Chapter Thirty Two

46.8K 602 2

CHAPTER THIRTY TWO

MAURICIO'S POV

Hindi ko na alam kung mahal ko pa ang asawa ko. Nagsasawa na ako. Palagi na lang kaming nag- aaway. Isa lang naman ang gusto ko eh, ang mabigyan niya ako ng anak pero hindi kami pagkalooban.

Iniintindi ko naman siya kaya sabi ko mag- ampon na lang kami pero ayaw naman niya.

Minsan nga ayaw ko ng umuwe dahil mag- aaway lang kame. Nagiging tamang duda na nga siya. Minsan nga naiisip ko, ano kaya kung gawin ko na lang 'yung mga ibinibintang niya sakin? Sh*t! Ayoko na ng ganito! Pakiramdam ko nasasakal na ako!

Galing ako sa isang kaibigan at nakipag- inuman. Hindi ako lasing pero nakainom. Bukas ang bintana ng kotse ko habang naandar. Gusto ko kasi ng hangin mula sa labas. Nagmamaneho ako ng bigla akong mapatingin sa nagtatalong babae at lalaki.

Hindi ko alam kung anong naisipan ko at inihinto ko ang kotse malapit sa kanila. Narinig kong humihingi ng tulong ang babae kaya bumaba ako. Alam ko, kahit ganun ang ayos ng babaeng 'yun, hindi pa rin dapat binabastos.

"Bitiwan mo siya!" Sigaw ko.

Ewan ko ba kung bakit ako nangingialam sa mga 'to. Nakadagdag na siguro ang tama ng alak sa lakas ng loob na ipinapakita ko ngayon.

"Pare huwag kang makialam. Away ng mag- syota 'to." Sabi nung lalaki.

Sabi ko na nga ba, hindi na dapat ako nakikisawsaw pa.

"Hindi kita syota! Bastos ka!" Sigaw nung babae.

Hindi naman pala eh. Tama nga ang ginagawa ko.

Hinampas nung babae ang lalaki. Nang mapansin kong sasampalin ng lalaki ang babae ay tumakbo na ako at sinuntok ang lalaki. Sa kalasingan nito ay agad ng natumba.

"Salamat." Sabi nung babae.

"Walang anuman." Sagot ko.

Maya- maya ay dumami na ang mga tao.

"Salamat ulit. Ako nga pala si Lucy." Pagpapakilala nung babae.

"Sa susunod huwag kang lalabas ng ganyan ang suot mo." Sabi ko.

Hindi ko pinansin ang pagpapakilala niya. Ewan ko parang naiinis ako.

"Dancer po kasi ako sa beer house na 'to." Turo niya malapit sa kinatatayuan namin.

Bakit parang proud pa siya? Pero kahit na, hindi dapat siya lumalabas ng ganun ang ayos niya.

"Oh isuot mo." Hinubad ko ang jacket ko at ibinigay sa kanya.

Nakakaawa rin naman. Mukhang inosente kahit ganun ang trabaho.

"Salamat. Pasensya na po, nagmamadali lang po talaga ako. Mauna na po ako. Salamat ulit." Sabi nung babae.

Nung makalayo siya, bumalik na ako ng kotse at sinimulang paandarin.

Napansin ko na naman ang babae na naghihintay ng sasakyan yata. Nagda- dalawang isip ako kung lalapit ako. Ibinaba ko ang bintana ng kotse na isinara ko kanina.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita." Sabi ko sa babae.

Nakaka- konsensya kasi. Baka may mambastos na naman sa kanya.

Tumanggi siya pero agad namang nagbago ang isip. Sumakay siya sa kotse ko at itinuro na ang daan papunta sa kanila.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila, madami ang nagtinginan. Pero bakit ba nga ang daming tao?

THE ONE NIGHT NEGOTIATIONBasahin ang storyang ito ng LIBRE!