na tumitingin sa gawi ko. I can't work like this, I can't concentrate, "Hindi ako pumayag na dumito ka para istorbohin ako."
She pouted her lips while holding her phone, "Hindi naman kita pinapakialaman diyan. Quiet nga lang ako, e," sagot niya sa 'kin.
"I can sense your stares," I replied. Napahilamos ako ng mukha. Hindi ko na hanggang dito makakasama ko siya. Wala na talagang araw na hindi ko siya kasama, "Can you please give me at least one peaceful day?" I asked her while forehead creasing.
Binaba niya ang mga paa sa sahig at umayos ng upo sa swivel chair ko. Yes, that's mine and I am now sitting in monoblock.
Nagpakawala siya ng matamis na ngiti. Dahan-dahan niyang iniling ang kaniyang ulo, "I can't, wala akong ginagawa sa office. Wala rin akong makausap," paliwanag niya. Napamasahe ako sa noo ko. A headache again. I took a deep breathe.
"Hindi mo rin naman ako makakausap dito. I have work to do," I responded. Nanatili akong nakayuko at minamasahe ang ulo ko, "Hindi ba sabi mo natanggap mo na ang lines mo? You can practice that, para naman may gawin ka." I suggested.
Bumukas ang bibig niya habang masaya ang mukha, "That's a good idea, Kane!" masigla niyang wika.
Napangiti ako. Thank, god!
"Dadalhin ko na lang dito bukas," dagdag niya.
Mabilis na nalusaw ang mga bitin kong ngiti. I can't believe this.
"I mean," I am trying to explain my point, "You can practice with the cast...or with your tito para alam nila kung ano pa ang mga--uhmmm...mga dapat mong i-improve," I composed my smile. I breathe in confidence and truthfulness, "So you could have better acting skills," I told her. Napabuga ako ng malakas na hangin mula sa baga ko. Napapunas ako sa noo ko sa mumunting butil ng pawis na namumuo dito.
Nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin at parang tinatantya ang kani-kanina lang ay sinabi ko, "Oh! Shoot!" she clapped, "Yeah, you have a point, Kane. Dapat I put myself on it," she punched her palm with braveness. "Dapat I will have interactions with my co-actors, 'di ba?" she asked me. Her head bounced.
I slowly nodded my head for agreeing. Napatingin ako sa mga mata niya.
There is something in her that I couldn't explain. It's maybe, she can hide what's really inside her. Palagi niyang pinagtatakpan ang hindi magagandang sinasabi ng iba at ang pinaparamdam nila sa kaniya. Nagkukunwari siyang hindi niya ito nararamdaman at narinig.
Tumayo siya mula sa kaniyang upuan. Her lips rose because of hapiness but her eyes are gloomy, "Where's my bag? Oh, ando'n pala siya." She's trying to sound cheerful.
Napatampal ako ng noo kasabay ng pag-iling.
She picked up her pink bag and wear it, "Sige, I'll prepare for tomor-"
I cut her off, "Stop," I said. Napahinto naman siya at mabilis na humarap sa 'kin. She raised her brows at me, "Hindi mo kailangang magpanggap."
"W-What? What are you saying?"
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis, "Hindi sa lahat ng oras ay puwedi mong itago ang totoong nararamdaman mo. Hindi ka rin magiging masaya sa pagpapanggap mo na masaya kahit may mga masakit kang salita na natatanggap mula sa iba," wika ko. Unti-unting nawawala ang mga ngiti niya. I caught her. Humigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag na tila ay wala nang mapagbubuntungan ng sakit.
BINABASA MO ANG
DS #5: Sienna x Kane
RomanceSienna is a sassy girl. A daughter of a CEO and Engineer. She loves singing and never been in her dream to become one of her parents. All of her performance are dedicated to the person who always sick- Phoebe, she is her sister and number 1 fan. He...
