Sumasakit ulo ko jan kay Candy. Daming arte sa katawan. Di naman ganun kalala noon. Lumabas na ata ngayon lahat ng kaartehan niyan e.

"A-Ano ba yan. Ano ba laman nito, Dee?" tanong ni Lucas habang binababa yung maleta ni Candy.

"Mga damit ko, duh!" sabe ni Candy. Napa tsk nalang ako.

"Hayaan niyo na nga yan. Tara na. Malapit na mag-7 oh." sabe ni Rain. Siya ang driver namin ngayon.

"Okay. Tara na." masayang sabe ni Candy. Kami bwiset na kakahintay jan. Halos 2 oras yan nag-ayos.

Pumasok na kami sa loob ng van. Sa harap syempre sila Rain at Sully. Kami ni KJ nasa gitnang upuan. Tapos sila Lucas at Candy nasa likod namin.

"Okay na lahat? Wala ng naiwan o ano ha?" tanong ni Rain.

"Yep. Wala na." sabe ni Candy.

Nako! Siguraduhin lang ni Candy. Kapag may naiwan siya kumuha mag-isa. Sumunod nalang siya sa Subic.

"Okay. Let's go!" sabe ni Rain at pinaandar na ang kotse.

"Rain, drive-thru ka nga. Nagugutom na ako e. Atsaka, sure ako na gutom na din kayo kakahintay dun sa isa." sabe ko. Alam kong naka pout ngayon si Candy.

"Ambagan nalang." sabe ni Lucas.

"Grabe, yaman mo bro ah." sabe ni KJ.

"Bayaran mo na muna, Rain. Tapos kwentahin nalang namin ang amin at bibigay namin bayad namin sayo." sabe ko. Tumango naman si Rain.

Syempre, sa gutom marami kaming inorder. Sa McDonalds pala kami nag drive-thru. Ako, chicken burger, large fries, pineapple juice at double hot fudge sundae. Napatingin naman sakin si KJ. "Di ka ba tataba niyan?" tanong niya. I raised an eyebrow. "Bakit, mataba ba ako?" taas kilay kong tanong. Napakamot nalang ng ulo si KJ. Hinalikan niya ako sa noo at niyakap. Buti naman. Lagot siya sakin kapag sinabe niyang mataba ako. Hmph!

Mga ilang minuto lang e nakuha na namin ang mga orders namin at nagsi-bayad na din kami kay Rain. Nagsikain na kami habang nagpapatugtog ng music.

"Napag-usapan niyo na ba, Sully kung kayo ang mauuna?" tanong ko. Napatingin naman si Sully sakin pero agad ding tumingin kay Rain.

"We decided na mauna na kami. Mukha kasing walang may gusto sa inyong mauna." sabe ni Rain. Napatango naman ako.

"Kelan niyo balak magpakasal?" tanong ni Candy.

"Gusto kasi ni Sully maging June bride. Kaya June ang kasalan." sabe ni Rain.

"Ano theme niyo?" tanong ko.

"Church wedding. Color Green." sabe ni Rain. Green? Well, yun kasi favorite nilang color e.

Buti pa sila may plano. Di pa kasi namin napaguusapan yan ni Jiro e. Kung ako tatanungin, gusto ko dito ikasal pero gusto ko yung wedding photos e sa Japan.  Ang gusto ko mga January ako ikasal. Gusto ko kasing theme ng wedding photos e yung winter season. Yung may mga fog sa paligid.

"E sino susunod samin?" tanong ni Rain.

Nagkatinginan naman kami ni KJ. Alam kong gusto na din niyang ikasal kami. No no no no, muna.

"Ganito nalang. Hindi ba ihahagis ko yung bouquet? Kung sino nalang ang makakasalo sa inyong dalawa, siya ang susunod." nakangising sabe ni Sully.

Nagkatinginan kami ni Candy. No choice naman kami. Tumango kami ni Candy. "Deal." sabay naming sabe.

SUBIC

Sweet Despair Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon