Dedicated to xsyprus_me! Hello! ^O^ 

Sabihin niyo lang kung gusto niyong magpadedicate ha? :)

Sorry for the typos. 

------(^O^)------

Chapter 8: The Guy with a Gun

Kisha's POV

Nandito ako ngayon sa school, hindi pumasok ngayon si Van, ni hindi na nga siya bumalik kagabi eh. Siguro ay importante lang talaga ang ginawa niya. Pinapunta na naman daw kasi siya ng Council at may meeting daw sila ukol doon sa gaganaping Grand Ball...

Wala din ngayon ang mga Nobles, siguro ay kasama sila ni Van. Ano kaya ang pakiramdam ng maging bampira? Napahawak na lang ako sa leeg ko, kapag kinagat kaya ako ni Van magiging bampira ako? Wala namang masama hindi ba? Ayoko namang tumanda ako pero siya ay bata pa rin ang itsura. Gusto kong maging katulad niya...

Naglalakad ako sa may hallway ng magsimulang magkumpulan ang mga estudyante sa isang bahagi ng hallway. Yung iba ay nagsisigawan na para bang kilig na kilig pa. Parang nangyari na ito noon, nung unang araw ni Van dito. Imposibl namang siya ang pinagkukumpulan kaya dahil na din sa nacurious na lang ako eh nakisiksik ako hanggang sa mapunta ako sa una...

Isang lalake ang nakatayo at naglalagay ng gamit sa locker niya. Ang hot niya. *O* No wonder na ang daming babae ang nagsisigawan sa kilig dito. Pero mas gwapo pa rin si Van sa kanya no! Though ang lakas ng appeal niya. Humarap na siya ngayon sa banda namin, at mas lalo kong nagpagmasdan ang mukha niya. He has a perfect jaw line, a dark and hypnotizing eyes at ang tangkad niya ah! 

Napansin ko na lang na nakatitig siya sakin kaya napakunot na lang ako ng noo. Mukhang seryoso siyang tao at hindi palangiti. Sino kaya siya?

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sakin...

"Where's the room of Class 4-A?" malamig na sabi niya. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa lamig ng boses niya na para bang nagyeyelo na. Walang expression sa mata niya habang nakatingin sakin....

"A-Ah-eh...uhhh...doon" at itinuro ko yung pinto sa may dulo ng hallway. Teka...Class 4-A?! Eh di kaklase ko siya?! Bat parang ang liit naman ng mundo? Puro transferee ang kaklase ko. @__@

Hindi siya nagsalita at nagsimula na siyang maglakad pero hindi siya dumiretso sa room namin, may tiningnan siya sa cellphone niya at kumunot ang noo niya, lumabas siya sa may hall. Saan naman kaya yun pupunta? Akala ko pupunta na siya sa room namin. At dahil nga nag-ala-pusa ako eh nacurious na naman ako at sinundan ko siya...

Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa may dulo ng campus kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa lumang building dito sa campus. Itong building na ito ay isang nasunog na building noon pa kaya wala ng nagamit at wala ng estudyante ang napunta dahil nakakatakot na dito...

Nagtago ako sa may puno at tiningnan ang ginagawa niya...

Nanlaki ang mata ko sa kinuha niya sa may bewang at naglabas siya ng baril. Bakit may dala siya nyan? Hindi kaya hired killer siya? Eh sino naman ang babarilin niya dito eh wala namang tao dito?

"Lumabas ka na dyan alam kong kanina mo pa ako sinusundan"

O___O

Wala na akong nagawa kaya lumabas na ako at hinarap siya. He coldly stared at me na nagbigay na naman ng kilabot sa akin. Bakit ganito ang lalaking 'to? 

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!