Chapter 36

47.1K 606 0

CHAPTER 36

JAMES

Nang tumunog ang doorbell, dali- dali ako sa pagtayo, bumalik si Pen, gusto kong humingi ng pasensiya sa inasal ko kanina.

Napaka- gago ko, binabalewala ko 'yung mga ginagawa niya para sakin. Hindi ko siya pinakikinggan kahit alam kong iyon na ang dapat kong gawin.

"Pen?" Pagbukas ko ng pinto pero nagkamali ako sa nakita ko.

Ilang segundo ko siyang tinitigan habang sinisiguro kung hindi ba ako namamalikmata lang. Hindi ako nagkakamali, siya nga. Ang babaeng nang- iwan sakin.

"Crystal?" Hindi ako makapaniwalang siya ang nasa harapan ko ngayon.

"Hi." Sabi niya ng wala man lang akong maramdamang emosyon sa pagkakasabi niyang 'yun.

"Puwede ba akong pumasok?" Sabi niya nung hindi pa rin ako nagsasalita.

Niluwangan ko ang bukas ng pinto atsaka pinagdadampot ang mga nakakalat sa sahig.

"Maupo ka." Sabi ko habang inaalis ang mga kalat.

Mabilis ko 'yong natanggal atsaka umupo sa tapat niya. Magkaharapan kami. Napansin ko ang bigla niyang pagngiti ng matipid nung matagal kaming nagtitigan lamang.

"So, how are you James?" Sabi niya pagkangiti.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya sa kung ano man ako ngayon. Now she can see how miserable my life is, eto na ngayon ang James na iniwan niya.

"Do you really want to know? Well, here I am, still trying to forget the past and move on." Sabi ko.

I know it's really hard to forget the past and worse, I can't get over it. Ang hirap, lalo't nandito na ulit siya.

I saw sadness on her face. Ano nga bang aasahan niya sakin ngayon, porke okay na siya, magiging okay na rin kami? That's unfair.

"I'm here to say sorry about what happened to your parents. I'm really sorry, nito ko lang nalaman." Sabi niya.

"Tapos na 'yun. Kahit naman nalaman mo noon, nakapag- desisyon ka nang iwan ako, hindi ba? " Sabi ko with bitterness.

Hindi na mababago na sinaktan niya na ako bago mangyari sa mga magulang ko' yun.

"I'm sorry James, hindi ko ginusto ang naging desisyon ko-" sabi niya pero hindi ko siya pinatapos.

"Hindi ginusto? Bakit, may nakatutok bang baril sayo nung hiniwalayan mo ako? Ikaw ang nag- desisyon lahat. Umalis ka at iniwan ako! Ni hindi mo nga naisip na puwede kong ikamatay ang pagkawala mo. Now, tell me! Hindi mo ginusto?" Hindi ko mapigilan ang sarili kong magtaas ng boses.

Matagal na panahon kong kinimkim lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Yung mga panahong gusto ko siyang sumbatan pero wala siya at 'yung mga panahong gusto ko siyang kausapin para maayos ang lahat pero ayaw niya.

"I'm sorry.." Sabi niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Ayoko siyang nakikitang umiiyak, hindi ako makatingin pero kailangan kong sabihin lahat ng sama ng loob ko ngayong kaharap ko na siya dahil hindi lang siya ang nahirapan. Daig ko pa ang patay na natutulog sa gabi at gumigising sa umaga. Buhay na walang buhay. Patay na humihinga.

"Crystal, ipinaglaban kita sa mga magulang ko. Ipinaglaban kita sa lahat pero sumuko ka. Para akong tangang lumaban mag- isa." Sabi ko.

"Marami na kasi tayong nasaktan noon James. Sana maintindihan mo na pinili ko lang makaiwas sa gulo." Sabi niya pero napangiti lang ako ng mapait.

MY HIDDEN WIFEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!