"Meeting dismiss," she said. Nakahinga naman ako ng maluwag. Tumayo na ako mula sa upuan.
"Kane, pakihatid ako sa site namin ah? Wala akong dalang car, e," sabi ni Esteban sa 'kin.
Biglang sumulpot si Clark sa tagiliran ko, "Ako rin, Kane," aniya at ngumisi.
Nakiusap naman ang mga mata ni Esteban sa 'kin. I took a deep breathe and nod my head.
"Okay, no problem," sagot ko, "Let's go," aya ko sa kanila. Sinimulan kong ihakbang ang mga paa ko at sumabay naman sila sa tabi ko.
"Stay, Engineer Gomez. Hindi ka sasama sa aalis, meron pa akong ibibigay sa 'yo," rinig kong sabi ni acting chairman gamit ang seryoso niyang boses. Napahinto ako at dahan-dahang tinabingi ang mukha ko para makita siya. My brows shut up. Nanatili siyang nagbubuklat ng mga pahina ng mga papeles na hawak niya.
Bahagya akong napapikit. I forgot, may papeles pala dapat akong kukunin. Nagkatinginan si Clark at Esteban.
He tapped my shoulder, "We'll wait at your car," Esteban said. I nodded my head. Nanatili akong nakatayo kung saan nila ako iniwan. I look at her straight while she's looking down. Paglabas nila ay doon siya nag-angat ng tingin.
Bigla siyang tumawa at lumabas ang maliit na dimples sa kanang bahagi ng pisngi niya.
"What's funny, chairman?" I asked her.
Itinuro niya ang mga upuan sa paligid niya, "Umupo ka nga! Ang daming upuang bakante, o!" aniya. Hindi mawala ang ngisi niya. I rolled my eyes and seated.
Nilagay niya ang dalawang palad sa ilalim ng kaniyang mga panga at nakapatong naman ang siko sa itaas ng mesa, "Ano ang mas bagay sa 'kin? Maging chairman o maging performer?" tanong niya habang matamis na nakangiti. I crossed my arms around my chest.
My lips twisted and I shake my head, "I knew it, It's you," sagot ko, "Nandito ka ba para maghigante?" tanong ko pabalik.
Nawala ang ngiti niya. Umayos siya ng upo at sumeryoso ang mukha, "So, you are aware of the scandal you made, Engineer Kane Gomez?" she asked, smirking. May diin ang pagkakasabi niya sa pangalan ko.
Umismid ako at nag-iwas ng tingin, "So, you are really here to take a revenge?" I replied. Napakunot ang noo ko habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
"I ask you first, so, don't ever answer me with a question too," she said coldly.
Napalunok ako. She's different, now I know what kind of person is she, "I am, chairman. I am, and I never thought that-that will spread like a wildfire," I explained.
She shrugged, "Okay, eto na ang pinabibigay na mommy," tanging sagot niya. Hinagis niya sa harapan ko ang makapal na papeles na binubuklat niya kanina.
"You can't open this, this is confidential," sabi ko sa kaniya. Agad ko itong kinuha at pinunasan gamit ang palad ko.
She rolled her eyes, "OA mo, hindi ko naman binasa. Hindi ko naiintindihan," tugon niya.
"Because your are not engineer, you are a singer," I said hardly. Sumimangot siya sa 'kin. Tumayo na ako mula sa upuan ko para umalis, "Thanks for this, I gotta go, chairman." Nilagay ko sa ilalim ng kilikili ang dokumentong binigay niya at hinakbang ang mga paa ko.
"Wait, Engineer!" sigaw niya. Napapikit ako sa sobrang lakas ng boses niya. Masama ko siyang tiningnan. She bite her lower lip realizing how loud she is.
"Look, chairman or whatever should I call you," I utttered. She raised her brow, "Act like a chairman and I will act like what I am to your mom, baka pagkamalan nila na close tayo," sambit ko gamit ang matigas kong tono.
BINABASA MO ANG
DS #5: Sienna x Kane
RomanceSienna is a sassy girl. A daughter of a CEO and Engineer. She loves singing and never been in her dream to become one of her parents. All of her performance are dedicated to the person who always sick- Phoebe, she is her sister and number 1 fan. He...
