Kabanata 12

221K 4.8K 287
                                    

[Yuka]

"Bagong branch ba 'to ng Toy Kingdom? Bakit ang daming stuffed toys?!" sigaw na tanong agad ni Dennis pagdating na pagdating pa lang nito sa Silver Cage. Napalakas talaga ng boses!

Kasunod nito si Jasper na napatigil pa sa pagkagat sa hawak na burger.

"Don't tell me na padala na naman 'to ng mga fans ko?" problemado agad nitong tanong. Napaka-feelingero talaga! Pero bago pa nila malapitan 'yung mga laruan ay nakapamaywang na 'kong tumayo at hinarangan sila.

"Walang bagong branch ng Toy Kingdom at mas lalong hindi galing ang mga 'to sa mga babae mo, Mr. Perez." Malapad ko silang nginitian. "These...are all mine."

Kinwento ko sa kanila 'yung tungkol sa date namin ni Daryl last Saturday at kung papaano namin napanalunan ang lahat ng 'to. Dito ko na lang napagdesisyunan na dalhin ang mga 'to dahil alam niyo na, daig ko pa ang nakikitira sa sarili naming bahay. Seryoso ako sa pagpapaliwanag kina Dennis at Jasper nang biglang hinatak ako ni Daryl pabalik sa tabi niya.

"What do you want later for lunch, hmm?" malambing niyang tanong sabay halik sa pisngi ko. Napakibit ako dahil nakiliti ako tapos 'yung dalawa naman ay biglang lumabas ulit ng pinto.

"Hubby, 'di ako pwedeng mag-lunch. May tina-try ako ngayon na fasting. Nakita ko sa internet mabilis daw pampaliit ng tiyan."

"Bakit ka magpapaliit ng tiyan?" salubong ang kilay na tanong niya.

Nakanguso akong tumagilid ng konti para harapin siya. "Masikip na 'yung mga pantalon ko, ihh. At saka tignan mo 'to." Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa tiyan ko. "Dalawang layers na 'yung bilbil ko oh."

Pinisil niya ang mga ito ng dalawang beses. "This is just okay even if it take three more layers ," aniya na parang hindi big deal. Pagkatapos ay niyakap niya ang kanyang mga braso sa baywang ko. "Bili na lang kitang bagong mga pantalon."

"Ayoko nga. Ang dami-dami kong pantalon, eh. Kailangan ko lang ng konting sacrifice."

"Shut up. I don't want you starving yourself."

"I won't starve myself. Magkakaroon lang ng proper time 'yung pagkain ko."

"So? The proper time for lunch is at 12nn. You'll eat with me at 12nn—no fucking buts."

At tuluyan na 'kong walang nagawa pa kundi itaas ang puting bandera nang dalhin niya na 'ko sa resto ni Mr. Chili. Pumasok kasi ako nang maaga kanina sa school kaso pagdating ko sa room walang tao. Kung hindi pa 'ko tinawagan ni Daryl na susunduin niya 'ko hindi ko pa malalaman na half day pala kami today! Huhu. Yung mas updated pa 'yung boyfriend ko sa schedule ko kaysa sa 'kin!

"You must submit your paper before Christmas break, do you all understand?"

"Yes, Mr. Far!" we all responded. Grabe ngayon ko lang naramdamang magpapasko na! Sobrang busy kasi namin at hindi ko na namalayang malapit na 'yung dalawang paborito kong araw.

Ang araw ng mga patay at araw ng pasko. Hihi.

"Tandaan niyong dito nakasalalay ang 30% ng inyong grades blah blah blah...." Wala akong naintindihan sa pinagsasabi ni Mr. Far pagkatapos kong mabasa ang text na natanggap ko.

From: Hubby

-Look outside.

Napaawang ang bibig ko pagkakita ko sa kanyang nakatayo sa 'di kalayuan at kumakaway na parang ewan. Kala niya ba cute siya? Para siyang 'yung mga pan-display na chinese cat sa mga tindahan.

Hindi na 'ko nakapag-focus pa lalo sa sinasabi ni Mr. Far nang lumapit pa siya ng pwesto. Daan siya nang daan sa tapat ng room namin kaya parang malalaglag 'yung puso ko sa kaba na baka may makapansin sa pinaggagagawa niya! Napapa'no ba 'tong lalakeng 'to?! Pinandilatan ko siya ng mata pero tinaasan lang ako ng kilay ng bwiset. Aalis siya saglit tapos babalik ulit after lang ng ilang segundo.

BGS #1: Secretly In a Relationship with a Gangster (Book 1 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon