*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Akira's POV

"Good news! Good news!" sabe ni Candy habang tumatakbo papunta samin.

Napatingin naman kami sa kanya. Kasalukuyang nanunuod kami ng movie kasama yung tatlong lalake.

Nakasandal ako kay KJ. Si Rain naman naka-akbay kay Sully. Si Lucas... well, nakatayo si Candy e.

"Anong good news?" tanong ni Sully.

"Teka, wag mong sabihing buntis ka?" taas kilay kong tanong. Napatayo naman si Lucas.

"Teka, wala pa namang.... Aish!" sabe ni Lucas sabay upo ulet. Natawa nalang kami sa ginawa niya.

"Baliw! Hindi noh! Iba tong good news na to." sabe ni Candy sabay irap sakin.

Napahigpit naman ang yakap ni KJ sakin. "Di na daw tuloy ang kasal!" sabe ni Candy.

"ANO?!" sabay sabay naming sabe. Natawa naman si Candy.

"OMG! Nakakatawa kayo! Hahahahaha." naningkit naman mga mata namin.

Tumayo ako at lumapit kay Candy sabay batok.

"Ouch! Grabe ka, Akira." sabe niya sabay himas ng ulo.

"Wag mo nga kaming pinagloloko. Ano ba yang good news na yan?" inis kong sabe. Nagpout naman siya.

"Joke lang naman ih." sabe niya. Napahilamos nalang ako sa inis. Bumalik nalang ako kay Jiro at umupo ulet katulad ng pwesto namin kanina.

He chuckled. "Hayaan mo na. Masyado kang hot." bulong ni KJ sa tenga ko.

"Kainis e." sabe ko. Niyakap niya ulet ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

Umupo naman sa tabi ni Lucas si Candy.

"Eto na kasi. Yung good news, pwede daw na tayo ang mamili kung saan tayo magbabakasyon." sabe ni Candy.

"Talaga?!" sabay sabay namin. Tumango naman siya.

"Teka. Kasama ba kami jan?" tanong ni Jiro.

"Yes. Basta daw tayong anim ang magkakasama." sabe ni Candy.

"Hmm... san kaya maganda?" sabe ni Rain.

"Eh, kung out of the country?" tanong ni Lucas.

"Ehhh... gusto ko magswimming. Beach nalang." sabe ni Candy.

"I agree. Beach nalang." sabe ko.

"Ako din. Beach nalang." sabe ni Sully.

"Wala naman kaming magagawa e. Yan ang gusto niyo." natatawang sabe ni KJ.

"So it's decided. Saang beach naman? Palawan? Boracay? Batangas? Subic?" tanong ni Candy.

"Subic nalang? Ilang beses na tayong nakapunta sa Palawan at Boracay. I don't like the sand in batangas. Atsaka, sa subic may mga safari sila at ocean park na pwede naten puntahan." sabe ko. They all nodded.

"Okay, then. So, kelan tayo aalis?" tanong ni Candy.

This will be fun.

***--***

"Grabe, ang bagal talaga." inis kong sabe.

Pano ba naman, si Candy nalang ang hinihintay. Huli kasing nagising. Ang usapan mga 4 am ang gising. Nakipag telebabad pa ata kay Lucas.

"Candy! Bumaba ka na!" sigaw ko. Nakarinig naman kami ng kalabog.

"Oo! Andyan na." sigaw niya pabalik.

Pangilang sabe na ba niya yun? 5? 6? 10? aish.

"Lucas, akyatin mo na nga siya dun." sabe ko kay Lucas. Tumango siya at umakyat na.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!