Excited na talaga kasi akong mag-outing! Huling punta ko ata sa mga beach 2 years ago pa.

Nagswimsuit rehearsal pa nga ako kagabi bago matulog. As in lahat ng dala ko ngayon siniyasat ko muna HAHAHA hubadera kasi ang ate niyo.

"May mali po ba sa suot ko?" tanong ko. Sabi kasi ni Mia maganda daw at bagay sa akin.

"Uh-uhm... Nothing." iniba niya na yung direksyon ng tingin niya ngayon. "It look goods on you." namumulang sabi niya.

"T-thank you po, Sir." nahihiyang sabi ko. "Bagay din po sayo yung suot mo ngayon."  syempre hindi pwedeng puro ako na lang ang laging napupuri 'no. Baka lumaki na masyado ang ulo ko.

"Let's go?" he asked and I just nodded.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ng biglang may tumawag sa akin. It was Mia.

"Prim! Yung maleta mo!" sigaw pa niya at nagmamadaling tumakbo. "Tinamaan ka nga naman nang ano oh!" sesermonan na naman ako nito.

"Ehem." pekeng ubo nitong Amo ko.

"Oh... Hi! Hehe." ito na naman siya. "Ang pogi mo po pala sa personal kaysa sa naiimagine ko tuwing nagkukwento sa akin itong si Prim."

Nginitian lang naman siya ng Amo ko tapos sumakay sa sasakyan.

"Tama nga ang sabi mo, masungit nga." Napatawa na lang ako. Ayan kasi papansin masyado HAHAHAHA.

.

.

Sa kalagitnaan nitong biyahe namin ay biglang tumawag si Mama sa akin kaya sinagot ko naman.

Buti na lang may signal pa 'tong sim card ko. Minsan kasi kapag nasa byahe ako ay nawawalan.

"Nasaan na kayo anak?"

"Nasa byahe pa rin po mama."

"Ayos ka naman ba? Hindi ka naman siguro nahihilo?" pag-aalala niya pa sa akin.

"Ma, don't worry. Ayos pa ako sa ayos." I smiled at her para naman hindi na siya gaanong mag-alala pa.

"May mga medicine ka bang dala? What about aid kits?"

Napatawa na lang ako. Napakaswerte ko talaga kay Mama kahit hindi kami nakumpleto.

"Si Mama naman e. Mas lalo ko lang po kayong namimiss dahil sa ginagawa niyo."

"Who's that?" nagulat na lang ako ng simingit ito. Akala ko ba tulog siya!

"A-ah Mama ko p-po."

"Amo mo ba yun anak?" tumango na lang ako. "Pwedeng makita?"

"Ma naman!" binigyan ko agad siya ng tingin na hindi pwede! Jusko naman.

"Yeah, sure. Iharap mo sa akin Miss Prim." napalingon ako sa gawi ni Sir. Inaayos niya na yung upo at damit niya. "Hello po, good morning."

"Hi po, Sir!" masiglang bati ni Mama. "Anak totoo nga ang mga kwento mo! Ang pogi nga talaga nitong Boss mo!"

Parang gusto ko na lang magpababa dito sa tabi sa sobrang kahihiyan. Kailangan ba talaga nila akong ibuking? 2 strikes in a row pa talaga.

"Can I borrow your phone for awhile?" he asked.

Napakunot noo naman ako. "Bakit po sir?"

"Your mom wants to talk to me." sagot niya. "Kung okay lang naman."

"Sige na, anak! Saglit lang naman." Tumango na lang ako. Tungkol saan naman ang pag-uusapan nila aber?

He connected his pods on my smartphone. Naks naman parang ayaw talagang may makarinig ng usapan between him and my mom!

"I will, Ma'am."

"Don't worry po."

"It was my pleasure to be trusted by you, Ma'am."

"Okay-okay."

"5 to 6 hours po ang biyahe papuntang Aurora baka po 1 to 2 o'clock in the afternoon."

Siguro sinasabi ni Mama na bantayan ako nitong Amo ko. Feeling ko lang naman pero malay mo diba? Jusko talaga naman.

"What is it- Oh? Okay po."

"Around 8 in the evening po."

"I will, Ma'am. Thank you."

Binalik niya na sa akin yung phone ko, akala ko wala ng balak e. Ang tagal ba naman nilang mag-usap.

"Ano pong napag-usapan niyo?"

"Nothing."

Nothing?! Really?! Halos mag-init na tong phone ko tapos nothing lang ang isasagot sa akin?

'Wow! Just wow!'

Sumandal lang ako sa bintana at tumingin doon. Nakakamiss ang buhay probinsya sa totoo lang.

Bukod sa sariwang hangin, sa mga magagandang tanawin ang pinakanamiss ko talaga yung murang bilihin!

"Do you know how to surf?"

Surf? GoSurf? HAHAHA corny.

"Of course." nagmamayabang na sagot ko.

"Really?" he asked with amazed. "Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin?"

"Marami pa po." nakangiti kong sabi habang nakatingin pa rin sa labas. "Kailangan ko lang mag-explore pa."

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tatango-tango na lang siya.

.

.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Yinuyugyog daw ako ng napakatagal nitong Amo ko bago ako gumising HAHAHA.

Nauna kami dito sa Aurora. May dinaanan pa daw kasi yung magulang nitong si Kelleon.

"You will be staying at my room." tinuro niya naman sa akin kung saan ito banda.

"How about you, Sir?" tanong ko.

Nandito kasi kami sa bahay nila, dito na lang daw kami mag-stay habang nagbabakasyon.

"At my brothers room."

Magtatabi sila ni Kiel? Para pa namang aso't pusa itong dalawa HAHAHA.

"Hindi ako sa kwarto ni Kiel." sabi pa niya.

Wait-what?! Nababasa niya ba ang mga iniisip ko?

"Ang lakas mo bumulong. That's all."
Napatakip na lang ako sa bibig ko. Ganoon na ba ako kadaldal HAHAHA

String AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon